CHAPTER 48 - LATE BIRTHDAY CELEBRATION

1.2K 16 5
                                    

CHAPTER 48 – LATE BIRTHDAY CELEBRATION

OLIVE’S POV

Hindi ko alam kung anong gagawin ko...kung anong dapat na maramdaman ko. Hiniling sa akin ni Krisha na ibigay ko na lang sa kanya si Christian. Hiniling nung taong nang-agaw kay Christian na ipaubaya ko na lang si Christian sa kanya. Bakit ganun? Aagawin na naman niya si Christian sa akin? Kung kailan okay na kami ulit ni Christian, tsaka na naman siya eeksena. She always makes me confused about my feelings. Hindi ko naman magawang magalit sa kanya dahil anak ni Christian yung dinadala niya. Patuloy na bumabagabag sa akin yung mukhang nagmamakaawa ni Krisha. Naaawa ako sa kanya. At dahil doon ehh hindi ako mapakali. Iniisip ko na kapag hindi ko binitawan si Christian, ehh may tao akong masasaktan. Ayoko pa naman sa lahat ehh yung makasakit ako ng ibang tao.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung anong naging reaction ni Christian nung sinabi yun ni Krisha sa kanya. Sana pala mas nakinig kami ni Mark, at least alam ko kung saan ako lulugar at kung anon a kami ni Christian ngayon. After nung nag-bar kami, hindi na siya nagpakita sa akin ulit, tinext niya lang ako kung nasaan ako, nung sinabi kong nasa bahay na ako, ang reply niya lang ay, ‘good’. Pagkatapos ng gabing yun, hindi na siya nagpakita sa akin. Gusto kong linawin kung ano na ang mangyayari sa amin.

Pero dahil kay Krisha, Naisip ko na kailangan kong mag-desisyon. Dahil ako ang naaagrabyado dito. Ako na naman ang maiiwan kung nagkataon. Hindi ko kayang tanggalan ng ama yung bata.

Sobrang lalim ng iniisip ko hanggang sa makarating ako sa bahay. Hindi ko kasi agad-agad napansin yung nangyayari sa loob ng bahay. Natulala na lang ako ng makita kung ano yung mga dekorasyon doon. May mga iba’t-ibang kulay ng balloons, may mga pagkain sa center table, may set of gifts sa couch, nakabukas yung flatscreen tv namin tapos may nakasulat doon na, ‘Happy Birthday Olive Rae!’ tapos may design na confetti. Maya-maya ehh gumalaw iyon, nag-change ng slide kumbaga. Bumungad yung mga stolen shots ko. Yung iba, nakadila, yung iba parang na-distort yung mukha ko, yung iba parang tirik na tirik yung mata ko, yung iba naman nakapikit ako at natutulog...sa klase!

Sinong kumuha ng mga picture na ito!? Bakit may picture akong tulog sa klase!? Wtf! Baka makita nila mommy at pagalitan ako! Huhuhu. Continuous lang sa pag-change yung slide. May mga shots din kami ng barkada. Sila Jason, Celyn, Chalton, Nami, at Mark. May picture kami ni Mark na pareho kaming tulog sa klase. Seriously!? Magkatabi pa kami doon since tabi naman talaga kami ng upuan. Buti hindi tulo laway ko dun. -__-

May shots din na kasama ko sila Duff, Victor, at Paolo. Naging close ko na rin sila kasi kaibigan nga sila nila Mark, Jason at Chalton. Yun nga lang, bibihira lang kami mag-bonding since magkakaiba kami ng course at magkakaiba din ng schedule. Matagal na rin silang hindi nagmo-model dahil sobrang busy sa college life. Kaya talagang pati sila ehh bibihira na magkita-kita. Minsan, naririnig ko na lang sila Jason na name-miss na daw ang BSB. Hayyy, how I wish, makilala ko rin sila Cloud, at Terrence. Nasa ibang bansa kasi sila diba?

Maya-maya ehh bumalik na doon sa birthday greeting yung slide. Maya-maya ehh may nagsabog ng confetti then sabay-sabay silang nagsilabasan sa kung saan-saang parte ng bahay namin. “HAPPY BIRTHDAY!!!” Sabay-sabay nilang sabi tapos kumanta sila ng happy birthday. Halos maluha-luha naman ako kasi naman, hello! November 10 na po kaya ngayon. Yung totoo? Sobrang late po ba ng mga kalendaryo niyo ehh November 1 kaya ang birthday ko!? -_-

Pero imbis na sabihin yun sa kanila ehh nag-thankyou na lang ako. Hindi kasi ako makapaniwala na nandito sila dahil gusto nilang i-celebrate yung birthday ko. “Pasensya na Nami, hindi kasi namin alam na November 1 yung birthday mo. Akala namin December 1. Bwisit ka naman kasi, December 1 kaya ang nakalagay sa bio mo.” Sabi ni Celyn.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon