Chapter 42

895 41 17
                                    

Damn! Sobrang sakit ng ulo ko. Ano bang mga nangyari kagabi at bakit wala akong maalala?

Bumangon ako sa kama para magtungo sa banyo ng magulat akong hindi na ang mga damit ko kahapon ang suot ko kundi isang malaking puting tshirt. Wala akong bra, wala akong panty. Shit! Anong nangyari?

Muli kong sinariwa ang lahat lahat. Pinilit akong alalahanin ang lahat at nagsisi ako ng dahil doon.

May nangyari saamin ni Arkeen. Shit! Ano bang nagawa ko? Nakakainis! Ano ba to! Hindi na talaga ako iinom ng may kasamang lalaki. Hindi na!.

Hindi ko tuloy alam kung lalabas ako sa kwartong to dahil baka nasa labas lang siya. Wala akong mukhang maihaharap sakanya. Walang wala...

Napatalon ako ng nagvibrate ang aking cellphone sa may mini table ng kwarto. Madali ko itong tinignan at nakita kong message ito ni Arkeen.

Arkeen:

Alam kong mahihiya ka saakin pagkagising mo. Kaya nauna na akong umalis para hindi ka ma awkward. Good morning! :) Gising ka naba? Totoo ba kaya ang mga huling sinabi mo bago ka nakatulog? Naalala mo pa ba yun? Sobrang saya ko Tasha. Sobrang saya ko talaga. Hihintayin kita dito sa may bangin kung saan kita dinala noon. Kung di ka pumunta ibig sabihin ay hindi mo talaga alam kung ano ang mga sinabi mo.

Hindi ko alam kung mag rereply ba ako o hindi. Hindi ko alam kung anong sinabi niya. Ano bang mga sinabi ko sakanya? Hindi ko alam. Wala akong matandaan.

Nagtungo ako sa banyo at naligo. Buti nalang at may damit ako dito sa kanyang condo. Dederetso nalang ako sa ospital para makita si Achilles kahit alam kong ayaw naman niya akong makita.

Naguguluhan ako. Bakit ganito. Gustong gusto kong mahalin si Arkeen o si Jaylord. Bakit hindi? Gwapo sila, mababait sila saakin sinong hindi magkakagusto sa mga yun. Sana ay kahit sino nalang sakanila ang minamahal ko. Siguro ay hindi ganito kakomplikado ngayon ang buhay ko. Pero hindi kasi pwede eh. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa puso ko na wag nalang si Achilles.

Mahal na mahal ko talaga siya eh. Kahit pa mukhang ayaw na niya. Ang tanga ko kasi eh. Bakit kaya hindi ko nalang siya tinanggap? Nakaraan na naman niya yon. Palagi ko dating pinapaalala sakanya na kahit ano man ang nakaraan niya ay hindi ako mawawala sakanya. Nangako ako pero napako. Nasaktan ko siya. Sobrang nasaktan ko siya kaya kahit na ganon siya kalamig saakin ay okay lang.

Pagkatapos kong maligo at mag ayos ay nagtungo ako sa hospital. Siguro ay pag di naman ako nahintay ni Arkeen doon sa lugar na yun ay pupunta na siya sa ospital. Wala kasi talaga akong matandaan na sinabi ko sakanya. Hay! Bahala na nga.

May nangyari saamin at pinag sisisihan ko yun. Babae lang din ako. Minsan talaga ay mahina, marupok at malandi...Ay este malapit sa tukso. Sa mga palabas at wattpad lang may perpektong babae at nasa totoong buhay ako. Sana lang ay kahit anong mangyari ay hindi mag babago ang pagkakaibigan naming dalawa ni Arkeen.

Ng nasa ospital na ako ay agad akong natungo sa kwarto ni Achilles. Papasok na sana ako ng marinig kong may nag uusap sa loob. May kausap si Achilles na isang lalaking tauhan ata niya.

"Omega society ang may pakana? Sino? Si Lacuin?" Tanong niya.

"Hindi po boss. Hindi na po gumagalaw ang dati niyong organisasyon." Sagot naman nong lalaki.

Narinig ko na ang Omega society ah. Kanino ko nga ba narinig ang Omega society na to? Napakunot ako ng noo sa pag iisip hanggang sa mapagtanto kong narinig ko nga pala ito kay Jaylord noon. Talaga nga palang noon pa man ay magkakakilala na sila.

"Sino ang may pakana! Putang ina!" Biglang singhal niya. "Napakainutil niyo! Ilang buwan lang akong wala ganyan na kayo gumalaw! Papatayin ko kayong lahat kung tatanga tanga kayo!" Sigaw niya. Bumalik na siya sa dati niyang pag uugali.

"O-opo boss. Aalamin mo po namin." Nanginginig ang boses ng lalaki.

