Chapter 60

820 32 8
                                    

Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay napagpasyahan ko munang mangibang bansa kasama ng anak ko para makalimot.

Hindi pa ako handang harapin silang lahat. Nahihiya ako. Galit ako sa sarili dahil pakiramdam ko ay dahil saakin kaya namatay si Arkeen.

Isang taon na ang nakakaraan ngunit hanggang ngayon ay nakabaon parin sa puso ko ang sakit. Gabi gabi akong umiiyak dahil palagi ko nalang nakikita si Arkeen sa aking pag iisip.

Bakit kailangan pang may mamatay? Bakit kailangan pang mamatay ang isang taong ang tanging gusto lang namang ay magmahal.

Bakit hindi ko manlang nasabing mahal ko siya? Ang tagal niyang naghintay. Kay tagal niyang hinintay ang pagkakataong masabi ko sakanyang mahal ko siya.

Pagmamahal nga ba ang nararamdaman ko? Sa tingin ko'y oo. Hindi ko man nasabi sakanya ang mga yun ay alam kong naradaman niya ito noon.

"Hi Arkeen. Nakabalik na ako galing sa ibang bansa." Pinunasan ko ang luhang malapit ng tumulo saaking mga mata. "Okay na ako. Okay na kami ni Shiki wag ka ng mag alala diyan." Pagpapatuloy ko.

Andito ako ngayon sa sementeryo kung saan man siya ngayon nakahimlay. Isang taon na pala ang nakakaraan pero hanggang ngayon ay sariwa padin ito saaking alaala.

"Si Shiki? May ngipin na. Nakakatuwa siya. Alam mo bang kamukhang kamukha mo siya?" Mahina akong napatawa ng dahil sa sinabi.

Ilang saglit pa saaking pamamalagi ay bigla nalang pumatak ang ulan. Hinayaan ko itong tumulo saakin at dinadama ito ng mabuti. Pakiramdam ko kasi ay si Arkeen ito at niyayakap ako.

"Arkeen, hindi kita makakalimutan. Sana ay malaman mong kahit anong mangyari may mananatili ka parin sa puso ko."

Ilang saglit ay napatingala ako ng may makita kong may payong na tumatakip saakin at nakita kong si Achilles ang may hawak nito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay may kung anong kuryente ang dumadaloy sa likod ko. Parang naging masikip ang mundong to. Parang naging mabagal ang pag patak ng ulan.

"Achilles...Anong ginagawa mo dito?" Mahinang tanong ko. Ang tanga tanga ko kung bakit ganon ang tinanong ko. Malamang! Matalik niyang kaibigan si Arkeen at dinadalaw niya ito. Pero ang sabi ni Rui ay nang galing na siya kanina rito.

"Pinuntahan kita sa bahay ni Rui at Tanya pero wala ka doon, kaya pumunta ako dito dahil alam kong nandito ka." Mahinahon niyang sagot.

Tumango nalang ako sa sinabi niya.

"Hanggang ngayon ay malungkot parin ako sa pagkawala ni Arkeen. Hanggang ngayon ay sinisisi ko ang sarili ko. Dapat ay ako ang nabaril. Dapat ay saakin tatama yun." Halata ang lungkot sakanyang boses.

"Alam kong ganon din ang nararamdaman mo. Alam na alam ko. Pero sana ay pilitin mong maging masaya. Para sakanya ay sana maging masaya ka kasi alam kong kung nakatingin man siya dito ay alam kong iyon ang gusto niya."

"Okay ka naba ngayon Achi? Hindi ka na ba nalulungkot?" Tanong ko sakanya.

"Ayaw ni Arkeen na malungkot ako. Na malungkot tayo. Kaya kahit na malungkot ako ay pinipilit kong maging masaya para sakanya." Sagot niya.

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Ganito ba ang gusto mo Arkeen? Gusto mo bang maging masaya kami kahit wala kana? Ang hirap ata ng ganon.

"Halika na. Magagalit si Arkeen saakin pag nagkasakit ka." Sabi niya.

Hinawakan niya ang aking balikat at pakiramdam ko'y napapaso ako. Yung pasong masarap sa pakiramdam.

"Alam ko namang alam mo na hinihintay ko kung kailan ka magiging handa ulit. Palagi akong kakatok sa puso mo para makapasok ako muli." Nagulat ako sa sinabi niya.

Gustong gusto ko naman talaga eh. Kaso iniisip ko si Arkeen. Magiging okay lang kaya siya?

"Kaya sana wag mo na akong iwasan. May misyon pa akong gagawin para kay Arkeen at yun ay ang mahal kayo ni Shiki at alagaan."

Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Naglakad nalang ako palabas ng sementeryo. Nakasunod siya saakin habang pinapayungan ako.

"Ihahatid na kita sainyo." Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang kotse at tahimik nalang akong sumakay.

Tahimik lang kami buong byahe. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa lahat ng sinabi niya. Ni hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kung oo nga ba o hindi.

Pagkarating namin sa harap ng bahay ay medyo tumila na ang ulan.

"Salamat." Sabi ko at mabilis na akong lumabas ng kanyang kotse.

Bumaba din siya sa kanyang kotse at bago ako makapasok sa may gate ay tinawag niya ang aking pangalan.

"Tasha." Pagtawag niya. Napapikit ako ng dahil sa pagtawag niya sa aking pangalan. Parang may kung anong mga lumilipad na bagay ang nasa may tyan ko. Damn! Ano ba to?

Unti unti akong lumingon sakanya at makitang may lungkot sakanyang mga mata kahalo ang pananabik. Saakin? Saakin ba ba siya nananabik? He's invading my whole system again.

"Hihintayin kita." Mahinahon niyang sabi.

Huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang kanyang sinabi. "Wag ka munang magpakita saakin. Wag na muna tayong mag usap. Wag na muna tayong maglapit ulit. Kasi hindi ko pa alam kung ano ang isasagot ko."

Tila ba ay pinagbagsakan ng langit at lupa ang kanyang mukha. This is not easy. I love him but I still need to think.

"Okay." Mahina niyang tugon.

Papasok na sana siya sa kanyang kotse ngunit pinigilan ko siya.

"Achilles." Pagtawag ko sakanya.

Lumingon siya na para bang nabuhayan siya ng loob. Para siyang nagkaroon ng pag asa.

"If everything's going to be fine...Someday...I'll go back to you...I wish we will surpass it. I wish you can wait...At pag dunating ang araw na na handa ako, hindi na ako muling tatakbo sayo. Please, wait. Wait for me."

Ngumiti siya saakin bago sumagot.

"I'll wait. Just promise me one thing....

That You'll truly comeback to me."

----

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon