"Y-you can kill?" Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa sinabi niya. May kakaiba. Kung biro lang yun ay tatawa siya ngunit hindi.
"If you can't kill, they will kill you Tasha." Mariin niyang sabi. Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya.
"Are you afraid of me Tasha?" Tanong niya pang muli. "You should." Pagpapatuloy niya.
Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko alam ang sasabihin. Bakit parang may kakaiba sakanya?
Ngumiti siya saakin at ginulo ang aking buhok.
"To naman. Joke lang." Sabay tawa habang nakahawak sakanyang tyan.
"Fuck you! Tinakot mo ko! Fuck you ka!" Hinampas hampas ko siya gamit ang notebook na hawak ko.
"Aww! Tasha! Masakit! Hindi pa magaling yung sugat ko! Aww! Patayin kita jan eh." Napatigil ako sa pananapak sa sakanya sa huli niyang sinabi.
"Papatayin kita sa sarap. Gusto mo?" Sabi niya sabay kindat.
"Manyak!" Sabi ko sakanya.
Tumawa lang siya saakin. Nag aasar ang isang to. Kainis.
"Halla! Grabe siya oh." Sabi naman niya.
Ang saya ko pag kasama siya. Ewan ko kung bakit pero pag kasama ko siya kahit minsan ay nawawala sa isip ko ang mga problema ko.
Pagkatapos ng klase ay nagtungo na ako sa labas ng University para hintayin si Achilles. Hatid sundo na niya ako ngayon. Hindi naman siguro ako mapapahamak dahil harap lang ng university ang police station.
Tinignan ko ang aking orasan. Isang oras na pero wala pa siya. Tinawagan ko siya nagriring naman pero hindi naman niya sinasagot. Nasaan na kaya siya.
Ilang saglit pa akong naghintay ng may humintong sasakyan sa harap ng waiting shed kung nasaan ako.
Kumunot ang noo ko ng dahil dito. Bumaba ang salamin ng bintana at nairita ako ng makita kung sino ang sakay nito.
"Hop in." Cool niyang sabi.
"May sundo ako." Inirapan ko siya. Wag niyang hintaying irapan ko ulit siya ng 100x
"Ah yung sundo mo nasa bahay ng parents niya. Kaya inutusan ako." Sagot niya.
"Nasaan ba si Arkeen at bakit hindi nalang siya?" Masungit na tanong ko at tumawa naman siya ng dahil dito.
"Si Arkeen? Mananahimik na yun. Wag mo ng guluhin. My brother is hurt."
"Ha! Bakit! Anong ginawa mo kay Arkeen! Mananahimik?! Papatayin mo ba siya! Bakit hurt siya! Sinaktan mo siya! Walang ya ka!" Hysterical kong sabi sakanya.
"Whoa! Chill there woman. He's hurt not because of me. Hindi ko siya papatayin. Mamatay siya sa pagiging martir niya..Halika na.. Ang arte akala mo naman maganda." Dahil umaambon na ay sumakay na ako sa sasakyan niya.
Ng makasakay ako sa ay malakas kong sinara ang pinto niya.
Habang nagdadrive si Rui ay tahimik lang kaming dalawa hanggang sa magsalita siya.
"You are friends with that Lacuin?" Tanong niya.
"Yeah. Jaylord." Walang bubay kong sagot.
"Kilala mo na ba siya?" Tanong niya pa. Bakit ba ako kinakausap nito? Hindi naman kami close.
"Offcourse. He's a nice guy. Although kagaya niyo din pala siya." Bigla akong nalungkot ng sinabi ko yun.
"No. He's not a nice guy Tasha. He's evil." Seryosong sabi naman ni Rui. Bakit ganyan sila kay Jaylord? Mabait naman siya.
"Evil? Like you?" Tanong ko. Tumawa ulit siya. Tawa ng tawa ano ako? Clown? Tsk.
"Yes. I'm evil too." Sagot naman niya habang tumatawa.
"Eh bakit ba sinasabi niyong masama siya? Hindi ko kayo maintindihan kasi mabait naman talaga siya saakin." Tanong ko, dahil nalilito na ako. Hindi ko alam kung sinisiraan nila si Jaylord saakin o totoo ang mga sinasabi nila.
"That's not my story to tell. Yung syota mo ang tanungin mo." Sagot niya at hindi na muling nagsalita pa.
Ilang minuto pa ang nakaraan ay nakarating na kami sa hide out nila. Siguro ay dito ako susunduin ni Achilles. Ayaw naman kasi niyang umuwi ako sa bahay ng ako lang dahil baka daw anuhin ako nila ate. Masyado siyang OA ngayong mga nakaraan ang araw.
Umupo ako sa may sofa. Si Rui naman ay umupl sa sofang kaharap ko at nakade kwatro habang naninigarilyo.
Nakatitig siya sakin habang nagpapausok. Ako naman ay masamang nakatingin sakanya. Ang yabang.
"Let me tell you a story." Sabi niya.
"Siguraduhin mo lang na worth it ang pakikinig ko." Sagot ko naman. Tumawa ulit siya.
"So there's a two jerks who fall inlove with the same girl...Yung isa mapagparaya, yung isa naman makasarili. So syempre yung makasarili kahit yung mapagparaya ang gusto ng babae ay nakiusap si makasarili kay mapagparaya na bitawan na si babae para siya nalang. Itong si mapagparaya naman ay pumayag kahit na alam niyang masasaktan siya....Uhmm One day si makasarili ay napuno na dahil kahit anong gawin niya ay hindi siya kayang mahalin ni babae...Nag drugs si gago so he got high kasama ng mga mga kaibigan niya. Then he raped this girl after that ipinasa niya sa mga kaibigan niya....hinanap sila ng mga pulis...Si mapagparaya in the other hand ay tatanga tanga kaya inako niya ang kasalanan ni Makasarili. Nakick out siya..Tanga diba? Hanggang ngayon nga ay ganon padin siya. Pinag bibigyan si makasarili dahil nga matalik silang magkaibigan...Then pakiramdam ko nga ay meron nanaman silang bagong babaeng kina aadikan. Mga gago eh. Ang dami namang babae jan. Mas magaganda pa. Hay.. Ewan!" Sabi niya.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Bakit iba ang pakiramdam ko sa mga kinwento niya? Parang may laman.
"Sino ang mga yun?" Seryoso kong tanong sakanya.
"Wala. Napanood ko lang. Ganda no? Aabangan ko pa yung mga susunod na mangyayari. Exciting eh." Sabi niya saka tumayo at naglakad na papunta sa pintuan.
"Hoy! Rui! Sino sila! Hoy!" Hindi ako naniniwalang napanood niya lang ito.
Hindi ko kilala ang mga tao sa kinwento niya pero bakit parang sinasabi ng isip ko na dapat kong alamin ito. At hindi ko din alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito.
Shit! Gulong gulo na ako. Ang dami kong hindi alam. Masisiraan na ata ako ng bait.
-----
Sorry lame. Hehehe! Babawi nalang ulit ako. Kailangan talaga to sa story kahit medyo sabaw.
My new story: Falling inlove with the BAD CHICK. If you're interested just add it on your lib. Thank you. :)