CHAPTER 14 - STUPID FEELINGS

1.7K 21 0
                                    

CHAPTER 14 – STUPID FEELINGS

 

OLIVE’S POV

“Hoy Rae!!! Saan ba kayo nanggaling hah!? Kanina ko pa kayo hinahanap ehh! Nagugutom na kaya ako!” Parang may naririnig akong boses pero ganito ang dating sa pandinig ko ehhh... ’asdfghjklqwertyuiopzxcvbnm.’

“HOY! HOY RAE!!!” Sino ba yun? Aish. Wag na nga lang pansinin. Busy kasi ako sa pagalala ng mga nangyari kagabi. Hindi na nga ako nakatulog kagabi kakaisip ng problema na ito eh. Naasar talaga ako kapag naaalala ko ng paulit-ulit. Pero wala eh. Talagang hindi maalis sa isip ko.

*Flashback*

Gumagawa ako ng project ko. Yun bang about electricity. Ehh kasi naman ehh, ang hirap. Hindi ko maintindihan. Hindi ko siya gets kung paano gawin at kung paano pagdugtong-dugtungin yung mga wires. Promise talaga! Hinding-hindi na talaga ako matutulog sa klase. Huhuhuhu. Mahirap kasi kapag hindi nakikinig ehh. Nganga tuloy ako.

Inaantok na rin ako promise. Pero sa isang araw na kasi ang deadline nito eh. Baka hindi ko naman magawa yung project tomorrow kasi nga naalala ko, gabi na pala uwi ko bukas kasi gagawa kami ng project ni Mark sa other subject. Oo, siya ang ka-partner ko. Ang swerte ko nga kasi diba, atleast, one of my friends ang partner ko. Edi magkakasundo kami nito. Hoho!

So ayun nga, namomroblema pa rin ako para dito sa isa pang project ko. Nakakaasar! Sino ba pwede kong tanungin about dito??? Kung kami pa sana ni Christian edi baka matulungan niya pa ako! Ayyy, erase erase! Mali itong mga iniisip ko! Olive, alam mo ba yung salitang MOVE-ON!? Oo naman noh! Alam ko yun! Kinakain ba yun? Gaga lang. Hahaha. Pero seriously speaking...that’s what I should be doing, right?

Hmmm...

Time check. 2:00 in the morning.

Mare-rape ba ako daan kapag lumabas ako? O kaya maki-kidnap kaya ako? Nagugutom na kasi ako ehhh. Parang gusto ko ng hotdog sandwich sa 7 eleven. O kaya ng kariman sa ministop! Aish. Sige na nga. Lalabas na ako.

Sinuot ko na yung slippers ko. Naka plain t-shirt at pajamas lang ako. Syempre, alanganamang gown diba? Hoho. Pampa-goodvibes lang. Talagang kinakabahan na ako sa project ko eh.

(PLAY THE SONG ON THE RIGHT SIDE ------>)

 

*You have a way of coming easily to me
And when you take, you take the very best of me.

Nandito na ako sa 7 eleven. Umorder ako ng hotdog sandwich tapos isang hot coffee na rin kasi super nakakaramdam na rin ako ng antok. I was about to take another sip when someone sitted beside me. Hindi ko pinansin ito dahil na rin sa nagugutom ako at bilis-bilis akong kumakain. Nakaharap ako sa may harapan ko habang kumakain kaya hindi ko pansin yung itsura ng katabi ko.

*So I start a fight 'cause I need to feel something
and you do what you want 'cause I'm not what you wanted.

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon