CHAPTER 55 - JALYN CHAPTER

1.2K 16 0
                                    

CHAPTER 55 - JALYN CHAPTER

CELYN'S POV

Kawawa naman si Nami. Sana maging okay lang na siya. Sana gumising na siya. Ngayon pa nga lang na hindi siya nagigising, para mawawala na sa sarili si Chalton, paano pa kaya kapag nawala si Nami? Oh Lord, please wag niyo po munang kunin yung kaibigan namin. Mahal na mahal po namin siya eh.

Halos maiyak-iyak na ako dito. Nagulat na lang ako nang may biglang humatak sa akin dahilan para mapayakap ako dito. Pag-angat ko ng ulo ko, laking gulat ko na lang nang makita ko kung sino iyon.

Walang iba kung hindi si...Jason.

Hindi ko mapigilan yung matinding kabog ng dibdib ko. Naaamoy ko yung pabango niya...naamoy ko na halos yung hininga niya sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Konting-konti na lang, ehh pwede na kaming maghalikan sa sobrang lapit ng mukha namin.

Grabe lang. Ibang-iba talaga yung feeling ko ngayon. It really feels good. Actually, nothing feels better than being in his arms. Katulad na lang ngayon. Awkward lang kasi hindi na nga kami masyadong nagu-usap, unlike before.

Nung mag-bestfriend pa kami, normal lang yung mga ganitong yakapan. Kapag malungkot ako, yayakapin niya ako, Kapag masaya kami pareho, yayakapin niya ako. Pero iba na ngayon, hindi ko maiwasang lagyan ng malisya kapag niyayakap niya ako tulad nang ganito.

Oh noes, nagiging manyak na ba ako? Pero kakaiba na talaga yung feeling ngayon eh. Ang higpit-higpit ng yakap niya sa akin ngayon. Feeling ko nasa langit na ako. Hayyy, pero nawala lahat ng kilig na nararamdaman ko, (oo, sa tingin ko kinikilig ako, bwisit) nang magsalita na siya. "Dane's not here. Ako muna gagawa nito, iyak ka nang iyak diyan eh. Baka bumaha pa itong hospital, malunod pa lahat ng pasyente. Tsk."

Walang puso talaga ang mokong. Sa ganitong pagkakataon, nagagawa niya pang magbiro. Hayy, Celyn, ikaw din kaya. Nagmamalinis ka pa eh. Sa ganitong pagkakataon, kinikilig ka pa! -_-

Pero kahit na nagawa pang mang-asar ni Jason...alam kong malungkot din siya sa nangyari kay Nami. Si Mark din, ayun, nakaupo sa sulok, ni hindi rin naimik. Si Chalton, nasa kabilang sulok naman, nakayuko habang magkadaop yung mga palad niya. Halata sa mukha niya yung sobrang depresyon. Sino bang hindi malulungkot sa mga oras na ito?

Ehhh nanganganib ang buhay ng girlfriend niya? Nakakaiyak naman talaga oh. Kaya nga ang sarap sa pakiramdam na kahit iyak ako nang iyak, ehh yakap-yakap pa rin ako ni Jason. Ni hindi na nga ako sumagot nung inasar pa niya ako. Syempre, I grab the opportunity. Minsan lang ito noh! Tsk.

Yakap-yakap niya ako habang hinahagod-hagod niya yung likod ko. It really feels good to be comforted. Lalo na si Jason pa iyon. I was seizing the moment when my phone vibrated. Kinuha ko iyon mula sa shoulder bag ko at tinignan kung sino ang nag-text. Humiwalay na rin ako ng yakap kay Jason.

One message from Dane.

 I quickly opened it. My God. How could I cheat on him!? Kahit pa wala namang malisya yung ginawa namin, I feel like I have cheated on Dane. Mali eh. Maling kiligin ako sa ibang tao. Maling maging masaya ako dahil yakap-yakap ako ni Jason kanina. Kahit saang anggulo tignan, mali talaga. Sobrang mali.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon