CHAPTER 50 - CONFUSED HEART

1.1K 18 0
                                    

CHAPTER 50 – CONFUSED HEART

CELYN’S POV

Nandito ako sa minipark ngayon habang mag-isa. Tutal break naman namin ngayon eh. At yung mga lalaki na studyante na naga-aral dito ehh todo titig lang naman sa akin. Maganda ang lola niyo eh. Lols. Hahaha. Pero yung totoo? Marami naman kasing gusto manligaw sa akin. But I don’t give them chances.

 Ilang linggo na lang December na. Ang bilis naman ng panahon. Magpa-pasko na naman. Malapit na rin pala kami ni Dane mag-first monthsary. Ano kayang gagawin namin sa first monthsary namin? Sasaya kaya ako dun?

Nilibot ko ang tingin ko sa buong Sylvana University. Kapag nasa minipark ka kasi, kita mo yung buong campus since nasa gitna siya ng University na ito. Wala kasi akong magawa ehh kaya naisipan kong maupo na lang muna dito at mag-isip isip. Iniisip ko kung anu-anong bagay ang mga pinasok ko. Iniisip ko kug bakit ganito kakumplikado lahat ng mga bagay...

Mahal ko pa rin kaya si Jason? Hayyy. Sa tingin ko naman...hindi na. Kasi masaya naman na ako kapag kasama ko si Dane. Napapatawa niya ako. Siya yung boyfriend ko na bestfriend din kung ituring ko. Nasasabihan ko siya ng problema ko. Hindi pa ba sapat na rason yun para sabihing mahal ko na si Dane? Kasi nangako ako sa kanya na mamahalin ko siya eh. Nangyari na kaya? Ayokong i-break yung promise ko na iyon sa kanya.

Hayyy. Nasaan kaya sila Nami at Olive? Aysh, siguro may klase? Nakakainis naman kasi eh. Bakit ba hindi kaya ng utak ko yung Math ng mga engineering ehh di sana, nag-engineering na lang rin ako at least diba naging kaklase ko sila!? Tsk.

Speaking of Jason. Nakita ko lang naman siya.

Somewhere in the University at kasama niya si Jam na kung makakapit na naman sa braso niya ehh wagas. Tsk. PDA much!? Mahiya naman kayo. Bwisit!

“HOY!” Ay kabayo! Halos mapatalon ako ng biglang may bumatok sa ulo ko. Yung totoo???

“PRINCESS NAMAN EH! MAKABATOK WAGAS! TINGIN MO SA ULO KO??? BAKAL!?” Sigaw ko sa kanya habang hinihimas-himas yung batok ko. Ang sakit kaya. Balak ata nito putulin ulo ko eh. “Bakit ka ba nambabatok bigla-bigla!?”

Tinaasan niya ako ng kilay. Ibinaba niya yung bag niya sa table katabi nung bag ko tapos umupo sa tabi ko. “Hoy, Celyn. Sinasabi ko sa’yo ha...May boyfriend kang tao. Kung makatitig ka sa ex-love mo, para kang papatay ng tao porket kasama niya ngayon yung girlfriend niya!” Sigaw niya sa akin. “Affected much lang ang peg mo, Kate Celyn Sylvana!?” Tapos ehh nameywang siya.

Oo nga, may boyfriend ako. Aminado naman ako ah. Tsaka hindi ko kailanman ikakahiya si Dane noh. At tsaka, bawal na ba tumitig sa isang tao ngayon? Ehh PDA much kaya sila! At tsaka naaawa lang ako sa mga babaeng halos lumuwa yung mata dahil yung idol nila ehh grabe kung makipaglandian sa girlfriend niya! At tsaka affected? Sino? Ako? Affected ako??? Lelang nila. Never! “Ehh kasi PDA sila masyado. Nakakairita.” Yan lang ang sinabi ko sa dami ng nasa utak ko.

“PDA ka diyan. Sabihin mo nasasaktan ka kaya naiinis ka! Tignan mo nga yang G-tec mo, bali na! Nakita kong nabali yan dahil titig na titig ka nang masama sa kanila, ano itatanggi pa???” Saway ulit ni Princess sa akin. “Hoy Celyn! Isipin mo si Dane. Yung mararamdaman ni Dane kapag siya yung nakahuli sa reaksyon mo kanina nung nakita mo si Jason and Jam na magkasama! Tsk.”

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon