CHAPTER 33 – A DAY OF PAIN
NAMI’S POV
“Woooo! Nami, kamusta ang regalo sa’yo ni Chalton nung isang araw ha??? Nagustuhan mo ba???” Tanong ni Mark habang nasa classroom kami. Monday ngayon kaya hindi nila ako nakulit kahapon. Hehehe, buti nga at nakatakas pa ako sa kanila ehh. Hehehe. Si Rae naman kasi wala din kahapon dahil busy sa pagsho-shpping. Naaalala niyo pa ba yung favor ko sa kanya kapalit nung pang-shopping niya? Juskopo. Ang gastos niya talaga. Buti na lang at pinsan ko siya.
“Oo naman.” Simpleng sagot ko. Nandoon din kasi si Chalton sa tabi ko. Ayoko namang makita niyang kinikilig ako kaya yan lang yung sinabi ko. Takot ko pang maasar ng mokong na yun. Hehehe.
“Nami naman ehh, hindi mo ba nagustuhan??? Tsk. Pinaghirapan ko kaya yun.” Singit ni Chalton sa paguusap namin ni Mark.
“Oo nga naman, Nami! Ilang gabi din siyang nagpuyat para gawin yun!” Awww. So sweet. Syempre, kahit hindi naman nila sabihin yun ehh sobrang na-appreciate ko talaga yung painting. Bukod sa maganda at gwapo kami parehas ni Chalton dun (medyo makapal hehe), ehh pinaghirapan niya yun ng ilang gabi. Kaya pala, nung gabi bago kami mag-monthsary, ehh gising pa siya kahit na alam ko naman kung gaano kahalaga sa kanya ang ‘face’ kamo niya. At talagang nagpuyat pa siya just to give me a beautiful present.
“Syempre naman na-appreciate ko yun noh!” Sagot ko. Ang totoo niyan ehh ayoko lang talaga pag-usapan yung gift gift na yan! Nahihiya kasi talaga ako kapag naiisip ko na air freshener lang ang binigay ko na kapalit ng lahat ng effort na ginawa niya para sa akin. Ehh sa yun lang kasi talaga naisip ko nung mga oras na yun ehh.
“Buti naman. Akala ko hindi mo nagustuhan ehh... Ay teka, nasaan na ba sila Rae at Jason???” Hmmm? Oo nga noh? Lagi na lang wala yung dalawang yun.
“Ayun si Rae oh!” Turo ko sa labas ng classroom. Made of glass kasi yung bintana kaya makikita mo yung mga taong nasa labas. At ayun nga si Rae kasama si...
At pagtingin ko kay Mark... Oh no.
**********
MARK’S POV
“Ayun si Rae oh!” Turo ni Nami sa may labas ng classroom. At doon nakita ko si Rae kasama yung pagmumukha nung lalaking yun na nanakit lang sa kanya.
Bakit magkasama sila? At bakit nakangiti pa si Rae habang nakatingin at nakikipag-usap sa Christian na yun? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ayoko nung nakikita ko ngayon? Bakit parang...parang nasasaktan ako?
Selfish na kung selfish siguro ako, pero bakit ayokong makita si Rae kasama yung lalaking yun habang nakangiti pa? Parang ang saya-saya nila pareho dahil sobra sila kung magtawanan. Kailan pa sila naging ganyan ka-close na akala mo ehh walang nangyari sa kanilang dalawa...na parang okay na kay Rae ang lahat ng ginawa sa kanya nung lalaking yun!?
Nakalimutan na ba niya kung anong ginawa sa kanya ni Christian? Bakit ganun???
BINABASA MO ANG
COLLEGE LOVE STORY (Completed)
Teen FictionSa BSB na minahal niyo, sina Jason, Chalton, and Mark na lang ang single. Mahahanap na din ba nila ang babaeng nakalaan para sa kanila? Join their roller coaster love affair while they are on their college years! @hannapoleng