CHAPTER 13 - MYSTERIOUS VOICE

1.7K 27 0
                                    

CHAPTER 13 – MYSTERIOUS VOICE

 

CELYN’S POV

“Princess, this will be the last time na tatanungin kita...I know I’m getting too nosy kung yun yung tingin mo...Pero bestfriend ko si Jason...that’s why I’m getting curious. So please, answer me. Do you like him?” Nilagay ko lahat ng sincereity sa voice ko kaya sana naman ehh this time, sumagot na siya. This is for everybody. Kung oo, I would give up Jason. Pero kung hindi, hindi ko pa alam... I don’t know pero parang natamaan din naman siya.

She took a deep breath then faced me... “Honestly...I like Jason. I like him so much...”

‘I like Jason. I like him so much.’

 

Is this the end? Is it the right time to give up?

So gusto ni Princess si Jason? And with what she just had said, parang unti-unting gumuho yung mundo ko. Medyo OA pero feeling ko wala nang pagasa para sa amin ni Jason knowing that she felt the same for my bestfriend. At ganun din si Jason sa kanya. To make it clear, THEY LIKE EACH OTHER. TT__TT

That moment magkaharap kami. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ba ginusto kong malaman ang sagot niya? Hindi ba kinulit ko pa nga siya? Pero bakit ganito? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nagsisisi ako na nalaman ko pa. Ang weirdo ko talaga. Kaasar! Naiiyak ako at nararamdaman ko na malapit na tumulo ang mga luha ko. Pero bago pa man mangyari iyon ehh nagsalita ulit siya. Bagay na ikinagulat ko ng sobra.

“But not the way you do, Celyn.” HUH?

“What do you mean? Not the way I do?” Naguguluhang tanong ko sa kanya.

“Seryosong usapan, Celyn... Alam kong gusto mo si Jason. Or baka nga mahal mo siya ehh. Yung totoo? Nasasaktan ako everytime na nararamdaman kong pinagseselosan mo ako...” I’m sorry, Princess... Pero bakit mo sinasabi ito ngayon sa akin? Paano mo nalaman yung nararamdaman ko for Jason? Ganun nab a ako ka-obvious? “Hindi ko nga alam kung bakit eh. But one thing for sure, alam kong gusto mo siya. Or better yet, mahal mo na siya. And I really like Jason for you...” Ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa boses niya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi sa akin lahat ng ito. Naguguluhan ako. But still, hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sobrang speechless ako sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. “Really. You look good together. Hindi ba tinatanong mo ako if I like Jason? Of course, I like him. I like him as a friend. I like him as my brother. But most of all, I like him for you...”

“A-ano bang pinagsasabi mo??? Kakasabi mo lang na gusto mo siya tapos parang binabawi mo na agad???” Finally, I was able to talk.

“Hindi ko binabawi yung sinabi kong I like Jason. Mali lang siguro ang pagkakaintindi mo, Celyn. I guess mali ka ng tinanong. Hahaha!” Tumawa siya ng konti while saying those words then humarap na ulit siya sa akin... “I think ang gusto mo talaga itanong ay kung mahal ko ba si Jason... Hindi ba???”

As usual, hindi na naman ako nakasagot. Nadali niya ehh!

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon