CHAPTER 5.5 - AT THE CAFETERIA

1.7K 20 0
                                    

CHAPTER 5.5 - AT THE CAFETERIA

CELYN’S POV

Papunta na kami ni Princess sa caf.

“Dalian mo Princess! Baka maubusan tayo ng food!” –Ako

“Napakatakaw mo talaga ehh noh!” –Princess

“Hindi naman! Gutom lang!” –Ako

Lakad-takbo ang ginagawa namin ngayon. Gutom na kasi talaga ako eh. Hindi kasi ako nakapag-breakfast noh! Alam niyo na. Tinanghali ng gising ehh! Hehe. Kaya naman eto...Hila-hila ko si Princess ngayon.

 

“Wait lang naman. Dahan-dahan lang! Baka naman madapa tayo pareho nito!” –Princess

 

“Hindi yan!” –Ako

Buti na lang at kahit 4 years halos tumira sila Princess sa US ehh marunong pa rin siyang mag-Tagalog. At kapag kausap ko nga ehh, more on Tagalog siya ehehe.

At last, nasa caf na rin kami ngayon.

“Ako na lang o-order, Celyn, find a seat na. ^___^” –Princess

“Okay sure. Kung ano sa’yo...Ganun na rin sa akin. ^___^” –Ako

At umalis na ako para maghanap ng mauupuan namin...

*Lakad* *Lakad* *Lak---*

Sila Jason yun ah! Without any hesitation, naglakad na ako papunta sa kanila. May mga kasama siya sa table na hindi ko kilala pero carry lang yan. Baka mga kaibigan ni bestfriend! Sana maging kaibigan ko din sila... Kasama niya pala sa table si Mark, Chalton (hindi ko na sila tinatawag na kuya kasi parang ang ewan lang kasi magkaka-batchmates na kami ngayon tapos Jason na lang rin tawag ko sa bestfriend ko. Kaya hindi ko na sila tatawaging kuya and besides, ayaw din nilang magpatawag na kuya ehh. Ehehe.), tsaka yung isang girl na medyo familiar sa akin. Ex ba yan ni Kuya Cloud ko? Ehh? Hindi eh! Basta parang nakita ko na siya before! Tapos may kasama pa siyang isa na totally hindi ko kilala... Yung isang girl na maganda na maputi... Mukhang mababait naman sila. Hehehe. *O*

“Hello! ^___^” Bati ko sa kanila. At dahil hindi ko kilala yung dalawang girl ehh sila yung tinignan ko habang nakangiti sa kanila. At ang ine’expect ko ehh itatanong nila kung sino ako or tatarayan nila ako like how people treat me before pero iba sila. Instead na tarayan nila ako or sabihan ng “Yes? Do I know you?” ehh ganito ang bati nila sa akin...

“Hi! Gusto mo sumabay sa amin? ^___^” –Ate girl na medyo familiar sa akin.

“Oo nga, halika upo ka. ^___^” –Ate girl na hindi ko kilala.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon