CHAPTER 58 - SHE WAS THAT GIRL

1.1K 16 0
                                    

CHAPTER 58 - SHE WAS THAT GIRL

CHALTON'S POV

Tatlong araw na akong pabalik-balik dito sa hospital. Naipon na nga yung mga fruits at flowers na dala ko sa tuwing bibisitahin ko si Nami eh. Tatlong araw na rin akong absent. Umuuwi lang ako para magpalit ng damit nung first day, pero nung na-realize kong hassle yun, ehh nag-decide ako na magdala na lang ng gamit dito sa hospital para mas mabantayan ko pa si Nami.

Hindi pa rin siya nagigising. Mabubuang na yata ako eh. Pero gumaan na yung pakiramdam ko nang sabihin ng doctor na ligtas na sa panganib si Nami at anytime ehh gigising na siya.

Nandito rin yung barkada. Puro tawa nga kami ng tawa eh. Siguro nabaliw na ako sa katahimikan kung wala itong mga mokong na ito dito. Buti na lang talaga ehh sinasamahan nila ako dito. Hindi nga sila pumapayag na iwanan kami ni Nami mag-isa dito eh. Kailangan daw laging may bantay. Haha, baliw tong mga to eh noh. Baka naman may gawin akong masama kay Nami!? Psh.

Busy sa pagtatawanan ang lahat nang maramdaman kong gumalaw yung kamay ni Nami...Agad-agad akong napatingin sa kanya at laking gulat ko nang makita siyang nakangiti tapos nagsasalita na din siya, "Ang ingay niyo..." Mahina lang siya siguro ehh dahil wala pa siyang lakas para magsalita.

Walang pagsidlan ang tuwa ko. Agad-agad kaming lumapit sa kanya pero dahil ako ang pinakamalapit ehh madali ko lang siyang niyakap... "Nami...You're awake..."


"C-chalton..." Narinig kong bulong niya. Gising na nga siya! Gising na si Nami! Ang saya-saya ko! Hindi naman ako nananaginip, hindi ba!?

"Nagugutom ka ba??? Anong gusto mong kainin??? Ah, ipagbabalat na lang kita ng fruits, gusto mo???" Sunud-sunod na tanong ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko lang ngayon ehh sobrang saya ko at gising na si Nami...ligtas na siya!

"O-okay lang ako..." Tila gulat na gulat na sabi niya. The last time kasi bago siya maaksidente, ehh hindi kami nagu-usap, pero ngayon todo asikaso na ako sa kanya. Hindi ko na iisipin yun. Gusto ko nang kalimutan lahat...

"Sigurado ka ba??? Anong gusto mo? May kailangan ka ba???" Tanong ko ulit.

"Water..." Sabi niya na hindi pa rin makapaniwala sa ikinikilos ko. I helped her to sit first then I gave her a bottle of water. Uminom naman siya dito tapos inikot ng tingin ang paligid.

************

NAMI'S POV

Ginala ko ang paningin ko. Nasa isang kwarto ako ngayon. Nandito rin yung mga kaibigan ko. Ang saya-saya ng mga mukha nila habang nakatingin sa akin. Ang saya ko naman na makita sila na kumpleto at nakangiti.

Obviously, nasa hospital ako. Pagtingin ko sa kamay ko ehh may dextrose pa ako. Ano nga bang nangyari? Ahhh, oo nga pala...Nasagasaan ba talaga ako??? Psh namin, malamang. Kaya ka nga nandito eh. Tsk. Teka yung bata pala??? "Nasaan yung bata? Okay lang ba siya???"

"Oo. Ligtas yung bata. Dinadalaw ka nga nila araw-araw ehh." Nakangiting sabi ni Chalton. "Pero ngayon, hindi pa sila nadating...Hapon kasi sila laging pumupunta since may pasok daw yung bata." Sabi nito.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon