CHAPTER 39 - THE BOOK PART 2

1.3K 20 1
                                    

CHAPTER 39 - THE BOOK PART 2

JASON’S POV

"Hoy, Jason! Saan ka pupunta!??? Hintayin mo'ko!!!" Sigaw niya habang naglalakad na ako palayo. Bwisit na babaeng ito! Ano ba sa tingin niya yung ginagawa niya!? Bakit niya ba ako laging inaasar!? Yung may kiss-kiss pang nalalaman kanina??? Eh halata namang hindi niya ako gusto ehh. Sadyang may maitim na plano lang yun kila Dane! Nakakainis talaga siya, pero kahit anong gawin ko, kapag nag-please na siya, nawawala na ako sa wisyo ko. Feeling ko kasi pag nag-please siya with those matching eyes, parang ang bait-bait niya naman tignan. Kaya nga hindi ko siya natatanggihan sa tuwing magpi-please siya eh. Tapos hindi naman pala siya boring kasama. Kanina nung nagsa-shopping kami ng mga kung anu-ano, hindi naman pala siya ganun ka-arte sa pananamit at hindi rin siya price-conscious. I mean, hindi niya naman ganun kagusto yung mga mamahaling gamit, nakakatuwa nga siya kasi ang hilig niya sa sale. Oo, puro sale yung mga binili niya, yung tipong 100php lang? Ohh diba. Kaya nga nasabi kong hindi naman siya ganun kaarte kagaya ng una kong pagkilala sa kanya. Basta may something sa kanya na magugustuhan mo talaga. Hindi ko sinasabing gusto ko na siya as my girlfriend, but I like her, yes, as a person. The more na kasama ko kasi siya, the more na nakikilala ko siya.

Nung nasa quantum naman kami tapos nagpabili siya ng token, hindi ko naman talaga siya dapat bibilhan ehh kung hindi lang talaga doon sa pesteng please na yun na nagpabago sa isip ko. She really reminds me of someone. Someone na kapag ganun yung mga sinasabi ko, ehh isang please lang, bibigay na ako. Ganun ba talaga ka-powerful yung word na please?

At ayun nga, nung nasa quantum kami, para sa kanya lang dapat yung 100 pieces ng token pero hindi ko rin napigilan eh, ang tagal ko na rin kasi hindi nakakapag-basketball. Yung huling punta ko dito ehh si Celyn pa yung nagyaya. Ehh medyo matagal na rin yun since, bibihira na lang kami magkausap. Hayy, magkakausap pa kaya kami ulit? Babalik pa ba yung dating closeness namin??? Ewan ko ba pero nag-enjoy naman ako kasama si Jam. Ang dami kong naririnig tungkol sa kanya na mga negative things, pero ngayong nakasama ko siya, biglang parang nae-erase lahat nang yun, except na lang yung ginawa niyang paninira kay Celyn kasi yun ang hinding-hindi ko mapapatawad.

"HOY, JASON LAURINO! HIHINTAYIN MO AKO KUNG AYAW MO NG KISS!!!" Ayan na nga ang kiss. At dahil diyan, ehh napahinto na lang ako bigla. "Nagugutom ako kaya kakain tayo. Naiintindihan mo? Wala akong balak sundin ka ngayon kung iba man ang gusto mong gawin bukod sa pagkain. Kasi nagugutom na ako, at kung hindi lang yun ang gagawin natin, ehh aalis na ako. Naiintindihan mo???"

Kanina pa siya nasusunod eh, ako naman ngayon. Napatitig na lang siya sa akin hbang dire-diretso ko yang sinabi sa kanya. "Okay." At pagkatapos nun ehh hindi na siya umangal pa at sumunod na lang.

Ako ang namili ng kakainan. At since, mukang hindi kakain itong asungot na ito sa mga fastfoods na gustung-gusto ko, ehh dinala ko na lang siya sa isang restaurant para wala na akong marinig sa kanya. "Upo na. Hindi ko hahatakin yang upuang tinitignan mo noh." Sabi ko sa kanya nang mapansin kong titig na titig siya doon sa upuan.

"Wow. Ang sweet mo talaga, hon..." Tapos pinandilatan na naman niya ako ng mata. At since alam ko na ang ibig sabihin nun, ehh wala na akong nagawa. Doon ko lang napansin na sa aming dalawa, nakaupo na ako tapos siya nakatayo pa tapos yung mga tao nakatitig sa akin. Alam mo yung feeling na yun? Nakakahiya. Feeling ko natapakan yung pagkalalaki ko lalo na nung tawagin niya akong 'hon'? Seriously? Syempre ang mga iniisip ng mga tao ehh girlfriend ko siya at hindi ko man lang siya pinaupo bago ako umupo!? Aish. Bwisit! Kaya wala na akong nagawa kung hindi tumayo at paupuin siya.

"Anong gusto mo?" Tanong ko nang dumating na yung waiter.

"Caesar Salad." Simpleng sagot niya.

"Yun lang???"

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon