Achilles 31

902 31 4
                                    

Buti nalang at natapos ko ang 1st sem. Kahit na nasa bahay lang ako. Jaylord suggested na magaral nalang ako online at pumayag naman ako.

4months na ang nakakaraan ng umalis ako sa mansyon ni Achilles. Dito ako sa rest house ni Jaylord tumitira. Malayo sa syudad kung nasaan ang problema. Sabi ni Jaylord ay maayos naman daw si ate at nanay. Pinalipat sila ni Achilles sa ibang bahay ngunit safe naman daw sila.

Kung kamusta si Achilles ay hindi ko alam. Hindi namin napag uusapan ni Jaylord ang tungkol sakanya at ayaw ko naman ding pag usapan ang tungkol sakanya.

Habang nanonood ako narinig ko na ang sasakyan ni Jaylord na parating. Napangiti ako ng dahil doon. Agad akong lumabas pero laking gulat ko ng nakahawak siya sa kanyang brasong punong puno ng dugo.

"Jaylord! Oh my God! What happened to you?" Tanong ko. Alam ko na isa padin siyang killer. Tinanggap ko nalang kasi wala pa naman ako noon ay ganon na siya. Minsan lang talaga ay hindi ko maiwasang mag alala dahil baka siya naman ang mapano.

"Achilles knew that you're with me." Sabi niya habang nakahawak sakanyang brasong may tama ng baril.

"Did he shoot you?"

"Yes..Urggg!" Halata sakanyang ekpresyon na sakit na sakit siya.

Inakay ko siya papasok sa bahay at pinaupo sa sofa.

"Kailangan mo ng doktor." Taranta kong sabi sakanya.

"You're concern?"

"Off course I am." Sagot ko naman. Bakit pa niya kailangan tanungin?

Ngumiti siya sakin. "I'm so happy."

"Nabaril kana masaya kapa? You need a doctor."

"No. I can handle this Tasha." Ngumiti siya saakin. "Please kumuha ka naman ng gunting at alcohol."

Dahil sa kaba ay mabilis akong nakahanap ng alcohol at gunting para ibigay sakanya.

Nakita kong tinanggal niya ang balang nakabaon sakanyang balikat at kitang kita ko ang sakit sakanyang mukha dahilan kung bakit pati ako ay napapangiwi.

"O-okay ka lang? You look too much in pain." Tanong ko sakanya.

"I'm okay Tasha. Kahit ilang bala pa yung bumaon sakin basta ikaw ang dahilan. Hindi kita ibabalik sa rapist na yun." Seryosong sabi ni Jaylord saakin.

Ako naman ay hindi na nakasagot. Basta pag si Achilles ang nasa usapan ay napapatanga nalang ako.

"Jaylord. May gustong pumatay saakin." Sabi ko. Hanggang ngayon ay nakakatanggap padin ako ng e-mail galing sa JAL na yun na nagsasabing malapit nadaw niya akong patayin. Alam ko namang dahil kay Achilles yun kung bakit niya ako gustong patayin.

"I know. I'm just here. Don't worry Tasha." Sagot naman niya.

Sometimes, napapangiti nalang ako sa mga sinasabi ni Jaylord. Minsan nga iniisip ko na gusto ako nito pero hindi naman kasi palagi niyang sinasabi niya pinapahalagahan niya ang pagkakaibigan namin.

"Pahinga lang ako sa taas. Tawagin mo ako pag kailangan mo ako. Okay?" Hinalikan niya ang aking noo saka pumanik na sa 2ndfloor para magtungo sakanyang kwarto.

Kaya heto ako't nanonood nalang ng kung anu-ano. Lipat lang ako ng lipat ng TV hanggang sa maboring ako ay umakyat na ako sa kwarto para matulog.

Ganito nalang palagi ang ginagawa ko. Minsan ay nababagot na ako pero masa maganda na yung ganito.

Minsan kasi ay iniisip ko, paano ako nainlove kay Achilles gayong gago siya? Noong una palang naman ay sinabi ko na yun sa sarili ko.

Pero heto ako ngayon na kahit ganon siya ay mahal na mahal ko parin siya. Kahit na halimaw siya ay hindi ko maintatangging masaya ako noon sa piling niya.


AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon