CHAPTER 37 – MAYBE I’M YOUR MR. RIGHT
AUTHOR'S NOTE: Bigyan natin ng mga POV ang mga extra characters ng Three Hot Engineering Students. Hahaha. =)
***********
DANE’S POV
"Ahm, Celyn, okay ka lang ba?" Tanong ko kay Celyn na kanina pa tahimik.
Nandito kami ngayon sa minipark habang nakaupo. Since break time namin pareho, ehh we decided to meet here. Pero kanina ko pa napapansin na sobrang tahimik niya, to the point na salita ako nang salita pero tila hindi niya ako napapansin. I am like talking to a statue. Alam niyo yung feeling ng ganun? At alam kong iisa lang ang rason kung bakit. Si Jason. SI Jason pa rin ba hanggang ngayon? Oh damn. This is oh-so-shit.
Girlfriend ko na si Celyn. Kami na. Hindi ba ito ang gusto kong mangyari? Pero bakit hindi ako masaya? Hayy, oo nga at sinabi ko sa kanya na subukan niyang mahalin ako, na okay lang kahit rebound muna ako kasi ang iniisip ko, balang-araw ehh matututunan niya rin akong mahalin. Pero kailan pa kaya mangyayari yun? Matagal pa ba? Mangyayari pa ba? O patuloy na lang akong aasa sa wala?
Saglit pa lang naman kami ehh. Wala pang isang buwan. Pero wish ko na sana kapag nag-one month na kami ehh, mahal niya na ako. Na sana yung puso na lang niya yung iregalo niya sa akin sa araw na yun. Pero pinanghihinaan na ako ng loob, dahil hindi ko sigurado kung aabot ba talaga kami ng isang buwan gayong ganito ang ipinapakita ni Celyn sa akin. Pero ayoko talagang mawalan ng pagasa totally. Siguro ehh one day, mare-realize din niya na kami talaga ang para sa isa't-isa at hindi sila ni Jason. One day, I hope she'll realize I am the right one. Kaya naman hindi ako susuko.
Tama, hindi ako pwedeng sumuko. Hindi ko dapat sayangin ang pagkakataong kami ni Celyn, I'll make her fall for me.
Gagawin ko ang lahat matutunan niya lang akong mahalin.
"Y-yes. O-of course..." Sagot niya habang ngumingiti nang pilit. Alam kong pilit lang iyon, kahit saglit pa lang na kami, matagal ko na siyang kilala. Kahit na noon pa man, ehh matagal ko na siyang binabantayan, at sa pagbabantay na iyon, ehh madami akong nalaman sa kanya.
Ang mga ngiti niya para kay Jason, kabisadong-kabisado ko na. Sana nga lang ehh kahit isang beses man lang ehh maibigay niya rin sa akin iyon. Yung isang ngiting totoo, hindi ganito na pinipilit niya lang maging masaya kapag kasama ako.
Minsan, naiisip ko kung tama ba yung sinabi kong maging kami na lang. Kasi parang mas nasasaktan pa siya. Pero kagaya nga ng sinabi ko, hindi ako susuko, hindi ako pwedeng sumuko dahil kahit magparaya pa ako, alam kong masasaktan lang siya dahil sa ginagawa ni Jason.
Sobrang mahal ko si Celyn, at alam kong nasasaktan siya sa tuwing makikita si Jason na kasama si Jam, yung ex-girlfriend ko na dahilan kung bakit may kumalat na chismis tungkol sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang balak ni Jam para gawin niyang boyfriend si Jason. Siguro ay para saktan si Celyn? Ang mahalin ako ni Celyn, yun na lang ang tanging paraan para makalimutan niya lahat. Lahat-lahat pati na ang feelings niya para kay Jason.
BINABASA MO ANG
COLLEGE LOVE STORY (Completed)
Teen FictionSa BSB na minahal niyo, sina Jason, Chalton, and Mark na lang ang single. Mahahanap na din ba nila ang babaeng nakalaan para sa kanila? Join their roller coaster love affair while they are on their college years! @hannapoleng