CHAPTER 66 - IRRESISTIBLE

1.3K 16 1
                                    

CHAPTER 66 - IRRESISTIBLE

 CHALTON'S POV

After almost a month ng pagi-stay ni Nami sa hospital, sa wakas ehh makakalabas na rin siya. Buti na lang at maayos na ang pakiramdam niya at nakakalakad na rin siya nang walang umaalalay sa kanya. Sa loob ng halos isang buwan na pagii-stay ni Nami sa hospital ehh hindi ako umalis sa tabi niya, maliban na lang kung kukuha ako ng mga gamit ko o gamit niya o kaya kung bibilhan ko siya ng pagkain.

Kasama ko nga siya dito sa hospital pero ni isang pagu-usap tungkol sa aming dalawa ehh wala kaming pinag-usapan. After nung pagtatapat na ginawa niya, hindi ko alam, pero nakaramdam ako na parang kailangan ko siyang laging protektahan dahil feeling ko ehh kasalanan ko ang lahat ng nangyari sa kanya.

Kahit na nahihiya ako sa kanya, ehh hinddi ako nagpatinag sa nararamdaman ko. Hindi naman niya ako pinapaalis o hindi naman siya nagagalit sa akin. Casual lang kung mag-usap kami. At tsaka, ayoko din siyang mapagod kaya naman ehh hindi ko muna siya kakausapin ng tungkol sa amin hangga't hindi pa siya tuluyang magaling.

Sa halos isang buwan na iyon, ehh hindi pa rin nababalik yung magandang pinagsamahan namin, kaya naman hindi ko maipagkakaila sa sarili ko na sobrang miss na miss ko na siya kahit pa lagi ko siyang kasama.

"Nami...Ako na magbubuhat niyan..." Patungkol ko doon sa bag na may lamang gamit niya. Nakabihis na kasi siya at palabas na kami ng hospital room na ginamit niya.

"Sige. Salamat." Sabi niya. Lately, isang tanong, isang sagot na lang siya sa akin...lalo na nung magkaaminan kami.

Medyo awkward lang talaga, pero hindi ko siya susukuan. Ako naman kasi talaga mali eh. Basta-basta ko na lang siyang jina-judge without knowing the whole story.

Inalalayan ko siya habang papasok kami sa elevator. "Dahan-dahan lang..."

"Kaya ko na 'to. Kaya ko nang maglakad ng walang umaalalay sa akin..." Mahinang sagot niya. May mga iilang bandages pa rin sa katawan niya pero halos pagaling na rin ang mga iyon.

"Ahh...osige, basta mag-ingat ka lang." Sagot ko. Nang makarating na kami sa kotse ko sa may parking lot, binuksan ko agad yung pinto ng passenger seat. Pero hindi siya agad pumasok. Nakatitig lang siya sa akin, "Bakit? May problema ba?"

"Kotse mo yan diba?" I nodded, "Akala ko kila mommy ako sasabay?" Balngkong tanong niya.

"Ah...Sabi ng mommy mo, ako na daw ang maghatid sa'yo sa bahay niyo..." Sagot ko. Well, totoo naman. Nung nagbibihis pa kasi siya, sabi ng mommy niya at daddy, ako na daw ang maghatid sa kanya. Syempre, pumayag naman ako. Hindi na rin kasi sila nakapagpaalam kay Nami kasi nagmamadali rin sila at may aasikasuhin daw sa bahay nila.

"Ah..." Yun lang ang sinabi niya at pumasok na.

Walang nagsasalita sa amin sa byahe. Tahimik kaming pareho. "Nami..."

"Oh?"

"Patugtog tayo, gusto mo?" Tanong ko habang palinga-linga sa kanya.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon