CHAPTER 71 - THE MOST EPIC PROPOSAL

1K 14 0
                                    

CHAPTER 71 -  THE MOST EPIC PROPOSAL

CHALTON'S POV

Birthday na ni Nami mamaya! Excited na ako at the same time, ehh medyo kinakabahan. Tsk. This is so not me. Haha.

Galing pala ako sa kung saan. Wala lang, may mga isinaayos lang na mga mahahalagang bagay. May party pala mamaya sa bahay ni Nami. Invited kaming magkakaibigan pati na rin yung mga families namin. Napagdesisyunan na kila Nami na gawin yung party dahil birthday niya naman at Christmas Eve na.

I grab my phone from the phone holder inside my car and dialled Princess number. Sinagot naman niya ito agad.

"Chalton? Bakit napatawag ka?" Tanong nito sa kabilang linya. Tila kakagising lang yung boses niya. Tsk.

"Oh basta, alam mo na gagawin mo mamaya ha?" Pagpapaalala ko sa kanya. Haha. Siya kasi yung magiging host mamaya sa party. Hindi naman siya talaga bonggang party kasi ayaw ni Nami ng ganoon, parang get together lang...

"Yes sir. Sige na, matutulog pa'ko eh. Istorbo."

"Fine. Bye." Then I ended the call.

***********

NAMI'S POV

"Happy birthday, anak!" Masayang bati sa akin ni daddy at mommy. Advance ha?

"Nami, anak, kamusta na yang mga sugat mo?" Tanong ni mommy pagkababang-pagkababa ko ng aking kwarto.

"Ayos naman na po ako, ma, Magaling na ako. Don't worry about me anymore." Sagot ko.

"Ehh...sige na nga. Excited ka na ba mamaya?" Nakangiting tanong ni mommy.

"Oo naman, mom. Hahah! Later, I will be officially seventeen years old." Nakangiting sagot ko.

"Hayyy...dalaga na ang ating unica hija, mommy." Sabi ni daddy and then together, they hugged me.

"Oo nga, dad eh, but still, she's our baby."

"Always."

***********

CELYN'S POV

Walang nagsasalita habang nasa kotse kami ni Jason. Papunta na kami ngayon sa bahay nila Nami dahil gabi na rin. At ang mokong, ayun, ngiting-ngiti pa rin. Tsk. Nakakaasar talaga!

"NAMI!!! HAPPY BIRTHDAY!!!" Bati ko kay Nami pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay nila. Wala pa gaanong bisita. Sabi niya ehh kokonti lang naman daw kaming bisita. Mga close friends and relatives lang.

"Thank you, Celyn! Teka, si Princess?" Tanong niya.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon