CHAPTER 61 - DRUNK PART 2

1.1K 14 0
                                    

Ano ang paniniwalaan mo? Yung destiny yung dahilan kung bakit nagkakatuluyan ang dalawang tao o sila mismo ang gumagawa ng paraan para mag-exist nga ang tinatawag na destiny?

CHAPTER 61 - DRUNK PART 2

MARK'S POV

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may gumagalaw sa bandang kanan ko. Ano naman yun? Aysh, inaantok pa kaya ako. I decided to lie still nang hindi lang galaw ang maramdaman ko, parang may narinig kasi akong humihikab sa kanang side ko pa rin.

-_-

-_o

o_-

-_-

O_O

"Ahhhhh!!! Wala akong ginigawang masama!!! Wala talaga promise!!! Hindi ko sinasadya!!! Ahhhhhhhh!!!" Biglang nagising yung kaluluwa ko sa nakita ko dahilan para mapasigaw ako at mapabangon mula sa kama ko.

Paano ba namang hindi ako magugulat ehh naman kase...Huhuhu, hindi ko talaga sinasadyang ganun ehh...

"M-Mark??? A-anong walang ginagawa???" Saglit siyang napatingin sa katawan niya at, "KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA-asdfghjkl!"

Tinakpan ko ang bibig niya, kung makasigaw parang ni-rape ko ah? Huhu, kung alam lang talaga niya ang nangyari kagabi. Nililinaw ko lang, wala namang nangyari sa amin ehh. Sayang! Hehe de joke lang po. Ampupu, ang manyak ng dating ko. Huhu. Pero kung nagtataka kayo kung bakit ako napabalikwas ng bangon at kung bakit ako napasigaw...

Ang bumungad lang naman sa akin paggising ko ehh ang...

hi...

hina...

hinaha...

hinanaharap ni Rae!

Hindi ko talaga yun sinasadya! Malay ko bang paggising ko ehh ganun na posisyon naming dalawa! At hindi lang yun...yung...yung binti niya kasi...nasa may binti ko. Bali...nakapatong yun sa binti ko! Syet! Ehh naka-mini shorts lang kaya siya kaya flesh and blood ang pakiramdam ko! Wala namang nagsabi sa akin na malikot pala matulog si Rae! Huhu, kaya ayan ang nangyari!

Tae! Ang init naman bigla! Bakit uminit sa kwarto ko!? Sira ba aircon!? Tsk! Ang init talaga! Ipapaayos ko nga yan sa katulong namin mamaya!

"Asdfghjkl!" Ayy oo nga pala nakahawak pa pala ako sa bibig ni Rae, tinanggal ko yun at ngumiti sa kanya. Buti naman at medyo kumalma na siya. Nagtalukbong siya ng kumot bago magsalita, "T-teka, Mark! Paano ako napunta dito!? At bakit nakasando na lang ako at shorts!? Paanong dito ako natulog sa kwarto mo!? Bakit magkatabi tayo!? At ano ang hindi mo sinasadya!? Kyaaaaah!!!? Mabubuntis na ba ako!? Magiging nanay na ba ako!? Magiging tatay ka na ba!? Bata pa kaya ako!!! First year college pa lang tayo!!! Paano natin nagawa yun!? Kyaaaa---" Tinakpan ko ulit yung bibig niya. Parang walang balak mag-preno eh, sakit kaya sa tenga. OA lang? Anak agad? Tsk, sana nga. Lols joke. Wala nga kaseng nangyari sa amin. Tsk.

-_-

"Teka lang pwede, isa-isang tanong lang? Mahina kaya kalaban!" Takte, paano ko ba ike-kwento ang lahat ng nangyari! Psh. May utang pa kaya ito sa akin si Rae, kala niya ha. Papaaminin ko siya ngayong gising na siya. Pagkatapos niya akong pahirapan nang husto kagabi!? Tsk. Juskopo, wala namang nagsabi sa akin na ang wild naman pala ni Rae kapag uminom, tama lang na hindi siya palaging uminom. Tsk!

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon