CHAPTER 29 - YOU'RE DEAD

1.4K 26 0
                                    

CHAPTER 29 - YOUR DEAD

 

NAMI’S POV

 

“Oh sige, titingin pa! Titingin pa yan!!!” Kakatapos lang ng aming klase. Nandito kami ngayon sa field ng school at nakaupo sa may damuhan. Kasama ko si Chalton. Halos kaming dalawa lang ang nasa part na ito kasi medyo malayo sa amin yung iba pang mga studyante. Ang lawak kaya ng field. Hahaha! Just so you know...kami na! Uwaaaaaaaaaaaaaaah! Kaya nga ang saya-saya ng araw ko ehh. Hihihi.

“H-hah??? Anong titingin ka diyan???” Ang saya na nga araw ko ehh. Panira lang talaga itong mga babaeng malalanding umaali-aligid sa boyfriend ko! Ang layu-layo na name ehh panay pa rin ang lapit ng mga babae sa Chalton ko! Mga papansin! Baka gusto ata nilang tustahin ko yung mga katawan nila! Nakakaasar! Ang hirap talaga kapag gwapo yung boyfriend mo ehh noh???

“Ano!? Kunyari ka pa ehhh! Sabihin mo lang kung gusto mong mambabae!!! Ayan oh! Ang dami nilang nagaabang sa’yo!” Pangaaway ko sa kanya. Ehh sa naiinis talaga ako ehh! Nakakainis yung mga boses ng mga babaeng tili nang tili kay Chalton. As if wala ako dun. Like duh! Katabi lang kaya ako ni Chalton!

“Nami naman! Hindi na ako yung dating Chalton...kaya pwede ba, relax ka lang...kasi alam mo...” Tapos lumapit siya sa akin. Tapos ngumingisi... Ano na naman kayang balak nito!? “...ikaw lang ang babaeng papakasalan ko...” Natigilan naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako or what. Hindi naman sa ayaw ko, kaya lang may naaalala lang ako. Pero ganun pa man, hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi niya. Ang sarap kaya sa feeling ng sinasabihan ka ng ganun.

“Sigurado ka? Ayan oh, ang dami nila. Pang isang linggo na yan oh...” Pangaasar ko pa sa kanya. Nararamdaman ko naman talaga na seryoso siya sa akin. Simula kasi nung maging kami, sobrang sweet na niya sa akin. Everyday pa nga niya ako binibigyan ng red roses ehh. At syempre, kinikilig naman ako! Basta, siguro mararamdaman mo naman talaga kung sincere yung isang tao sa’yo o hindi ehh. At sa nakikita ko...Alam ko...at nararamdaman ko na mahal ako ni Chalton.

“Ano ba yan! Binebenta mo naman ata ako ehh...” Sabay talikod sa akin tapos kunyari ehh nagtatampo pa. “...Sabi ko naman sa’yo, Nami...Ikaw lang talaga...” Tapos para siyang nagse-senti don. Pilit na pilit na nga yung tawa ko ehh. As in sobrang nakakatawa yung reaction niya. Pati yung acting niya. Hindi siya bagay mag-artista, model pwede pa! Hahaha.

Syempre lumapit ako sa kanya tapos binack-hug ko siya... “Uy, sorry na...Eto naman hindi na mabiro...Syempre, joke lang yun noh! Subukan lang nila agawin ka, ililibing ko sila nang buhay kahit ilan pa sila...” Tapos tsaka ko pa hingpitan yung yakap ko sa kanya. Hayyy...Hinding-hindi ko talaga bibitawan si Chalton kahit anong mangyari! Sa akin lang siya... Bwahahah!

Okay haha. Para na akong kontrabida dito ah. Pero seriously...gagawin ko talaga lahat para lang mapasaya si Chalton. Kahit anong mangyari...hindi ako susuko sa aming dalawa. Ganyan ko siya kamahal. “Hm...Hindi naman kasi talaga kita ipagpapalit ehh...” Sabi niya pagkatapos niyang humarap sa akin.

“Alam ko naman yun...At ganun din ako. Hinding-hindi kita ipagpapalit!!!” Sabi ko sa kanya. Tapos niyakap niya rin ako. Matagal kaming magkayakap habang nakaupo sa damo. Ang sarap lang sa feeling na kayakap mo yung taong akala mo ehh hanggang pangarap mo na lang, pero ngayon sa’yo na talaga. Haha.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon