CHAPTER 32 - I LOVE YOU WITH ALL... MY HEART

2K 25 3
                                    

CHAPTER 32 – I LOVE YOU WITH ALL... MY HEART

 

NAMI’S POV

 

Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaah. Ano ba naman oh! Wala akong maisip na matino! Tsk. Ano ba kasing ibibigay ko kay Chalton para sa monthsary naming dalawa bukas? Tae naman oh!!! Ayaw gumana ng utak ko ngayon! Magi-isang buwan pa lang kami ni Chalton tapos nahawa na agad ako sa pagka-stupido niya??? Tsk. Ehhehehe, joke lang.

Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog. Bukas na yung isa sa pinakamahalagang araw sa buhay ko pero wala pa rin akong naiisip na maipanreregalo ko sa kanya. Wag na lang kaya ako magregalo? Psh. Pero syempre, hindi naman pwede yun noh!

Ayy teka, sa sobrang kakaisip ko ng mga kung anu-anong bagay, ehh hindi ko pala naalalang magtext sa kanya!? Aw patay.

Agad-agad kong kinuha yung cellphone ko sa may cupboard para man lang i-text si Chalton kahit na alam ko namang for sure, ehh tulog na yung mokong na yun.  Alam niyo naman yung isang yun, masyadong maarte sa kanyang katawan. Daig pa babae ehh. Makakasira daw sa kanyang handsome face ang labis na pagpupuyat. Tsk. -_-

Time check muna tayo. 11:55 pm.

Uwaaaaaah! Limang minuto na lang, at monthsary na namin! At ni isang text or call ehh wala akong natanggap mula sa kanya ngayong araw. Psh. Nakakainis naman oh! Pero hindi ko sisirain itong monthsary naming dalawa dahil lang sa hindi niya ako tinext ng isang araw.Tsaka ko na lang siya aawayin kapag tapos na yung monthsary namin. -_-

11:58 na! Dalawang minuto na lang pero wala pa rin siyang text. Ah baka naman kapag 12 na, tsaka niya ako tatawagan o ite-text! Ahh tama! Baka yun na nga yun. Ehehehe. Paikut-ikot lang ako sa kama habang nakabantay sa phone ko. Excited na ako magbukas at the same time...kinakabahan. Hindi ko kasi sure kung anong mangyayari bukas ehh.

*bzzzzzzzz bzzzzzzzz

Nagulat na lang ako nang bigla mag-vibrate yung cellphone ko.

*boogsh

Awww! Sa sobrang pagmamadali kong tignan kung sino ang tumatawag ehh nalaglag ako sa kama. Kahit masakit sa pwet, okay lang. Lalo na nung makita kong...

*Boyfriend calling...

Uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! This is it! Babatiiin niya na siguro ako! Kyaaaaaaaaaah! Agad-agad kong sinagot ang cellphone ko.

“HELLO?” Kunyari ehh kakagising ko lang dahil sa pag-vibrate ng phone ko. Ayoko namang magpahalata na excited akong makausap siya noh! Kahit ang totoo ehh sobrang kinikilig ako sa pagtawag niya. Ang weird noh? Simpleng effort lang ng pagtawag niya sa akin, kikiligin agad ako. Ganun ata talaga kapag mahal mo yung tao. Kahit gaano pa ka-simple o ka-corny yung ginagawa niya para sa’yo, kikiligin ka pa rin. Haaaaay, ang sarap ma-inlove!

“AHHH EHHHH... BAKIT HI-HINDI KA MAN LANG TUMAWAG O KAYA NAGTEXT NGAYONG ARAW!? AT TSAKA BAKIT GISING KA PA!? GABI NA AHHH!” Awtsu. Sabi na nga ba ehh. Pero hindi dapat ako magpatalo.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon