CHAPTER 64 - DALYN MONTHSARY PART 2
DANE'S POV
Dumating na rin si Celyn dito sa meeting place namin sa may school. Actually, kaninang umaga pa ako nandito, syempre, para ayusin na rin ang buong paligid since first monthsary namin ito ni Celyn. Kung tutuusin, parang anniversary na nga namin ngayon eh. Pero alam ko namang malabong umabot kami doon...dahil alam kong sooner or later, iiwanan din ako ni Celyn...kasi nararamdaman kong hindi niya naman talaga ako mahal at kahit kailan ehh hindi naman niya ako kayang mahalin.
Kasi hanggang ngayon...si Jason pa rin.
Kung kani-kanino ako lumapit para lang maayos itong buong paligid. Buti na lang ehh pumayag silang tulungan ako kaya naayos nang ganito ang buong paligid. Tonight will be one special night...
"Dane...Anong meron? Hahahah! Yeah I know monthsary natin, but don't you think it's too early pa for using Valentine theme?" Natatawang sabi ni Celyn. Yan ang gusto kong makita sa kanya lagi...Yung mga ngiti niya...kasi diyan ako nahulog a year ago.
I smiled at her. "I'm just doing this...kasi baka...hindi na tayo umabot doon, kaya ngayon pa lang, binabati na kita, Happy Valentines Day!"
Nakita ko yung pagtataka sa mukha niya, "Anong ibig mong sabihin?"
"Ahh...wala...Malay mo lang naman diba? Hindi mo naman kasi mape-predict ang mga pwede pang mangyari...Malay mo...sa February 14, hindi na pala ako ang ka-date mo...Malay mo sa February 14, hindi na ako ang boyfriend mo...You'll never know." Nakangiti ako habang sinasabi yan sa kanya. Pero ang totoo niyan, nasasaktan ako...Nasasaktan ako kasi alam kong hindi ako magawang mahalin ng taong mahal ko. Pero ano nga ba ang magagawa ko kung hindi naman siya sa akin sasaya?
"Dane, wag mong sabihin yan...Ano ka ba..." Naguguluhan pa ring sagot niya.
I held her hand para pumunta na kami doon sa table kung saan magdi-dinner kami. Kakain muna kami syempre, ayokong magutom siya.
"Happy Monthsary, Celyn!" Masayang bati ko sa kanya habang inaalalayan siyang umupo sa upuan na hinanda ko para sa kanya.
"Happy monthsary rin, Dane." Nakangiting bati niya. Paano kaya kung si Jason ang nasa harapan niya ngayon? Sigurong abot-tenga yung ngiti niya, hindi yung parang pinipilit niya lang maging masaya kasi ako yung iniisip niya. Ayokong nagpapanggap si Celyn dahil lang iniisip niya yung nararamdaman ko. Nasasaktan din ako kasi alam kong hindi niya ipinapakita yung tunay na siya sa tuwing nasa tabi niya ako.
Alam niya kasing mahal na mahal ko siya, at parang binubuhay niya yung sarili niya sa utang na loob sa akin.
Ayoko nang ganun. Kahit gaano ko pa kagustong maging selfish, hindi ko magawa...Kasi alam kong sa huli, ako din ang matatalo. Talo na ako sa umpisa, paano pa sa huli, diba?
"Let's eat?" Tanong ko sa kanya.
Ang daming sumusulyap sa kinaroroonan namin ni Celyn. Pero wala akong pakialam kahit gaano pa ka-corny yung paligid ngayon, ang mahalaga, ginawa ko ito para kay Celyn...kasi mamaya, alam kong hindi na siya magiging sa akin...kasi mamaya...isasauli ko na siya sa tunay na nagma-mayari sa kanya.
"Sure...Gutom na rin ako ehh..."
Masaya na rin ako kahit papaano sa mangyayari mamaya. At least alam ko, sa buong buhay ko, may isang pangyayaring mali na ginawa kong tama. At yun ay yung pakawalan ko siya.
Kumain na kami ni Celyn habang nagu-usap ng kung anu-anong bagay...Sa mga ginawa naming kalokohan na magkasama kami...basta sa lahat...Unti-unti tuloy nagfa-flashback yung mga panahong nilubos-lubos ko ang pagalis namin ni Celyn bago pa dumating ang araw na ito dahil gusto kong sulitin ang mga nalalabing araw namin bilang mag-girlfriend-boyfriend.
Pagkatapos naming kumain...tila naubusan na kami ng mapagke-kwentuhan, kaya naman nakatitig lang kami ngayon sa isa't-isa. Parang ayaw ko nang alisin yung mga mata ko sa mukha niya. Ang ganda talaga niya...Ang bait at ang talino...Kailangan ko na atang lubos-lubusin ang pagtitig sa kanya, kasi isang araw, baka may sumuntok na sa aking ibang lalaki kapag nahuli akong nakatitig sa mukha niya. Kung hindi lang sana naduwag si Jason nung mga araw na nagtapat si Celyn sa kanya, siguro ehh masaya na silang dalawa ngayon.
"Celyn...Thankyou for accepting me as your boyfriend." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Ano ka ba, Dane. I should be the one thanking you...dahil sa lahat ng pagmamahal na ipinaramdam mo sa akin..."
"No, Celyn. Thank you. Thank you kasi hinayaan mo akong mahalin ka. Thankyou kasi binigyan mo ako ng pagkakataong ipakita sa'yo ang pagmamahal ko. Thank you for giving me the chance...kahit na alam kong wala naman talaga." Nakangiti pa rin ako sa kanya pero ramdam ko sa sarili ko ang pagi-init ng mukha ko at ang pagdaloy ng mga luha ko...pero piit kong pinipigilan yun. Ayoko kasi ipakita sa kanya na hindi ako masaya sa gagawing desisyon ko.
"Kanina ka pa, Dane ha...Para namang nagpapaalam ka niyan eh..." Tapos medyo tumawa siya nang mahina.
"Paano kung yun nga ang gagawin ko?" Mahinang sabi ko.
"Ano?"
"Haha...Wala...Tara sayaw tayo?" Yaya ko sa kanya. Baka kasi ito na rin ang huling beses na maisayaw ko siya eh. Etong araw na ito, sobrang bigat sa pakiramdam ko. Kasi alam kong pagkatapos nito, tuluyan nang mawawala si Celyn sa akin. But I know I should be happy. Kasi kung mahal mo naman ang isang tao, their happiness is what really matters to you, hindi ba?
At first, she hesitated to accept my hand, pero in the end, napilit ko rin siya. Hayyy, pati ang mga kamay niya...Huling beses ko na rin mahahawakan...
"E-ehh, Dane...Hindi ba nakakahiya?" Tapos nagkamot siya ng ulo niya habang nakatingin sa paligid. May ilan-ilan kasing tao ang naririto at nakatingin sa amin. Sila yung mga taong pinakiusapan ko na tumulong sa amin. Pinasuot ko rin sila ng pulang damit para Valentines talaga ang dating. "Ang daming tao oh..."
I looked directly in her eyes. "Ano ka ba. Wag mo munang isipin sila, please? Just tonight..."
"E-ehh? O-s-sige..."
*to be continued
BINABASA MO ANG
COLLEGE LOVE STORY (Completed)
Teen FictionSa BSB na minahal niyo, sina Jason, Chalton, and Mark na lang ang single. Mahahanap na din ba nila ang babaeng nakalaan para sa kanila? Join their roller coaster love affair while they are on their college years! @hannapoleng