CHAPTER 47 - TEARS PART 3

1.1K 20 3
                                    

NABANGGIT KO NA PO BA YUNG NAME NG MOMMY NI NAMI DATI? HINDI KO PO KASI MAALALA EH. PERO KUNG OO, PAKI-CORRECT NA LANG PO AKO. THANKS!

-------

CHAPTER 47 – TEARS PART 3

NAMI’S POV

Nanlulumo akong umuwi ng bahay namin. Hindi na muna ako dumiretso sa unit ko. Ilang araw na rin kasi akong hindi umuuwi doon simula nung iwasan ako ni Chalton. Ewan ko ba pero simula rin nung dinner namin sa bahay ehh hindi na siya umuwi sa unit niya. At dahil wala akong makausap nung mga times na yun, nag-decide akong sa bahay na lang muna namin tumuloy. Nandun na naman sila mommy at daddy dahil nag-decide silang mag-settle muna sa bahay namin until the end of this year. Bale, almost two months pa sila sa Pilipinas.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Na-realize ko na lang bigla na nasa tapat na ako ng bahay namin. Pinagbuksan ako ng gate ng guard at sinalubong ng yakap ni mommy.

“Nami,”  Excited na sabi ni mommy habang nakayakap sa akin, “papuntahin mo si Chalton dito. Sabihin mo mag-dinner ulit tayo. Nakooo, gusting-gusto ko talaga si Chalton para sa iyo. Mabait na, sobrang gwapo pa!” Kung magsalita si mommy, akala mo teenager eh. Kung hindi lang ako malungkot, malamang ehh tatawanan ko siya at sasakyan pa yung trip niya. Pero hindi ko magawang magsaya o tumawa man lang, masakit kasi isipin ehh...Masakit isipin yung mga sinabi niya sa akin kanina. “Ano? Nami, anak, i-text mo na si Chalton. Naghanda ako ng steak ehh. Sayang naman, ang dami pa naman ng niluto ko.”

“No, mom.” Simpleng sagot ko habang naglalakad kami papasok ng bahay. Naupo ako sa sala at sumunod naman si mommy. Hinang-hina talaga ako. Gustung-gustong pumatak ng mga luha ko pero pinipigilan ko. Ang sakit lang...Sobrang sakit.

Nang mapansin naman ni mommy yung itsura ko ehh lumapit siya sa akin at tinanong ako, “Anong problema Nami? Are you alright, baby? May nangyari bang hindi maganda kay Chalton???” Sunud-sunod na tanong ni mommy. Hindi ko alam yung sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung makakaya ko bang i-kwento dahil iniisip ko pa lang, eh hang sakit-sakit na. Baka pag nagkwento pa ako ehh hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak.

“It’s nothing, mom.” Sagot ko. At akmang tatayo na para pumunta sa kwarto ko. Balak ko kasing doon na lang muna maglabas ng sama ng loob. “I just need some rest.”

Agad-agad namang nagsalita si mommy. “ If you need someone to talk to, I’m here. Mommy mo ako.”

And with that, bigla na lang nag-unahan sa pagpatak yung mga luhang kanina ko pa tinatago. Niyakap ko nang mahigpit si mommy and after that, I found myself telling everything to her. Iyak lang ako nang iyak habang yakap-yakap niya ako. I’ve never been this comfortable before. Mahal na mahal ko talaga si mommy at lahat-lahat ng problema ko ehh sinasabi ko sa kanya, even before. Umiyak man ako nang umiya, Iknow she’ll always be by my side.

Dahan-dahan niyang hinahagod yung likod ko habang kinikwento ko sa kanya lahat ng nangyari. “Ma, alam na niya...What should I do....Mahal na mahal ko siya. Ayokong mawala siya sa akin...”

“Kung mahal ka niya, tatanggapin ka niya nang buong-buo. Kung mahal ka niya, papatawarin ka niya sa isang bagay na hindi mo naman sinasadya. Kung mahal ka niya, he’ll be willing to listen...” Patuloy na sabi ni mommy habang yakap ako nang mahigpit, “The only ways you can do is, do not give up and tell him who you really are.”

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon