CHAPTER 56 - MALIVE CHAPTER
"Bro, salamat sa paghatid." Malungkot na sabi ni Chalton nang maihatid ko na siya sa bahay nila. Nagpresinta na akong ihatid siya dahil natatakot ako at baka kung ano pang mangyari sa kanya. Lalo na alam kong depress na depress siya dahil sa nangyari kay Nami. Maski ako rin naman ehh sobrang nalulungkot. Pero alam ko namang lalaban si Nami eh...lalaban yun.
"Wala yun, bro. Sige na, pahinga ka na." Lumabas na ito at dire-diretsong pumasok sa bahay nila.
Naisipan kong bumalik sa hospital dahil naalala ko, nandoon pa nga pala si Olive. Magbabakasakali ako na hindi pa siya nakakauwi kasi naman walang maghahatid sa kanya eh. Siya lang tsaka si Tita Nadia yung naiwan sa hospital. Gabi na rin at delikado para sa kanya ang umuwing mag-isa.
Hayyy, ano ba itong naiisip ko!? Bakit ko siya gustong sunduin? Ehh balak ko kayang mag-bar ngayon! Tapos babalik pa ako ng hospital para lang ihatid siya sa kanila??? Tsk naman. Natatanga na talaga ako.
Nagsimula na akong mag-drive. Nadaanan ko na yung bar na palagian naming pinupuntahan ng barkada noon. Pero hindi na ngayon. Ako na lang ang laging nandirito kasi bibihira na rin mag-bar sila Duff, simula nang magka-lovelife sila. Dati-rati, naaalala ko pa, kung anu-anong kalokohan yung ginagawa namin makapasok lang sa bar na ito. Bar pala ito nila Terrence dati, pero simula nung umalis si Terrence papuntang France kasama si Kim, ibinenta na ito ng pamilya niya.
Siya lang naman ang makulit kasi na pumipigil sa daddy at mommy niya na wag ibenta ito dahil doon din siya madalas makakuha ng chicks. Pero simula nung na-inlove yung gag*ong yun, ayun, wala nang time magpatakbo ng business nila. Sus, iisang bar lang naman ito kumpara sa dami ng kompanya nila. Hindi nila ikahihirap ang pagbibenta ng isang bar.
Nakakamiss din pala. Ngayong nasa tapat na ako ng bar na ito, pumarada ako sa may parking lot sa gilid nito pero hindi muna ako lumabas ng kotse. May kung ano kasi sa pakiramdam ko ang pumipigil sa akin.
Mag-isa lang ako kung saka-sakali. Maraming babae ang lalapit pero ni isa sa kanila, tila hindi ako makuntento. Iba talaga yung hinahanap-hanap ko eh. At alam kong hindi ko siya makikita sa loob ng bar na yan dahil hindi naman siya mahilig sa bar, tuwing may okasyon lang talaga.
Naiinggit ako sa mga kaibigan ko, lahat sila may lovelife na...Ako na lang ang wala. Ako na lang yung walang matinong relasyon. Ako na lang yung single. Kahit ilang babae pa yung landiin ko, hindi naman ako yung tipong maggi-girlfriend ng babaeng hindi ko naman gusto noh.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa ulo ko at ini-start ko na yung ignition ng kotse ko at nagsimulang mag-drive. Halos murahin ko na yung sarili ko when I found out na dinala ako ng sarili kong mga kamay sa hospital na ito.
Wala ehh. Nandito na ako. Ginusto ko ito. Kaysa naman umatras pa ako. Sasabihin ko na lang sa kanya na may naiwan lang ako dito kaya bumalik ako kung sakali mang magtanong siya. Aysh, hindi ko na muna iisipin yung sasabihin ko, ang mahalaga ngayon ehh ligtas siyang makauwi. Asa pa akong susunduin siya ni Christian.
And speaking of the devil...There he is together with the girl na nakita ko sa may parking lot ng isang bar dati nung nagkita kami.
BINABASA MO ANG
COLLEGE LOVE STORY (Completed)
Teen FictionSa BSB na minahal niyo, sina Jason, Chalton, and Mark na lang ang single. Mahahanap na din ba nila ang babaeng nakalaan para sa kanila? Join their roller coaster love affair while they are on their college years! @hannapoleng