CHAPTER 69 - MULING IBALIK

1K 17 0
                                    

CHAPTER 69 - MULING IBALIK

DANE'S POV

Hayyy, amboring...It's been almost a month...At yung mga panahong yun, tila ang boring na ng paligid. Papasok ako sa school, pero ang tamlay ng aura ko. Uuwi ako sa bahay, magsa-soundtrip lang ako. Kakain, tutulog...Ni hindi na nga ako nagbubukas ng Facebook ko...natatakot kasi ako na baka isang araw, makita ko yung relationship status nila Celyn at Jason.

Oo, mahal ko pa rin si Celyn...Pero ngayon, masaya ako para sa kanila. Minsan, nakikita ko sila sa school na ang sweet-sweet nila. Wala naman akong tutol doon dahil alam kong nagmamahalan silang dalawa.

"Hoy, emo mode ka ata ngayon?" Nagulat ako nang makita ko kung sino ang nagsalita.

"Jam? Anong ginagawa mo dito sa school?" Ehh diba, Christmas vacation ngayon? So bakit siya nandito?

"Ehh? Bakit ikaw? Bakit ka nandito?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Mataray pa rin siyang tignan, pero ang totoo, mabuti siyang tao. At mas napatunayan ko iyon nang malaman ko yung plano nila ni Jason...

*flashback

Before Dalyn's monthsary...

"DANE?" Halatang gulat na gulat si Jason nang makita ako. Pati na rin si Jam. Ngayon ko na kakausapin si Jason tungkol sa plano ko. Tsinempuhan ko talagang sila lang dahil nga kailangan nila akong tulungan sa pinaplano ko sa araw ng monthsary namin ni Celyn. "Anong ginagawa mo dito?"

"Kailangan nating mag-usap." Kung kanina ehh medyo nagkakasiyahan sila kasi naman parang may papel silang pinagaagawan na ewan, ngayon naman, tahimik ang paligid.

"Tungkol saan?" Seryosong tanong nito. Si Jam naman ehh nakikinig lang.

"Tungkol kay Celyn...para sa monthsary namin." Sagot ko.

"Nahihibang ka na ba? Ang gusto mo bang sabihin eh gawan kita ng pabor para sa monthsary niyo? The hell I care! Problema mo na yan! Wag mo akong idamay!" Kitang-kita ko yung naglilisik niyang mga mata. Alam kong mahal niya si Celyn. Ramdam ko yun sa ikinikilos niya ngayon. Kaya naman hindi ako nagda-dalawang isip na pakawalan si Celyn kung sa kanya lang rin naman mapupunta.

"Jason, makinig ka muna sa kanya..." Mahinang sabi ni Jam at tila nakinig naman ito. Kumalma na ang itsura niya tapos yumuko na tila hinihintay akong magsalita.

"Alam kong mahal mo si Celyn..." Agad naman siyang tumingin sa akin. "Nandito ako para sabihin yung plano ko para sa monthsary namin. Kasi sa araw na iyon, ipagkakatiwala ko na siya sa'yo..."

Tila hindi makapaniwala yung itsura niya. "Tsk, mahal mo rin si Celyn diba? Bakit hindi ka lumaban ng patas!? Ano sa tingin mo sarili mo? Diyos!? Sa tingin mo ba hindi kita kayang kalabanin kaya basta-basta mo na lang ibibigay si Celyn sa akin!? Damn you! Hindi siya bagay na basta na lang ipinagkakatiwala!" Sigaw niya. Tsk. Ang hirap naman kausap ng taong ito eh. Kung hindi lang para kay Celyn, hinding-hindi ko siya kakausapin. Ako na nga ang lumalapit, siya pa ang galit!

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon