CHAPTER 70 - DECEMBER 24

1.1K 13 1
                                    

CHAPTER 70 - DECEMBER 24

JASON'S POV

"Jason, ano sa tingin mo magandang gift para kay Nami?" Tanong sa akin ni Celyn. Nandito kami ngayon sa mall kasi balak naming bilhan ng regalo si Nami dahil birthday na niya mamayang hatinggabi. December 24 na ngayon at December 25 and birthday nito. Astig diba? Trivia lang, si Princess naman ang birthday niya ehh sa New year hahahah! Astig ng mga birthdays nila noh? Sana ako Valentines Day na lang ang birthday ko. Hehehe.

"Ahm? Ewan?" Hindi naman kasi ako babae eh. Kaya hindi ko alam kung ano ba ang magugustuhang regalo ng mga babae.

"Tsk. Ano ba yan." Kunyari ehh naiinis si Celyn.

Umikot kami sa buong mall para maghanap ng regalo. Maya-maya ehh pumasok kami sa isang shop kung saan may mga damit na pambabae. "Anong ireregalo natin?"

"Ewan. Maghahanap na lang muna ako." Sagot niya tapos tumingin na siya isa-isa sa mga racks na nandoon pati na rin sa mga sapatos.

"Sigurado ka? Dito tayo bibili?" Tanong ko.

"Are you underestimating my fashion skills?" Pagtataray niya. Haha. Ang cute lang niya. Oo nga pala, hindi ko pala pwedeng i-question ang fashion skills ng soon-to-be-wife ko kasi naman fashion designing nga pala ang tinetake-up niya.

"Eto naman...nagtatanong lang." Sagot ko. I looked around at napansin ko na sa tapat ng shop kung nasaan kami ehh nandoon yung isang jewelry shop. "Celyn, wait lang ha? May titignan lang ako..."

"Okay." At pumunta na ako doon sa jewelry shop.

I've been planning to buy a ring for Celyn. Pero naisip ko, mga bata pa kami eh. Pero siguro naman pwede yung engagement ring? Hehehe, tapos after 4 years, tsaka na kami ikakasal? Pwede kaya yun? Pasensya na, medyo confident na sasagutin ako ni Celyn eh. Hehe.

I scanned through the different cuts of stone doon sa mga shelves. One day, pupunta ulit ako dito dahil kailangan ko nang bilhan ng singsing si Celyn para maging fiance ko na siya. Hihihi! Medyo advance lang.

Maya-maya, napagisipan ko na bumalik na kay Celyn. Tsk. Wait? Sino ba yung kausap niya!? Tsk, nawala lang ako saglit, may kausap na agad na iba? UGH!

"Ehem." Sabi ko paglapit ko sa kanilang dalawa. Nakakaasar naman oh! Makangiti naman tong si Celyn, akala mo wala nang bukas! Sino ba itong lalaking to!?

Wait, parang kilala ko ito ah!

"Jason...Natatandaan mo pa? Si Jayr? Yung classmate natin dati?" Nakangiti pa rin si Celyn.

"Oo naman!"Ehh yan lang naman yung crush na crush mo dati nung elementary ka pa! Bwisit!

"Jason, long time no see!" Sabi nito at inabot niya ang kamay niya sa akin pero tinignan ko lang iyon. Asa siyang hahawakan ko ang kamay niyang may virus ng kalandian!

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon