CHAPTER 44 - AT THE BAR PART 2

1K 17 1
                                    

CHAPTER 44 - AT THE BAR PART 2

OLIVE’S POV

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito!?” Singhal ni Mark sa akin nang makarating kami sa tagong part ng bar na ito. Bar ba talaga ito o club? Yung totoo? Buti na lang may part pa ng bar na ito ang kokonti lang ang tao. Yung part na malapit sa restroom. Mukha atang napagkamalan pa akong alam-niyo-na ehh naka-jeans po kaya ako!? Sabagay, hindi naman kita na naka-jeans ako kasi nga madilim sa paligid.

“I...I...” Pautal-utal na sagot ko. Hindi rin kasi ako makasagot ng matino dahil sa sobrang takot ko at hindi ko rin alam ang sasabihin k okay Mark gayong iniligtas niya ang buhay ko. Natatakot ako, kinakabahan. Samu’t-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Pero nagpapasalamat ako at nandito na si Mark sa tabi ko. Feeling ko ligtas na ako.

“You’re what, Rae!? Bakit ka ba nandito!? Sinong kasama mo!?” Pasigaw pa ring sabi ni Mark. Dahil madilim pa rin dito ehh halos mukha lang ata ni Mark yung nakikita ko. Yun lang kasi yung naliliwanagan nung kakaunting ilaw mula doon sa may dance floor. Pero kahit na may kadiliman ehh kitang-kita ko yung bakas ng galit sa mukha niya. Assuming ba ako para isiping naga-alala siya para sa akin?

Sasabihin ko bang kasama ko si Christian? Sasabihin ko ba? Baka naman...Aysh, sige na nga. Kilala naman ako ni Mark na hindi mahilig pumunta sa mga ganito eh. “Kasama ko si...si Christian.”

Hindi ko alam kung tama ba yung nakita ko pero mas lalong tumiim yung titig niya sa akin tapos mukhang lalong naging halata yung galit niya sa mukha niya. Para siyang mangangain ng tao. Nakakatakot po. “Walangya talaga yung boyfriend mo ehh noh!? Sinong matinong boyfriend ang iiwan sa ganitong lugar ng mag-isa!? Paano na lang kung may nangyaring masama sa’yo!? Paano na lang kung wala ako!?”

Tuluy-tuloy niyang sinabi ang mga katagang yan. Hindi ko naman magawang sumagot at ipaglaban si Christian. Kanina ko pa rin naman kasi siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Sabi niya saglit lang daw siya at babalik din pero nang halos isang oras na siyang wala ehh nagdesisiyon akong hanapin siya. At nangyari nga yung hindi ko inaasahan. Buti na lang talaga at dumating si Mark.

“Sorry, Mark.” Tanging nasabi ko. Hindi ko nga alam kung paano at bakit ako nagso-sorry eh. Ayoko lang nakikita siyang galit. “Ikaw, bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito sa lugar na ito?”

Nakita kong bumukas ang bibig niya para sumagot pero hindi na ito natuloy nang biglang may lumapit sa kanyang isang babae. “Honey, akala ko ba saglit ka lang? Ang tagal mo naman ehh buti nakita kita agad. Let’s go na!” Malanding sabi nung babae.

Maganda yung babae. Matangkad. Sexy. At kahit na madilim ehh, alam mong may kaputian. Naka-super mega ultra short shorts ito tapos naka-red na halter blouse. Nang palapit ito sa amin ehh tumutunog pa yung heels niya kasi sigurado akong nakamataas na heels siya. Anong sinabi ng flats, ng jeans at ng blouse ko na saradong-sarado up to the last button on the neck!? Correction, hindi naman baduy yung suot ko. Magaling ako sa fashion noh!? Kaya lang hindi ako daring manamit kagaya nung babaeng clingy na ito na tapos humalik pa sa lips ni Mark. Yung totoo? Ganyan ba type ni Mark?

Hinayaan lang ni Mark yung babae nung hinalikan siya nito sa lips. Wala akong nagawa kung hindi ang yumuko na lang. So ano!? PDA ang peg nila? Sa harap ko pa talaga. Hindi naman ako maitim para hindi mapansin dito ah!?

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon