CHAPTER 24 - PHOTO SHOOT PART 4

1.5K 23 0
                                    

CHAPTER 24 – PHOTOSHOOT PART 4

 

AUTHOR’S POV

[Celyn and Jason’s scene]

 

Nauuna maglakad si Celyn paakyat sa floor ng tinutuluyan nilang hotel. Alam niyang naka-sunod sa kanya si Jason pero hindi niya ito pinapansin. Nung gumaling na si Jason sa sakit niya ehh iniwasan niya na ito dahil iniisip niya nab aka natatandaan pa rin ni Jason yung mga sinabi niya at baka kausapin siya nito. At dahil hindi pa siya handing kausapin ang bestfriend niya kaya siya mabilis na naglalakad paakyat nang hagdan.

Hindi rin naman siya tinatawag ni Jason kahit na nakikita siya nito. Hindi naman sa sumusunod siya kay Celyn pero kasi naman ehh pareho lang sila ng floor na pupuntahan. Ang totoo niyan, gusto niya kausapin si Celyn dahil kahit na nagkasakit siya, ehh natatandaan pa rin niya yung mga sinabi ni Celyn nung araw na umuulan. Pero ang problema, mukhang iniiwasan siya nito. Kaya naman naiilang din siyang kausapin ito.

‘Paano ko ba siya kakausapin? Hayy, hindi ako sanay na ganito kami...’ Malungkot na naisaisip ni Jason habang patuloy lang sila sa pag-akyat sa hagdan. Alam niyang sadyang iniiwasan siya ni Celyn siguro ay dahil nahihiya sa kanya. Maski naman siya ay walang lakas ng loob na umpisahan ang kung sakaling magiging paguusap nila.

‘Juskopo, wag niya po sana ako tawagin... Parang awa niyo na...’ Kinakabahang naisaisip din ni Celyn habang mas binibilisan pa niya ang kanyang paglalakad. Alam niyang malapit pa rin si Jason sa likod niya dahil naririnig niya ang bawat yabag nito pero kahit na masakit na ang paa niya ehh patuloy pa rin siya sa paglakad-takbo. Nakalimutan kong sabihin. Sira ang elevator kaya nagtiyatiyaga sila sa pagakyat sa hagdan.

Dahil sa mabilis na paglalakad ni Celyn ehh hindi niya napansin ang basang sahig ng hotel na iyon kaya naman ehh nawalan siya ng balanse. Bago pa man siya tuluyang matumba, ehh may sumalo na sa kanya... “OHHHHHHHHH EMMMMMMMMMM GEEEEEEEEEEEEEEE!!!”

Hindi niya alam ang ire-react niya. Napapikit na lang siya sa sobrang takot na masaktan siya at sa takot na rin na mapahiya siya. Alam niyang nasa likod niya lang si Jason kaya naman tuwang-tuwa siya nang saluhin siya nito. Pero...

“Celyn, you alright??? Celyn???” Mali pala. Hindi pala si Jason ang sumalo sa kanya. The moment she opened her eyes, she thought she will see Jason’s face. Pero hindi eh. Ibang tao pa ang sumalo sa kanya. Super disappointed siya dahil parang wala lang kay Jason. Kani-kanina lang ehh si Jason ang nasa likod niya, tapos hindi siya tinulugan? Ang masakit pa, nandun si Jason, nakatayo, nakatingin lang sa kanya.

Jason was frozen. The moment he saw Celyn losing her balance, he thought of catching her but too late. Naunahan na siya nung isang lalaking familiar sa kanya. If his instinct was right, siya yung...AAAAAAAH! He forgot.

“Ahh, y-yeah... Thank you, Dane. Ah, wait bakit ka pala nandito???” Nung narinig ni Jason ang pangalang Dane, doon siya nagkaroon ng idea na yung Dane na yun ehh yung isa sa mga loyal suitors ni Celyn. Si Dane ang pinakagwapo, pinakamatalino, pinakamayaman, pinakamabait, ah basta si Dane ang mga pinaka. Well, Kung ikukumpara siya kay Jason, mahihirapan tayong pumili who’s the better. Talagang palamangan lang sila sa puso ni Celyn.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon