.CHAPTER 40 – IT WAS SUPPOSED TO BE A GREAT DAY
CHALTON'S POV
"Nami..." Pagtawag ko sa girlfriend ko habang nandito kami sa field ng school at nakahiga. Nakahiga lang naman just so you know. So ayun nga, medyo pansin ko lang na tahimik kami these past few days. Dahil sa mga kaibigan namin din siguro. Paano ba naman ehh si Jason, girlfriend yung ex nung boyfriend nung bestfriend niya. Hayyy magulo ba? Ah basta, gets niyo na yan! Kayo pa ba! Hindi ko lubos maisip kung anong pumasok sa utak nung lalaking yun para mag-girlfriend ng unang-una, hindi niya ganoon kakilala. Pangalawa, galit yun sa bestfriend niya eh. Hindi na ba niya pinapahalagahan yung bestfriend niya at talagang nag-girlfriend pa ng kaaway nito. Si Celyn naman, ayun at may boyfriend na rin. Ang gulo lang kasi may times na mukhang masaya naman siya at may times din na malungkot siya at iba pa rin ang mga titig niya kay Jason lalo na kapag magkasama sila nung Jam. Si Mark naman ayun, todo flirt sa kung kani-kaninung babae. Ibang-iba na talaga siya ngayon. Parang nakita ko nga yung sarili ko sa kanya ehh, pero mas malala naman yung ginagawa niya. Tapos si Olive naman, laging missing-in-action dahil kasama yung boyfriend niya na si Christian. At dahil awkward sila sa isa't-isa, kami na lang ata ni Nami ang going stronger sa aming magkakabarkada. Bihira na rin namin silang makasama dahil laging iba-iba yung agenda nila these past few days. Nakakalungkot lang dahil November na tapos December na next month tapos mukhang nagkakalabuan pa rin yung mga yun. Paano na yung barkada? Buti na lang at wala pa akong nababalitaang breakup kila Duff, Paolo, Victor, at Terrence. Hayyy.
"Oh???" Simpleng sagot ni Nami habang nakatingin pa rin sa mga ulap.
"Naiisip mo ba naiisip ko???" Tanong ko habang nakatitig sa kanya.
"Ano ba naiisip mo?" Hayyy, sabi ko nga ehh, mukhang hindi niya naiisip.
"Wala." Sagot ko.
"Eto naman, joke lang. Naiisip ko lang yung mga kaibigan natin. Ano na bang nangyayari sa atin?" Sabi ko na eh. Galing ko talaga de joke lang.
"Oo nga ehh..." Sagot ko. Tapos bumangon na ako, hinawakan siya sa kamay at tinulungang tumayo.
"Teka, anong ginagawa mo??? Uuwi na ba tayo??? Diba may dinner pa tayo sa bahay???"
"Oo nga... May pupuntahan lang tayo..." Sabi ko at tuluyan na siyang inalalayan para tumayo. Oo, may dinner kami sa bahay nila mamaya. Pinapapunta kasi ako ng mommy at daddy niya daw para makilala ko naman sila. Masaya naman ako kasi first time ko itong makakapunta sa kanila at ma-meet ang parents niya. Atleast, mamayang gabi, legal na legal na talaga kami. Weeee.
"Saan naman???" Tanong niya nang makatayo na.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kotse ko.
"Basta. May ipapakilala lang ako sa'yo." At nagsimula na akong mag-drive papunta sa lugar na yun.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Nami habang nagda-drive ako.
"Basta..." Sagot ko tapos ehh binigyan ko siya ng isang ngiti.
"Tsk. Oh sige na nga, haha." Sagot niya tapos nginitian niya rin ako.
BINABASA MO ANG
COLLEGE LOVE STORY (Completed)
Teen FictionSa BSB na minahal niyo, sina Jason, Chalton, and Mark na lang ang single. Mahahanap na din ba nila ang babaeng nakalaan para sa kanila? Join their roller coaster love affair while they are on their college years! @hannapoleng