CHAPTER 41 - MOVIE MARATHON

1.2K 19 1
                                    

CHAPTER 41 - MOVIE MARATHON

CELYN’S POV

Nandito kami ni Dane sa entertainment room. Kasama din yung iba naming mga kaibigan. Nandito sila Nami, Mark, at Princess pero wala sila Jason, Olive at Chalton. Hindi ko alam kung bakit wala silang tatlo at kung pupunta ba sila. At wala akong pakialam kung pumunta man si Jason o hindi. As if I care. Duh. . Si Olive kasama na naman daw ang boyfriend niya. And as for Chalton, tinanong ko si Nami, “Nami, nasaan si Chalton? Bakit hindi mo yata kasama ngayon?” May pagtatakang tanong ko.

“Hindi ko nga alam eh. Kahapon magkasama pa kami. Pumunta pa nga sa bahay namin para mag-dinner kasama sila mommy at daddy. Pero bigla na lang umalis nang hindi nagsasabi... Tinanong ko nga si daddy kung nasaan siya nagpunta eh. Ang sabi niya, hinanap daw kami. Ehh hindi ko naman siya nakita after nung dinner namin kasi niyaya siya ni daddy uminom nang sila lang dalawa.” Tila naga-alalang sagot ni Nami habang patuloy sa pagtingin sa cellphone niya. “Kagabi tinext ko pa nga kung nasaan siya nagpunta, pero hindi naman siya sumagot. Tinawagan ko rin ng ilang beses pero wala rin. Pati kanina paggising ko, nagtext at tumawag din ako pero wala ni isang sagot. Naga-alala na nga ako ehhh...”

Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya. “Naku, baka lowbat lang at nawala ang charger...” Sabi ko kay Nami habang yakap pa rin ito. Sa totoo lang, nagtext na rin kami kay Chalton para nga imbitahan siya sa bahay naming para mag-unwind at dahil na rin sa hindi natuloy na gala namin noon. Naaalala niyo pa yung dapat na magkikita-kita kami sa mall pero ang nangyari, naiwan si Nami at Chalton sa mall dahil nagkanya-kanya na lang kami ng lakad. Ang totoo niyan ehh bigla akong nawala sa mood nang makita yung Jam na iyon. Inis pa rin kaya ako sa ginawa niya. Siniraan niya ako dati sa buong campus at ngayon naman ehh hindi ko alam kung anong pinakain niya kay Jason para magustuhan siya nito at maging sila pa! Naaasar talaga ako sa pagiging maldita at malandi niya! Tignan lang natin, nakahanap ata siya nang makakatapat! Such a bitch!

Hindi ko alam kung saan nagpunta yung iba noon kasi sila Nami at Chalton lang ang naabutan ko nun hanggang sa dumating sila Jason at yung witch at si Mark nga na may kasamang mga babae. Bago kasi kami pumasok dun sa mall ehh nakita namin si Mark na may kasamang babae. Hindi na naman nagawang tawagin ni Dane kasi malayo ito sa amin at nakakahiya naman kung sumigaw pa kami. Heller? Dami kayang tao doon. Tsaka hindi nga naming sure kung si Mark ba talaga yun o kamukha lang afterall, hindi naman babaero si Mark, or so I thought. Tapos si Olive naman ehh hindi na namin inabutan, ang sabi nila Chalton ehh nakaalis na daw. Weh? Ehh hindi pa nga nagsisimula yung gala, umalis na agad?

At yun nga, nung nakita ko si witch, nawala na ako nang gana, kaya naman niyaya ko na si Dane umuwi. At hindi naman siya nagtanong pa dahil alam niyang masama ang loob ko. Hindi naman manhid si Dane ehh, ako ang manhid kasi hindi ko pinapahalagahan ang nararamdaman niya para sa akin. Aish, just like what I’ve said, tuturuan ko ang sarili kong mahalin siya...come what may. Sana lang talaga...

Nabalik lang ako sa huwisyo nang magsalita si Mark, “Baka naman nambabae si Chalton? Hahahahah!" Pero hindi ito pinansin ni Nami at tinarayan lang, “WHAT? It was just an opininion.” At tinignan namin siya nang masama. Mukha namang nagets niya ito kaya tumahimik na lang at nagsubo ng grapes habang binalik na ang mga mata sa panunuod ng TV. Nagmo-moviemarathon kasi kami. Uwaaaah, nanunuod kami ng Thor. Grabe, ang pogi ni Thor, swear! At gustung-gusto ko yung hammer niya! Parang ang sarap ipukpok sa pagmumukha ni Jason at doon sa kasama niyang witch---WHAT!? Tell me, nagi-ilusyon lang naman ako diba!?

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon