CHAPTER 27 - BAD MOOD

1.5K 25 0
                                    

CHAPTER 27 – BAD MOOD

 

OLIVE’S POV

Lumabas na ako ng classroom nang matapos ang subject namin. Hahanapin ko pa yung mga bwisit kong kaibigan na iniwan ako. Hindi ko kasi talaga matagalan na katabi ko ang ex ko. Hindi ko matagalan na katabi ko ang isang Christian Aromin na niloko lang ako, pinaasa, pinaglaruan at ipinagpalit sa ibang babae.  And to think na makakatabi ko siya until this semester ends!? Ilang months pa ang aantayin ko!? Nakakaasar. Bakit ba hindi kumakampi ang destiny sa’kin!?

Ah...Uuwi na ako tutal P.E. lang naman ang susunod na subject namin. Hindi naman kasama sa GWA yun eh. Hindi ko talaga maatim na makasama yung Aromin na yun! One of my worst day talaga tong araw na’to.

Dali-dali ako sa paglalakad nang may humawak sa balikat ko. Oh Lord, not him, please? Not him. Ano ba naman to!? Nato-trauma ba ako? Paano ba naman ehh kanina pa ako ginugulo ni Christian sa room. Tinanong niya ako kung kakain daw ba ako, kung anong next subject namin, kung anong balak ko gawin sa buong araw, etc. Our conversation went like this:

“ Hi, Olive. Have you eaten your lunch?” Ngiting-ngiti siya habang nagtatanong niyan sa akin. At ako naman? I gave him me prettiest frown. Ano daw?

“ Not yet.” Thinking na magtatapos na ang pagu-usap namin, yan na lang ang sinabi ko. Pero hindi pa pala dahil nagtanong pa siya.

“ Really? Tara sabay na tayo. Nagugutom na rin ako ehh.” As if, we’re close enough. Napakamanhid mo talaga, Christian. Ikaw ang pinakamanhid na taong nakilala ko. After ng lahat ng ginawa mo sa akin, nagagawa mo pa ring yayain akong mag-lunch!?

“No thanks. Sasabay ako sa mga kaibigan ko eh.” Inaayos ko pa rin ang gamit ko. Pinapasok ko na silang lahat sa bag. Nagsisisi talaga akong pinahiram ko ng mga books tong sila Jason dahil wala daw silang librong dala. Ang sipag noh!? Yan tuloy, nagpapakahirap akong ibalik lahat sa bag ko para madala ko sa locker. Kung kelan gusto ko nang makaalis sa lugar na’to, hindi ko naman magawa dahil sa dami ng hiniram nila.

Akala ko ehh titigil na siya sa pagi-insist na sabayan ako sa pagkain ehh hindi pa rin pala. “Ahh ganon ba? Pwede ba akong sumabay???” Pagtatanong niya. Hindi ako tumitingin sa kanya dahil nga nagmamadali ako sa pagaayos ng mga gamit na nagtatapunan na sa sobrang pagmamadali. Gusto ko mang huminahon, ehh hindi ko magawa. Sobrang nanginginig na yung katawan ko. Naiinis ako. Naaasar ako sa inaasta ni Christian. Naaasar ako sa pagmumukha niya. Galit pa rin ako sa kanya.

Tila napansin niya naman ang naglalaglagang mga gamit ko kaya tinutulungan niya akong pulutin ang mga iyon. At kapag binabalik niya sa akin ehh hindi maiwasan nadidikit ang mga kamay niya sa mga kamay ko. Oh sht. Hindi ko sinasabing mahal ko pa siya. Or mahal ko pa nga ba siya??? Pero kung ano man ang sagot sa tanong na iyon, ayoko nang malaman pa.

Oo, at ayoko nang alamin pa.

Dahil hindi ko siya sinagot, ehh nagsalita ulit siya... “You seemed in a hurry? I’ll help you.”  Patuloy pa rin siya sa pagtulong sa akin. But I am trying my best to show him that I don’t need his help. Palihim din akong nagdadasal na sana ehh lapitan na siya ng mga fangirls niyang baliw na baliw sa kanya – which I really doubt why – para naman ehh mawala ang focus niya sa akin at makaalis na ako.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon