CHAPTER 28 - DANE SLATER AND CELYN SYLVANA ARE TOGETHER!?

1.6K 24 0
                                    

CHAPTER 28 - DANE SLATER AND CELYN SYLVANA ARE TOGETHER!?

 

CELYN’S POV

 

“Want me to say it again? Dane Slater and Celyn Sylvana are Together.” Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Sobra akong nagulat. That headline made me on a bad mood. Together? Agad-agad??? Pano nangyari yun??? Kelan ko pa sinagot si Dane? Aber? Kelan pa???

“Ano bang sinasabi mo diyan, ha Princess???” Dahil nararamdaman ko na na naiinis na ako, ehh medyo napapalakas na ang boses ko. Napatayo na nga ako nang hindi ko man lang namamalayan ehh.

“Obviously yung headline.” Bored niyang sagot sa akin. Kahit nagalit na ako ehh todo kain pa rin siya. Seriously!?

“But this is no joke time, Princess!” Naiinis na ako. Naaasar ako. Bakit ganun na lang ang headline? Together? Agad-agad? Ni hindi ko nga ma-internalized yung sinabi ni Princess ehh. Nakakapang-init talaga ng ulo! At sino namang writer ang gumawa ng journal na yun!?

“Look, I’m not joking. And please lang, Celyn, relax sis!” Paano ba naman ako makakapag-relax ehh kung kakagaling niyo lang sa Puerto Galera, not to mention, kahapon lang, tapos ganyan agad yung mababalitaan mo??? Kaya pala todo tingin sa akin yung mga babae kanina eh. Yung isa sa mga iniidolo nila ehh pinagkakamalan na palang taken. By me. “...at isa pa, pinagtitinginan ka na ng mga tao, Celyn. Calm down.”

Oo nga noh? Hindi ko napansin na halos naghi-hysterical na ata ang lagay ko. Ehh sino ba naman hindi magugulat sa mga ganoong balita diba!? Diba!? “So-sorry naman...” At last, medyo nakalma naman ako. “ So ano ang laman ng balita? Maliban doon sa shocking damn shitty headline na yun!?”

“Oh oh! Boses mo Celyn, napapalakas na naman. Hindi ko na nga iku-kwento sa’yo kung ganyan ka mag-react...” Nakakaasar naman ehh. Atat na nga akong making sa balita niya tapos ngayon pa niya sasabihin na biglang ayaw niya na magkwento???

“Naman Princess ehhh! Pabitin ka lagi ehh noh! Ehhh kung ikaw kaya ibitin ko diyan!?” Sobrang atat na talaga akong malaman yung laman nung balita to the point na niyuyugyog ko na siya. Ay mali pala, yung damit niya.

“Tsk. You’re ruining my style, Celyn! Wag ka nga magulo. Or I won’t tell you.” Tsk.

“Fine Fine. Sorry naman ehh noh? So kwento na dali!” Ang tagal naman kasi magsalita ehh.

“Pano ba yan, ehh tinatamad ako magkwento ehh. -_-“ Bored na naman niyang sagot. Naaasar na tuloy ako lalo!!! Arghhh!!!

“Gusto mo sa’yo ko ibuhos galit ko, huh Princess??? Tell me or---“

 

“What? Kill me? Kanina lang hindi ka interesadosa iku-kwento ko tapos ngayon...sobrang nagpupumilit ka!?” Aba! Wala talagang takot sa akin kahit konti tong bestfriend ko ehh noh??? Paano ko ba mapipilit itong magkwento? Paano ko ba malalaman yung laman ng headline na yun! Tell me how!!!

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon