CHAPTER 52 - NOT NOW

1K 14 0
                                    

CHAPTER 52 - NOT NOW

CHALTON'S POV

Hindi ko na kayang pigilan yung sarili ko. Ugh. Kailangan ko nang tawagan talaga si Nami. Ewan ko ba. Pero hindi ata ako mapakali ngayon. Hindi ako makapag-focus sa klase ko kasi iniisip ko siya. May kung ano sa nararamdaman ko ngayon na hindi ko ma-explain. Agad-agad na akong tumayo at nagpaalam sa professor ko na nagsasalita sa unahan, "Ma'am, can I go to the clinic? My head hurts."

Oh sige, ako na sinungaling. Pero hindi ko talaga maiwasan na mag-alala kay Nami. Kahit pa malaki ang galit ko sa kanya, mahal na mahal ko pa rin siya. Walang-wala yung galit ko sa tindi ng pagmamahal ko sa kanya. Kahit gaano pa ako kagalit ngayon, hindi ko pa rin maitatanggi na si Nami pa rin. Siya lang...

Mabuti naman at nadala yung professor sa acting skills ko kaya pumayag naman ito, "Okay."

Dali-dali akong lumabas ng room at kinuha yung cellphone ko sa bag at dinial ang number ni Nami, pero walang sumasagot. Sinubukan ko ring i-text pero nakalipas na ang sampung minuto ehh wala pa rin akong natatanggap na text. Sira kaya phone niya? Imposible namang wala siyang load. Ah, baka lowbatt lang siya kaya hindi nasagot? Tsk, ano ba naman yan!

Galit kaya siya sa akin dahil sa mga nasabi ko sa kanya? Oh baka naman ginagantihan niya ako kasi minsan ko ring nagawa ito sa kanya? Hayyy, Nami... Please naman...Wag ka munang sumuko sa akin. Sorry kung selfish ako at ni hindi man lang kita pinakinggan. Sorry talaga kung nagbingi-bingihan ako eh di sana hindi tayo naga-away nang ganito. Halos isang linggo na rin pala noh? It seemed like a year. Miss na miss na kita.

Ngayong ready na akong makinig, sana naman may pakikinggan pa ako oh. Please.

Naupo muna ako sa bench sa may field kung saan kakaunti yung mga tao, ayoko kasing pagkaguluhan ng mga babae ngayon lalo na at alam nila ehh wala na kami ni Nami. Did we break up? Hindi naman diba? Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ako nakinig at pinairal ko yung pride ko. I might lose her right now, I know. Kaya nga I'll try to make it work again.

Patuloy ako sa pagte-text kay Nami at pagtawag. Siguro mahigit 10 messages and calls na rin yung nagawa ko pero laging busy. Siguro nga patay yung cellphone niya. Nakakaasar naman oh!

Hindi ko namalayan na halos magi-isang oras na pala akong nakaupo dito. Mababaliw na ata ako kapag hindi ko pa rin nakausap si Nami kaya nag-desisyon akong puntahan na siya sa bahay nila. Dali-dali akong tumayo papunta sa kotse ko nang nabagsak ko yung bote ng softdrinks na hindi ko namalayan ehh nasa tabi ko pala. Hindi ako mapamahiin na tao, pero sinasabi ko sa inyo, bigla-bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang kaba.

Tinitigan ko yung piraso ng salamin na nasa may paanan ko at hindi ko talaga maiwasan yung pagdaloy ng kaba sa puso ko. Wala na akong inaksayang oras at dumiretso na sa bahay ni Nami. Nag-drive ako papunta doon at nang makarating ehh sumalubong sa akin yung mommy ni Nami. "Goodafternoon po." Magalang na bati ko dito.

"Goodafternoon, hijo." Masiglang bati niya sa akin. "Are you here because of my daughter?"

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at sumagot ng, "Opo. Nandyan po ba siya? I really wanted to talk to her po."

Hindi pa rin talaga maalis yung kaba sa dibdib ko. Buti na lang talaga ehh hindi ako nabunggo sa sobrang kaba ko. Napa-paranoid lang siguro ako. Tsk. Bakit ba ako kinakabahan, eto nga ang mommy ni Nami sa harap ko at nakangiti pa sa akin. Wala naman sigurong nangyaring masama kay Nami.

"Pasensya na, hijo. Nasa mall siya ngayon eh." Dropping what she's handling then continue talking, "Nagpaalam sa akin kanina. She'll unwind daw."

"Ah, ganun po ba?" Disappointed na sagot ko. Akala ko ehh makakausap ko na si Nami ngayon. I really can't wait to talk to her. "Tita, can you please tell her that I had been here when she got home? Please?" Pagmamakaawa ko.

"Of course, ikaw pa ba." Ngumiti siya tapos lumungkot yung itsura niya. "Sana mapatawad mo si Nami. She only loved you."

Alam ko naman po yun eh. Kaya nga pakikinggan ko siya 'cause I believe that second chances are deserved by Nami and that I really love her. Hindi ko hahayaang matapos lang ang lahat sa ganito. "Yes, tita. Sana po maayos pa namin ito ni Nami. That's why I'm here..."

Ngumiti na naman si Tita Nadia. Nami really resembles her mom's smile. "Sana nga, hijo. Alam kong hindi madali para sa'yo na malaman ang katotohanan, but for Nami, please...Please lang hijo, give her a second chance. You don't know how much my daughter loves you. Don't give up on her, please..."

I gave her a nod then I hugged Tita Nadia, assuring her that I'll do anything I can to make everything fine. "I'll go na, tita. Just call me if she got home. Pupuntahan ko po siya." Then she nodded.

 Bumalik na muna ako ng school since it's already 5:00 in the evening at alam kong nasa school pa sila Jason. I really needed someone to talk to.

Pagdating ko sa school, agad ko naman silang nakita sa minipark. Nandun si Jason, Mark, at Duff. "Oh, himala! Wala tayo sa bar ngayon ah?" Pagbibiro ko sa kanila. Haha gaya nga ng sinabi ko sa inyo, maka-bar yung mga mokong na ito, especially si Mark. Nagiging second home na niya yung bar these past few days. Naaawa ako sa kanya. Hindi ko na alam kasi kung anong nararamdaman niya ngayon. Kung malungkot ba siya? Kung nangungulila kay Olive? Katulad ko. I badly want to see Nami.

"Buti pinaalala mo, bro! Tara bar, ano!?" Masayang sabi ni Mark. Mokong na ito. Akala ko pa naman bumalik na sa normal na pagkatao, hindi pa rin pala. Bwisit. "Jason? Duff? Sagot ko na oh!"

"Ayos! Sige ba!" Pagsang-ayong ni Jason. Natutuwa talaga ako sa kanila kasi kahit ano pang problema yung pagdaanan nila sa buhay, masaya pa rin sila kapag magkakasama kaming magkakabarkada na para bang iniiwan sa kung saan-saan yung problema. Kaya kung masaya sila ngayon, gusto ko ring magsaya. But not tonight. I won't drink tonight. I want nothing but to see Nami.

"Kayo na lang." Himala, tumanggi si Duf!? "I'd rather see my baby. Haha." Tapos nakita ko pang kuminang yung mga mata niya! What the f! So gay! Kapag nagu-usap kami, baby ang tawag niya sa girlfriend niya, kay Janselle. Pero kapag nandyan si Janselle, for sure babatukan siya nun kasi naco-cornyhan yun sa endearment na 'baby' eh. Lols.

 "Tsk, bahala ka!" Sabi ni Mark, "Ikaw Cha? Sama ka?" Yaya niya.

"Nope. Doing something." Sabi ko.

"Ang daya naman eh! Ano yun!? Kami lang ni Jason???" Pagmamaktol ni Mark. "Ah, sila Paolo pala yayayain ko!" Sabi nito.

"Goodluck kung mayaya mo. Haha, magkakasama sila nila Mawu. Hahah!" Panga-asar ni Duff sabay subo nung burger na kanina ehh hawak ni Mark!? PG ang walangya! Hahaha, ayan tuloy binatukan siya ni Mark at nung binitawan naman ni Duff yung burger, si Jason naman ang kumuha, and the battle goes on and on...

Until my phone vibrates... "Hello?" I answered.

Halos mabitawan ko yung cellphone ko sa narinig ko. Oh please. Not now.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon