CHAPTER 31 – IT’S OUR MONTHSARY TOMORROW
CHALTON’S POV
Nandito kaming lahat ngayon sa bahay namin. Kami nila Jason at Mark. Nandito rin sila Duff, Paolo at Victor. Kaya lang, hindi pa rin kumpleto ang backseat boys. Ang lungkot lang. Pero kahit na ganun, ehh masaya pa rin naman kami dahil kahit papaano ehh magkakasama at solid pa rin ang bsb. Sadyang busy lang ngayon sila Terrence kaya hindi sila makakapunta, afterall, nasa France sila ngayon. At kalagitnaan ng semester kaya mahihirapan sila sa pagpunta.
Nagtataka siguro kayo kung bakit kami nandito noh? Ang totoo kasi niyan ehh, nagpa-plano kami para sa monthsary naming dalawa ni Nami. Nanghihingi kasi ako sa kanila ng tulong kung ano ba ang gagawin ko para sa pinaka-special na araw naming dalawa ni Nami. Lalo na at first monthsary namin ito. Hindi naman kami sa unit ko pwedeng mag-plano kasi baka anytime, pumunta si Nami dun at mabuking kami. Kaya dito na lang. Hehehe.
Naaalala ko tuloy yung mga panahong nagde-decide din kami kung paano isu-surprise yung mga girlfriend ng mga mokong na yun tuwing monthsary nila o kaya kapag nagaaway sila. Haaaaay, nakakamiss tuloy bigla maging high school. At mas lalo namang nakaka-miss yung mga kabarkada mo na hindi mo na kasama ngayon sa mga kalokohang kagaya nito. Naaalala ko tuloy nung time na nagpapatulong si Terrence kung paano daw ba umamin kay Kim nun na gusto niya pala talaga ito. Tapos kung anu-anong kalokohan ang sina-suggest namin sa kanya. Nabatukan nga kami isa-isa nun eh. Secret ko na kung ano yung sinuggest namin hahaha. May pagka-censored eh. Hihi.
Ganun din nung nanghingi ng tulong sa amin si Cloud para ligawan si Skye. Ang sabi pa namin nun sa kanya - ayy mali, sila lang pala kasi hindi naman ako kasama sa mga tumutulong kay cloud na ligawan si Skye nun eh (alam niyo naman kung bakit diba?) - ligawang old school ang gawin niya. Hahaha, yung tipong haharanahin niya si Skye tapos bibigyan niya ng bouquet of flowers tsaka mga chocolates... Ginawa naman nung gag*. Hahaha, nakakaewan lang. Nakakamiss din kasi yung mga ganung panahon.
Nakakalungkot lang na baka...iba na pala yung hinihingan nila ng mga ganung payo sa ngayon... Haaaay, ang drama naman... Ang bading tuloy ng atmosphere! Bakit ba ako nalulungkot ngayon? Hindi ba dapat pa nga akong magsaya kasi malapit na ang monthsary naming dalawa ni Nami? Oo, tama! Yun muna ang pagtutuunan ko ng pansin ngayon.
“Uy, nakapag-isip na ba kayo?” Tanong ko sa kanila.
“H-hah???” Sabay na sagot ni Jason tsaka Mark. Problema ng mga to?
“Sabi ko may naisip na ba kayong plano sa monthsary namin ni Nami...” Pagu-ulit ko. Kainis tong mga to! Ang we-weirdo ng dating ngayon! Kala mo pinagbagsakan ng langit at lupa eh. Tsk.
Pero kung akala ko ehh sasagot na sila ng maayos...eto lang naman ang sagot nilang dalawa sa akin... “Bakit kami ang mag-iisip ehh ikaw ang magmo-monthsary.” Yan lang naman ang sabi nila tapos tulala na naman sila.
“Aba at---“
“Ohh, chill lang Cha. Mukhang malaki ang problema ng mga yan sa babae ehh! Hahah!” si Duff na umiinom ng beer in can. Tinatawanan niya lang yung dalawang gag* na nakatulala pa rin hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
COLLEGE LOVE STORY (Completed)
Teen FictionSa BSB na minahal niyo, sina Jason, Chalton, and Mark na lang ang single. Mahahanap na din ba nila ang babaeng nakalaan para sa kanila? Join their roller coaster love affair while they are on their college years! @hannapoleng