CHAPTER 42 - MOVIE MARATHON PART 2

1K 18 0
                                    

CHAPTER 42 – MOVIE MARATHON PART 2

CELYN’S POV

“Celyn? Where are you???” Tawag ng pamilyar na boses sa akin. Agad akong napaayos ng tayo at nakita kong nakatayo si Dane sa entrance ng kitchen.

“Dane...” Sa wakas. Savior ka talaga Dane.

“A-ahm... H-hindi ko sana gustong istorbohin kayo...Ahm...Nagu-usap ba kayo??? Ahmmm...” Tila hindi mapakaling tanong ni Dane. Halata sa kanya na nags-stutter siya tapos hindi mapakali. “S-sige, labas muna ako...” Sabi niya at akmang lalabas na pero pinigilan ko siya. Naggi-guilty tuloy ako dahil sa naramdaman ko. Inaamin ko...May epekto pa rin pala si Jason sa akin kahit papaano.

Yung moment na malapit siya sa akin at konti na lang ehh pwede ko na siyang mahalikan, iba sa pakiramdam eh. Yung halos naaamoy ko na yung hininga niya, yung buhok niya dumapo na sa noon ko...Yung mga ganung bagay...Yun ang gusto kong mangyari sa amin noon...

Hanggang ngayon, ganun pa rin ba? Naguguluhan ako.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang pigilan ang nararamdaman ko...kahit na may boyfriend na ako. Oo nga’t pumayag siyang maging rebound pero pumayag din akong paga-aralan kong mahalin siya...

Pero tila kinakain ko lahat ng pinangako ko sa sarili ko ngayon. Na kakalimutan ko na si Jason, na mamahalin ko na si Dane... Lahat yun kinakain ko sa tuwing nakikita ko ang bestfriend ko. Lahat ng paninindigan ko nawawala kapag nakikita kong magkasama si Jam at Jason. Ganun pa rin yung sakit eh. Ganun pa rin katindi yung sakit na nararamdaman ko.

Tapos eto ka ngayon, Jason, nagbibigay ng motibo. Eh tongue-in-a-lungs naman oh! Bakit mo ba ako kailangang pahirapan ng ganito. Sawang-sawa na ako pero hindi ko magawang bumitaw. Hanggang ngayon...Hanggang ngayon...aysh...hanggang ngayon...umaasa pa rin ako. At naiinis ako sa katotohanang iyan.

“Dane, ano ka ba! Okay lang noh. At tsaka, naligaw lang si Jason, magc-cr kasi dapat siya, tapos ayun, dito napunta...Ahm...Alam mo na...Hehehe...” Sige Celyn, magkunwari ka pa. Isip pa ng maidadahilan. Wala kang puso, Celyn. Paano ba nakakaya ng konsensya mo ang magsinungaling sa kaisa-isang taong hindi maglilihim sa’yo? Paano, Celyn!? “Hindi ko ba nasabing bagong renovate ang bahay namin? Kaya ayun, naligaw si Jason. Diba Jason???”

Tumingin ako kay Jason at nakita ko lang namang madilim ang aura niya. Nakatingin lang siya sa akin. Okay, let me rephrase it, nakatitig pala habang hindi nagalaw sa kinatatayuan niya. Okay, kahit na medyo awkward yung paligid, let me tell you, ang hot pa rin ng dating niya. Nakapatong kasi yung dalawa niyang kamay sa may sink habang nakatalikod doon. Gets niyo ba yung position niya? Tapos standing on one leg siya. Ang cool niya tignan huhuhu. Kakaiyak.

Sana hindi halatang nagsisinungaling ako lalo pa at hindi kumikibo si Jason. Inignore na naman yung tanong ko. At heto ako ngayon, papalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa. Nagtititigan kasi sila. Yung totoo, pwede nab a akong umalis? Bromance ba ito? Hoho joke lang ehh kasi naman kung magtitigan akala mo magpapatayan eh. Kaya nga natatakot ako. Pero sa wakas, nagsalita na rin si Dane.

Humarap si Dane sa akin at ngumiti, “Ganun ba? Akala ko kasi kung napaano ka na. Ang tagal mo kasi that’s why I decided na sumunod sa’yo...baka kasi kailangan mo ng tulong.”

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon