CHAPTER 63 - DALYN MONTHSARY
CELYN'S POV
Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Well, maaga pa. Sadyang nag-alarm ako ng maaga kasi gusto ko man lang mabati si Dane dahil nga monthsary namin ngayon. Nag-inat-inat ako muna ako pagkatapos ehh kinuha yung phone ko sa bedside table ko. May ilang text mula sa mga kaibigan ko. Sila lang naman ang mayroon ng number ko kasi gusto ko kahit papaano ehh maging private ang buhay ko, kahit hindi naman talaga ehehe.
Bago ko basahin yung mga messages ehh nag-decide ako na i-text na muna si Dane. Nakakahiya naman kasi kung hindi ko siya babatiin lalo na hindi naman ako nag-antay ng 12 kaninang umaga just to greet him.
To: Dane
Happy monthsary, Dane.
-sent-
Hindi ko alam kung tama na ba yung sinend ko sa kanya. Magkikita naman kami mamaya ehh, kaya mamaya na lang kami magu-usap nang maayos.
Sunod ko naman binasa yung mga messages nila Nami, Chalton, Princess, at Mark. Sila lang mag messages sa akin ehh at ang nakalagay? Syempre, happy monthsary daw. Pero hindi ko maintindihan yung sarili ko ngayon. Masaya nga ba ako?
I scrolled down. May isang text galing kay Dane. Kanina pang madaling araw. 12:02 ang nakasulat eh. Tsk, nakakahiya naman, ako hindi gising ng ganoong oras tapos siya gising!?
From Dane:
Did I already ask you to meet me by 5pm later? At school, Celyn. Specifically sa may field. Hope to see you there! Wag kalimutang ngumiti, girlfriend. Goodmorning, anyway. And HAPPY MONTHSARY! I love you. :)
-end-
Oh sht. I can't help but to cuss. Why is he so sweet and caring and understanding!? Nagui-guilty tuloy ako dahil sa confused feelings ko right now. Psh.
At kagaya nga ng message niya sa akin sa fb, hindi na ako nagbalak na bumili pa ng regalo para sa kanya. I'll just make him happy mamaya. Yun na lang siguro ang gagawin ko. Pipilitin kong maging masaya kasi yun ang gusto niya.
------------
"Hoy, Celyn! Bakit mo ako pinapunta dito, aber!?" Si Princess yan. Pinapunta ko kasi siya dito sa bahay kasi gusto ko ng makakausap. Hindi kasi ako mapakali. Simula nang gumising ako kaninang umaga, hindi na ulit ako dalawin ng antok, tapos sobra din akong kinakabahan. Ganito ba talaga kapag first time mong nag-monthsary
"Ehh kasi naman...Bigyan mo naman ako ng mga tips sa pwede kong gawin mamaya...alam mo na..." Alam niyang monthsary namin ni Dane mamaya. At kasi diba? Bestfriend ko siya kaya siya ang unang kong tinanong. Si Nami kasi nasa hospital pa at hindi pa pwedeng lumabas. Si Olive naman...hindi ko ma-contact. Ano kayang nangyari dun?
"Tsk. Yun lang!? Pinapunta mo ako dito para lang tanungin sa pwede mong gawin mamaya!?" Aray ha? Makasigaw lang? Nakalunok ng microphone!?
"Anung lang!? First time kong pumasok sa isang relationship as a girlfriend! Malay ko ba kung anong dapat ko ikilos mamaya!" Sigaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
COLLEGE LOVE STORY (Completed)
Teen FictionSa BSB na minahal niyo, sina Jason, Chalton, and Mark na lang ang single. Mahahanap na din ba nila ang babaeng nakalaan para sa kanila? Join their roller coaster love affair while they are on their college years! @hannapoleng