Ako? Maiinlove sa gagong yun? No way. Kailangan ko lang siya at ng pera niya para mabuhay at makapag aral ako. Ginagamit niya ako? Ginagamit ko din siya.
Ibibigay mo lang daw ang virginity sa taong mahal at pinakasalan mo. Tss. Kalokohan! Kung naghihirap kana sa buhay at wala ka ng ibang magagawa gagawin mo din siguro ang mga bagay na ginagawa ko.
Ibenenta ko ang sarili ko sa lalaking hindi ko alam kung sino. Sabihin niyo na lahat ng gusto niyong sabihin wala akong pakialam dahil gagawin ko ang lahat para sa pamilya ko kahit na ang virginity ko pa ang kapalit nito.
Ako si Tasha San Jose at ito ang storya ko.