CHAPTER 22 - PHOTO SHOOT PART 2

1.3K 25 0
                                    

CHAPTER 22 – PHOTO SHOOT PART 2

 

NAMI’S POV

 

“Celyn, sigurado ka ba dito???” Ehh paano ba naman kasi...Bakit ba kailangan naming magtago sa isang malaking coconut tree para lang mapanuod yung photoshoot nilang tatlo tsaka yung isa pa nilang kaibigan, si Duff ba yun? Ah basta siya na yun.

Tumingin siya sa akin sabay lapit ng pointer finger niya sa bibig niya. “Shhhh...Wag ka nga maingay Nami! Baka marinig tayo!”

“Tsk, ehh pwede naman kasi tayong lumapit na lang diba??? Hindi yung mukha tayong mga tangang spy dito!!! Ano ba kasing ginagawa natin ha???”

 

“Tsk. Ang ingay mo naman ehhh. Gusto mo bang isipin nilang sinusundan natin sila??? Tsk, mag-isip ka nga!”

 

“Nagiisip ako noh! Ano ka ba naman Celyn! Bakit kasi hindi pa natin isinama dito si Rae ehh! Edi sana hindi tayo nagmumukhang tanga dito!”

 

“Ano bang gusto mong palabasin??? Na tanga ako??? Ganun ha???”

 

“Ganun na nga...” =_____=

“Tsk, whatever. Kapag sinama natin si Olive, malamang magpapakita yun noh!nTsk, buti na lang at tulog yung pinsan mo noh! Hahahah!”

 

“Tsk, diba nga sabi niya kahit anong gawin natin magkikita din tayo nila Mark ditoooo???”

 

“Ehhh basta... Hindi yan...” Nakalusot na nga kami ng isang araw na hindi nakikita nila Chalton ehhh. Pero kasi naman ehh, mukha kaming spy dito. Seriously? Pumunta ba kami dito para maging guard? Talagang kami pa ang babantay ha? Tsk, gusto ko lang naman mag-island hopping tsaka kung anu-ano pa! Ehh etong si Celyn naman gustung-gusto manuod ng shoot nila.

“Tsk, ehh kung sumali ka na lang kasi dun! Edi sana hindi ka nagkakaganyan!”

 

“Tsk, ayoko nga!” Mahirap talagang kausap itong babaeng ito. Psh. -_____-

 

“Ay bahala ka.”

 

“Nami, tignan mo ohh! Pshhh, arrrrrgggg.” Bigla-bigla na lang ehh tinuro niya yung mga babaeng palapit kila Jason, Mark, Chalton and Duff. Mga naka-swimsuit na two piece pa. Tsk, wag na wag na wag kayong lalapit sa KANYA kung ayaw niyong makalbo kayo nang wala sa oras!!! >___<

“Tsk,” Nakipag-usap sila sa mga flirt na yun tapos maya-maya lang ehh umalis sila Mark at Chalton. Hindi namin alam kung saan sila nagpunta pero at least umalis sila diba??? ^___^

“Mukhang tuwang-tuwa pa yung Jason na yun ahhh! Palibhasa napapalibutan ng mga balyena ehhh! ARGGG! >___<” Balyena daw eh hang se-sexy nga? Hahaha!

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon