CHAPTER 30 – THE KISSING GAME
CELYN’S POV
Nandito nga kami sa may hallway ni Princess at pinagu-usapan ang tungkol sa headline na kung saan ehh napabalitang kami daw ni Dane Slater? Seriously? Bakit sa lahat pa ng taong ili-link sa akin, ehh si Dane pa? Ang tagal ko nang ni-dump si Dane dahil unang-una, hindi ko siya gusto. I don’t think I’ll ever learn to love him kahit pa sabihin niyang hihintayin niya ang araw na matutunan ko siyang mahalin. Secondly, hindi ko talaga siya gusto (ehehe). Hinding-hindi talaga. Kahit pa matalino siya, kahit gwapo pa siya, kahit napaka-gentleman pa niya, kahit na marami pang naghahabol sa kanya. Dahil hindi ko talaga siya magagawang mahalin. And yung last reason ko ehhh, it’s still HIM.
It’s still Jason. At kahit na sobrang layo pa ni Jason kay Dane...kahit na si Dane ehh pinapakita niya talaga na mahal niya ako, while si Jason ehh hindi, Jason pa rin talaga ehh. Wala nang magpapabago pa sa nararamdaman ko. Kahit na gentleman pa si Dane, at si Jason hindi...Si Jason pa rin ang gugustuhin ko. Kahit na sobrang lamang na lamang si Dane kay Jason pagdating sa attitude of a perfect boyfriend, si Jason pa rin ang pipiliin ko.
Kaya lang...hanggang ngayon...friendzone lang ako. Sa totoo lang, sobrang nagsasawa na akong maging hanggang bestfriend na lang sa paningin niya. Nagsasawa na akong iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya, higit pa sa pagkakaibigan. Minsan, naiisip ko na gusto ko na lang sumuko. Bakit ba kasi hindi na lang si Dane yung minahal ko. Bakit ba hindi na lang kay Dane ko ibigay yung atensyon ko. Bakit ba hindi na lang si Dane?
At eto nga ang problema. Hindi ko talaga alam kung saan nanggaling yung balitang kami na ni Dane!? Sabi sa akin ni Princess, ang laman ng balita is magkasama daw kami ni Dane sa Puerto Galera, which is not true. Alam niyo naman yung totoo diba? Actually, I didn’t know na model pala siya nung agency nay un. After all, maraming agency na kumukuha sa kanya. How did I know? Napaka-popular niya kaya. Well, not as popular as Jason, but then, popular pa rin siya. Si Dane kasi, kumbaga, malapit sa girls. Kagaya nga ng sinabi ko, he’s gentleman. So kung may mag-approach sa kanya na girls, ine-entertain niya. Si Jason kasi, never pang nagka-interes sa girls before...Princess. Oy, hindi ako bitter ah!!! Nagku-kwento lang.
So ayun nga, never pa siyang nagka-girlfriend dati... How did I know? Kasi nga bestriend kami. Wala naman siyang tinatago sa akin dati ehh. Nung mga bata pa kami. Sobrang open naming sa isa’t isa kaya kahit pagdating sa love life naming ehh open kami. At wala naman siyang nakukwentong girls na nagugustuhan niya. Siya yung type ng taong sobrang happy go lucky. Hindi mahilig man-chicks. Maliban kasi sa akin, wala na siyang ibang kaibigan babae back on our childhood days. Sapat na daw kasi sa kanya yung ate niya, mommy niya tsaka ako lang yung babae sa buhay niya.
Ang hirap siguro i-define ng itsura ko habang kausap ko si Princess. Paano ba naman ehh sobrang frustrated na talaga ako sa mga nangyayari. Almost a week lang kaming nawala, tapos ang dami ko nang nalaman na bagong balita!? At ako pa ang bida!!! Nakakaasar lang!!! Maya-maya ehh napalingon na lang ako sa direksyon kung saan nakatingin si Princess. At doon nakita ko si Dane, nakatayo sa likod ko... “Let’s talk about it.” Sabi niya.
Pumayag naman ako para naman malaman ko rin yung side niya about sa news na kinasasangkutan naming dalawa.
“So...anong alam mo? Tell me, may alam ka ba dito?” Tanong ko sa kanya patungkol sa headline habang naglalakad kami papunta kung saan man kami dalhin ng mga paa namin. Hindi rin kasi namin alam kung paano kami magu-usap lalo na mukhang magiging unang beses ito na matagal kaming magu-usap ng tungkol sa aming dalawa. Dati kasi hindi naman kami nagpapansinan masyado kahit na naging kaklase ko siya. Bago siya manligaw sa akin, hindi rin kami close para maging kumportable ako kapag kasama ko siya kaya ako na ang nag-open up ng conversation between us at tinanong ko na lang siya habang naglalakad kami since pansin ko sa kanya na medyo naiilang din siya sa akin.
BINABASA MO ANG
COLLEGE LOVE STORY (Completed)
Teen FictionSa BSB na minahal niyo, sina Jason, Chalton, and Mark na lang ang single. Mahahanap na din ba nila ang babaeng nakalaan para sa kanila? Join their roller coaster love affair while they are on their college years! @hannapoleng