CHAPTER 54 - SAY SOMETHING

1.6K 16 0
                                    

CHAPTER 54 - SAY SOMETHING

OLIVE'S POV

Nandito kami ngayon sa hospital. Tinext kasi ako ni Celyn kanina tapos kinwento nila yung nangyari kay Nami. Kaya naman, dali-dali kaming pumunta agad sa hospital na sinabi nila.

Naaawa ako para kay Chalton. Kanina pa siya walang imik. Iyak lang siya nang iyak. Hindi rin nakatulong yung sinabi ng doktor na nasa critical condition pa rin si Nami hanggang ngayon at kahit na sinabi pa rin nito na gagawin nila lahat, hindi nun napagaan yung loob namin. Naaawa ako para kay Nami din. Alam kong hindi sila nagkausap nang maayos ni Chalton dahil sa tampuhan nila. Naikwento na rin sa akin ni Nami kasi lahat nang nangyari.

Mali rin naman kasi siya. Pero mali rin si Chalton dahil basta-basta na lang niya iniwan sa ere si Nami. Tapos kung anu-ano pang sinabi niya kay Nami. Pero syempre, hindi ko naman siya masisisi kasi nga may point rin naman siya. Pareho silang mali. Pareho silang may kasalanan at pagkukulang, pero please lang...sana mabigyan pa sila ng isa pang chance na maayos lahat. Hindi pwedeng matapos lang lahat-lahat sa ganito.

Nami, you need to wake up. Marami pa kaming naghihintay dito oh. Gumising ka, cous. Nami-miss na kita.

Kanina pa rin kami nasa hospital at nagbabantay. Sila Jason, umuwi na muna. Pati si Celyn. Nag-presinta nga si Jason na ihatid si Celyn eh. Nagulat lang ako. Pero pumayag naman si Celyn kasi hindi daw siya masusundo ni Dane ngayon kasi may pictorial siya. Hindi pa kasi alam ni Dane yung nangyari kay Nami eh. Si Duff din, umuwi na muna. Nagka-emergency kasi sa bahay nila. Bali, ako, si Mark, si Chalton, at Tita Nadia na lang ang nandito sa hospital.

"Hija, umuwi na muna kayo nila Mark..." Sabi ni Tita Nadia sa akin, pagkatapos ehh humarap ito kay Chalton na nakaupo lang sa gilid habang nakayuko. Kitang-kita ang lungkot at pagod sa mukha nito. Pero tahimik lang siya doon. "Chalton, hijo, you go home na muna. Pagod na pagod ka na. Kanina pa kayo nandito...Magpahinga na muna kayo tutal gabi na rin..."

"No, tita, hihintayin kong magising si Nami. Babantayan ko lang siya hangga't hindi siya nagigising." Madiing sabi ni Chalton. Hayy, Nami. I never thought things would be this complicated. Wake up for this man infront of us. He's waiting for you. Ayusin niyo kung anumang nagulo sa inyo. Nanghihinayang ako sa inyo eh. Alam ko...Alam kong lalaban ka, mkatapang ata ang pinsan ko, hindi ba!?

Hayyy, sa totoo lang, kanina ko pa rin gustong umiyak eh. Pinsan slash bestfriend ko kaya si Nami. Mahal na mahal ko yan kahit hindi pa halata. Pero kailangan kong magpakatatag eh.

"No, Chalton. Please, umuwi ka muna. Kumain ka tapos magpahinga. Balikan mo na lang si Nami bukas." Sabi ko sa kanya tapos lumapit ako sa kanya. "Chalton, hindi gugustuhin ni Nami na makita kang nasa ganyang sitwasyon. Please...be strong. Kahit para sa kanya lang."

Sa tingin ko naman ehh nakumbinsi ko si Chalton kaya tumayo na ito, "Tita, I'll be back." Sabi niya.

"Bro, hatid na kita sa inyo..." Alok ni Mark. "I don't think you can drive at that state. Mahirap na..."

Tumango lang si Chalton, and together they disappeared.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon