CHAPTER 26 – WHAT?!
OLIVE’S POV
Kakauwi lang namin mula sa Puerto Galera kahapon. At ngayon ehh nandito kami sa minipark. Alam niyo ba kung bakit napaaga ang uwi namin? 5 days palang kasi kami doon ehh ang usapan diba 1 week?
Ganito kasi yun. Si Jason kasi, nagyaya nang umuwi. Actually, tapos na rin yung photo shoot nila at balak i-release yung magazine this December pa ata? So ayun, balak pa sana naming mag-stay ng 2 days pa doon to complete a week. Pero uuwi na daw si Jason tsaka si Celyn kaya nag-decide na rin kaming sumabay. Naiwan pa nga yung ibang staff sa Puerto Galera ehh. Kami lang anim ang naunang umuwi. Sayang nga ehhh!
At eto ngayon si Jason, hyper na hyper. Samantalang mukhang badtrip na badtrip kahapon. Hahahah!
Halos mapatalon na lang ako nung biglang may binulong sa akin si Mark. “Tignan mo tong isang to...” Patungkol kay Jason. “...Badtrip yan simula pa nung isang araw. Nung nakita niya si Dane. Ayaw pang aminin na nagseselos siya kay Dane eh. Tapos tignan mo ngayon, alam niya kasing wala si Dane dito kaya hyper na hyper. Wala kasi siyang karibal kay Celyn...Hahah!”
“Hala? Sabi ko na nga ba ehh...” Mahinang bulong ko rin kay Mark. Nandito kasi ang barkada except kay Celyn at Princess na may klase pa. Baka marinig ni Jason at mayari kami hahaha. “...Kaya pala ang sama ng tingin niya kay Dane lagi... Kunyari pang ayaw niya sa best friend niya...”
“Oo nga ehh... Pero nung kinausap naman namin siya sabi niya hindi niya lang daw talaga feel para kay Celyn yung lalaking yun...” Sabi pa ni Mark.
“Sus, ang sabihin niya talagang nade-develop na siya sa bestfriend niya. Ang ganda at ang sexy kaya ng best friend niya tapos ini-ignore niya lang.”
“Hayyy nako...Sana talaga ma-clear niya na yung feelings niya ngayon pa lang... Ano kayang mangyayari kung makita niya si Princess...”
“Yun lang... And worse if he saw Princess together with Celyn... Ang complicated talaga ng relationship nilang tatlo. Ako ang nahihilo sa kanila ehh...”
“But no matter what happens, dapat nandito lang tayo para sa kanila lagi...”
“Yeah. Come what may.”
“Hahahah!”
“Huy! Anong pinagbubulungan niyong dalawa diyan ha!? May patawa-tawa pa kayo! I-share niyo naman!!!” Sigaw sa amin ni Jason.
Hindi namin siya pinansin ni Mark. Wala lang hahaha. Pang-asar lang. XD
Napansin niya namang hindi naming siya sinagot kaya nagsalita siya ulit. “Hayy bahala nga kayo... Siguro nagliligawan na kayo diyan noh!?”
BINABASA MO ANG
COLLEGE LOVE STORY (Completed)
Teen FictionSa BSB na minahal niyo, sina Jason, Chalton, and Mark na lang ang single. Mahahanap na din ba nila ang babaeng nakalaan para sa kanila? Join their roller coaster love affair while they are on their college years! @hannapoleng