Buti nalang ay binigyan ako ng pera ni Achilles. Kailangan ko pang bumili ng gamot ng kapatid ko at grocery para sa bahay. "Saan ka nakakuha ng pera?" Takang tanong saaking ni nanay. "Nay, wag na po kayong magtanong. Ang mahalaga ay may pera na tayo para sa pag papagamot ni ate." Sagot ko naman sakanya.
Kung hindi lang sana iniwan ng asawa niya si ate ay baka hindi kami magkakaganito ngayon. Matapos niyang maltratuhin ang ate ko at malaman niyang wala na siyang silbe ay agad agad na niya itong iniwan. Kaya ayaw kong mag mahal e kasi masasaktan lang ako.
"Wag niyo nadin problemahin ang tuition fees ko ako na pong bahala. Itigil niyo na ang pag lalaba niyo nay ha?" Sabi ko habang inaayos ang mga prutas na dala ko. Halata sa nanay ang pagtataka kung saan nanggaling ang pera ngunit hindi ko sasabihin sakanya dahil baka hindi niya ito matanggap.
Ng napatingin ako sa orasan ay laking gulat ko ng makitang 5:30 na pala ng hapon. Shit! Patay ako kay Achilles. "N-nay! Balik ako sa ibang araw." Hinalikan ko siya sa pisngi at agad ng tumakbo paalis ng ospital.
Halos makipag unahan ako sa mga pasahero sa jeep para lang makarating sa oras.
Pagkarating ko sa mansyon ni Achilles ay hihingal hingal pa akong napahawak sa mga tuhod ko.
"What time is it?" Malamig na tugon niya. Naka upo sa sa sofa at nakadekwatro. Naka poloshirt siya ng kulay itim, at maong. May relo din siya na halatang mahal at ngayon ko lang din napansin ang hikaw niyang kumikinang. Ang gwapo niya lalo na sa semi shaved niyang buhok. But hindi nun maipagkakaila na isa siyang masamang tao. "S-sorry. Di ko napansin yung oras." Sagot ko sakanya.
"Alam mo bang ayaw ko ng pinaghihintay ako? Tang ina! Dalian mo! My parents are waiting!" Sigaw niya at dahil doon dali dali akong umakyat ng kwarto at pumasok sa kwartong ibinigay saakin. May nakita ako isang dress na itim na kumikinang at isang pares ng heels. Napa nganga ako sa sobrang ganda ng mga ito. Siguro ay ito ang isusuot ko.
Dali dali akong naligo at nag ayos buti nalang ay marunong ako kahit papano mag make up. Inayusan ko ang sarili ko para bumagay sa suot ko. Pagkatapos ay dali dali na akong bumaba ng hagdan at ihinarap siya.
"You look gorgeous. I wanna fuck you but were late. Come on." Sabi niya at sinundan ko siya papunta sa magarang kulay itim na sasakyan niya. Sumakay kami dito ay pinasibad na niya ang kanyang sasakyan.
"You're going to be my girlfriend for today get it?" Sabi niya saakin. "A-ano?" Tanong ko. "Magpapanggap kang girlfriend ko. Okay na? Tss." Sabi niya.
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang hindi makadama ng kaba. Paano kaya ang mga magulang niya? Siguro ay kagaya niya kaugali din nila ang anak nila.
"Nervous?" Tanong niya habang nakatingin sa daan. "Oo." Sabi ko naman habang nakayuko. Hindi ko siya matignan may kakaiba kasi sa mga mata niya at hindi ko matagalan ang pag tingin ko sakanya. "Just be true to your self andy Mom will like you." Sabi niya.
Tumigil kami sa isang malaking wooden gate na may nakalagay na De Lima. Wow! Gate palang ay halata ng mayaman ang pamilya niya. Automatic na nagbukas ang gate at nagpatuloy kami hanggang sa makarting kami sa bukana ng bahay nila. Napakalaki din ng bahay nila kasing laki ng bahay ni Achilles. Ang ping kaiba lang ay ang aura ng bahay nila. Ang kay Achilles ay tila nababalutan ng lungkot ngunit ito ay saya.
Bubuksan ko na sana ang pinto ngunit pinigilan niya ako. Lumabas siya sa sasakyan at pinagbuksan ako. "Wag kang kabahan." Bulong niya saakin at hinapit ang bewang ko at pumasok sa bahay nila.
"Ohhh! Anak. Kanina pa namin kayo hinihintay." Masayang bati ng isang magandang babae na sa tingin ko ay nasa 40years old na pero hindi halata dahil sa ganda nito. Nagbeso silang dalawa at ako naman ay nakatayo lang dito. Tumingin saakin ang mommy at ngumiti. Nagulat ako ng yakapin niya ako. "Finally!" Sabi niya.
"Son. You're here." Sabi naman ng isang baritonong boses. Ng tinignan ko kung saan ng gagaling ang boses ay laking gulat ko ng makitang si Mr. Jared Kristian De Lima pala to. Ang nag mamayri ng mga mamahaling mall sa bansa. Idol na idol ko siya dahil sa kahig medyo may edad na ay ang gwapo padin niya at magaling humawak ng negosyo. Anak ba talaga nila ang Achilles na to?
"Hello young lady? I'm Achi's father." Inilahad niya ang kanyang kamay saakin at masaya ko naman itong tinanggap. "Omg! Sir yoy know what idol na idol ko po kayo." Hindi ko napigilan ang hindi mapahiyaw. Tumawa lang siya saakin at ako naman ay nakatingin padin sakanya. "That's my Dad Tasha" madilim na bulong saakin niAchilles kaya binitawan ko to agad.
"Asaan si Aphy?" Tanong ni Achilles. "Pababa na din yun." Sabi naman ng Mommy ni Achilles habang nakakapit sa braso ng kanyang asawa. Ang saya nilang pag masdan. Makikita mo ang pagmamahal sa kanilang dalawa kaya di ko alam kung bakit parang pinaglihi sa sama ng loob si Achilles.
"I'm here!" Matinis naman na sigaw ng isang babae. Tinignan ko siya at nagulat nanaman ako sa nakita. Si Aphrodite yung Ms. Lux university ngayong taong. Hindi ko inakalang pamilya pala ng isang masamang tao ang mga to.
"Hi! I'm Aphy. Your boyfriend's twin." Ngumiti siya saakin. Ngumiti ako sakanya "I know you. Diba po ikaw yung Miss Lux U.?" Sabi ko sakanya. "Sa Lux ka nag aaral?" Tanong niya. "Yes po." Sabi ko naman. "Ohh.. Sa school kayo nagkakilala ng mokong na to." Sabi niya sabay batok kay Achilles. Hindi ko alam na nag aaral pala siya at sa Lux pa kung saan ako nag aaral. Siguro ay dahil sa busy ako sa pag aaral ay hindi ko na tinutuunan ng pansin ang mga studyante doon.
"Tang ina! Aphy!" Naiinis na sabi ni Achilles at laking gulat ko ng paluin ni Mrs. De Lima ang kanyang bibig. "You have a dirty mouth Achi!" Sabi niya. Tumawa naman si Mr. De Lima sa ginawa ng asawa niya. Natutuwa akong isipin na parang halos wala siyang laban sa pamilya niya. Ibang iba sa pagkakakilala ko sakanya.
Habang kumakain kami ay hindi ako nakaligtas sa tanong nila. "Anong pamilya ka pala hija?" Tanong ng Daddy niya. "San Jose po Sir." Mahinahon ko namang sagot. "Cut the sir. Tito nalang." Sabi niya. "Tell us about your family." Sabi ulit ni Tito Kris. Kinabahan ako ng dahil sa tanong niya. Paano pag nalaman nilang mahirap lang ako? Ano ang iisipin nila? Pero naalala ko ang sinabi ni Achilles kanina.
"Just be true to your self and my Mom will like you."
Lumunok ako bago sumagot. "Wala na po ang Tatay ko. He died when I'm 7years old. Kasama ko po ang Nanay at ang ate ko. Nag lalaba lang po ang Nanay ko at ang ate ay nasa ospital at malubha. Mahirap lang po kami." Sabi ko naman. Halata sa mga itsura nila ang pag kaawa si Achilles naman ay napatigil sa pag kain. Ngumiti ako sakanila.
"Pero okay lang po. Masaya naman kahit mahirap lang kami. Tyaka dumating po si Achilles sa buhay ko kaya masayang masaya ako." Niyakap ko si Achilles. Totoo masaya ako dahil anjan siya kasi siya ang solusyon sa problema ko..