CHAPTER 51 - THE LOVE SQUARE (lols)
DANE'S POV
Nasasaktan ako ngayong nakikita ko si Celyn na umiiyak. Ilang beses na ba siya umiyak nang dahil kay Jason? Hayy kung ako lang talaga yung mahal ni Celyn, hindi siya magkakaganyan. Hindi sana siya masasaktan. Hindi sana sya iiyak nang ganyan. Nakakainis naman kasi si Jason ehh. Bakit hindi na lang si Celyn yung mahalin niya!? Oo, mahal ko si Celyn, kaya nga hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak. Minsan, hinihiling ko na lang na maging masaya siya, kahit pa alam kong hindi siya sa akin sasaya, atleast, ngumingiti siya. Yun kasi yung pinakamagandang bagay sa kanya ehh. Yung ngiti niya. At yun yung ayokong nawawala sa kanya.Kitang-kita ko yung reaksyon niya nang makita niya sila Jason at Jam na magkasama. Kanina ko pa kasi siya tinitignan. Bago pa dumating si Princess. Lalapitan ko sana siya kaya lang mukhang gusto niya munang mapag-isa. Nakita ko rin kung paano nabali yung ballpen niya habang nakatingin kay Jam at Jason. Ang totoo niyan, malapit lang ako sa kanya, pero hindi niya ako nakikita. Pero sila Jason na malayo sa kanya, ehh kitang-kita niya. Masokista ako. Yun yung sabi sa akin ng mga kaibigan ko. Hinahayaan kong gamitin ako ni Celyn. Pero willing naman akong magpagamit ehh. Basta kahit papaano, gusto kong mapasaya si Celyn, even in small ways. Pero kahit yung pinakamalaking effort ko na ata, ehh hindi pa rin matutumbasan yung simpleng effort ni Jason eh.
Ganun kababa yung tingin ko sa sarili ko. Sabi nila, gwapo daw ako, matalino, mabait...Pero pagdating kay Jason, ang liit-liit ng tingin ko sa sarili ko. Insecured nga ako kay Jason. Hayyy, ang bakla naman ehh. Pero yun talaga yung nararamdaman ko.
Narinig ko rin yung mga pinag-usapan nila ni Princess. Pati na rin yung usapan nila ni Jam at Jason. Kasi nga malapit lang ako sa kanya. Ganun pala talaga noh? Kahit gaano kalapit ka sa isang tao, hindi ka niya mapapansin, kasi hindi naman ikaw yung hinahanap niya. Ang sakit naman ng mga katotohanan. Nakita ko rin nang umalis siya at naglakad palayo. Alam kong iiyak na naman siya dahil nakita ko yung mga mata niya. Kitang-kita ko kung gaano niya ka-miss si Jason. Kahit pa sabihin niya na hindi na siya apektado.
Nangako si Celyn sa akin, na susubukan niya akong mahalin. Pero alam ko, simula pa lang, hindi niya ako mamahalin kasi sa simula pa lang din, si Jason lang...Si Jason pa rin.
Hindi ko hahayaang umiyak siya mag-isa kaya naman ehh sinundan ko siya.
************
JASON'S POV
Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko. Napansin ko kasi na halos parang paiyak na si Celyn. Ni hindi nga siya nagpaalam tapos dali-dali nang umalis. Hindi ko alam kung tama ba yung nakita ko...na nakita kong nasasaktan siya. Si Celyn kasi yung taong lumalabas sa mga mata niya yung emosyon. Kapag nasasaktan siya, hindi niya naiiwasang umiyak. Hindi kasi siya magaling magpigili nun eh. Yun yung nakita ko. Pero bakit naman siya nasasaktan? Dahil ba...dahil ba magkasama kami ni Jam?
Ayokong mag-assume pero hindi ko maiwasang isipin yun eh. Minahal ako ni Celyn, sinabi niya yun, hanggang ngayon kaya mahal pa rin niya ako? Palagi kong tinatanong yun sa sarili ko simula nung aminin ko sa sarili ko mismo na mahal ko nga talaga yung bestfriend ko. Kaya lang, nung time na na-realize ko yun, wala na si Celyn sa akin, dahil pagmamay-ari na siya ng iba.
BINABASA MO ANG
COLLEGE LOVE STORY (Completed)
Teen FictionSa BSB na minahal niyo, sina Jason, Chalton, and Mark na lang ang single. Mahahanap na din ba nila ang babaeng nakalaan para sa kanila? Join their roller coaster love affair while they are on their college years! @hannapoleng