"Pag may nangyari sa babaeng mahal ko ay papatayin ko kayong lahat. Bantayan niyo siya sa kahit saan pa siya mag punta! Maliwanag!" Sigaw niya pang muli.

"Opo boss." Nagbow ang lalaki at agad agad na umalis.

Ako naman ay nag kubli para hindi nila ako makitang nakikinig. Ano kayang nangyari sakanya?

Maya maya pa ay pumasok si Airah. Yung nurse na sinasabing nililigawan ni Achilles. Muli akong nagtungo sa may pinto para makinig. Ang tsismosa ko naman.

"Babe, uminom ka na ng gamot." Mahinahong sabi ng nurse.

Babe? Tinawag niyang babe si Achilles. Ibig sabihin ay sila na. Ibig sabihin ay hindi na nga ako mahal ni Achilles.

Parang may kung anong tumutusok sa puso ko. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko na hindi ko malunok. Naiiyak ako. Naiiyak ako para sa sarili ko. Para sa puso kong sa tingin ko ay patay na.

Mahal na nga ba talaga ni Achilles ang babaeng to? Bakit parang ang bilis ata. Bakit hindi manlang sila nag dahan dahan. Hindi man lang ako nakapaghanda.

Siguro nga ay mahal niya. Hindi naman siguro siya magagalit sa tauhan niya kung hindi at hindi naman siguro niya papabantayan si Airah kung hindi nga niya mahal diba?

Ang sakit sobra sa dibdib. Sa sobrang sakit ay kahit luha ay wala ng lumabas sa mata ko. Nakita ko nalang ang sarili kong nakatulala at naglalakad patungo sa rooftop ng ospital. Gusto kong mapag isa. Gusto kong umiyak ng umiyak pero kahit na luha ko ay napagod na ata dahil ayaw na nilang lumabas sa aking mga mata.

Umupo ako sa bench kung saan ko palaging nakikita si Achilles at ni nurse Airah na nag uusap. Oh diba? Dito pa talaga ako pumwesto. Napaka masokista ko talaga.

"Nakakapang sisi naman." Bulong ko sa sarili ko. "Sana ako nalang ulit. Ako nalang ulit. Pangako tatanggapin ko na lahat. Lahat lahat ng nakaraan mo. Rapist ka man o killer. Basta please. Ako nalang. Saakin ka nalang ulit. Achilles." Mahina kong sabi sabay tulo ng mga luha ko. Para akong tanga dito. Para akong tanga na pati sarili ko kinakausap ko na.

Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng kalabog sa may kung saan. Mabilis akong lumingon at makitang may lalaking nakabonnet at may hawak na baril at nakatutok na saakin.

Hindi ko alam kung tatakbo ako o kung sisigaw ba ako o ano. Tinakasan na ata ako ng kaluluwa ko dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. Sino ba ang lalaking to? Bakit niya ko tinitutukan ng baril? Kanino ba ako may atraso? Gustong gustong pumatay saakin?

Napapikit nalang ako. Diyos ko! Kayo na pong bahala saakin.

Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng putok ng baril. Binaril na ako. Unti unti akong dumilat at sinuri ang aking katawan ngunit wala namang tama ng baril wala naman akong dugo sa katawan.

Tinignan ko ang lalaking nakabonnet na ngayong ay nakahandusay na at sa tingin ko'y wala ng buhay. Binaril niya ba ang sarili niya?

Inilipat ko ang paningin ko sa pintuan ng rooftop at nakita ko si Achilles na hawak na baril. Umuusok pa. Binaril niya ang lalaki.

Agad siyang lumapit saakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Ayos ka lang?" Mukha siyang nag aalala.

"A-ayos lang ako." Utal kong sabi habang nakatulala lang sakanya. Hanggang ngayon ay kinakabahan padin ako.

Agad niya ding tinanggal angpagkakahawak niya sa aking balikat.

"Sa susunod ay mag ingat ka! Pasalamat ka at kahit papaano ay may pinag samahan tayo dahil baka hinayaan lang kitang patayin jan. Hindi sa lahat ng oras ay nandito ako para sayo. Or should I say wala ng oras na dadating ako para sayo. Sinayang mo nga pala noon. Hindi na tayo gaya ng dati. Hindi ko na sayo papaikutin ang mundo ko kaya ikaw ng bahala sa sarili mo. Mag ingat kana ha? Kasi hindi na ako dadating para sayo. Ayy! Oo nga pala may Jaylord ka pa pala. Sige. See you around." Sabi niya at umalis. Dahil sa sinabi niya ay napaupo nalang ako sa sakit. Damn! Achilles! Wag naman yung ganyan kasakit!

Wala na. Iniligtas nga niya ang buhay ko, ngunit pinatay niya naman ang puso ko. Okay lang yan Tasha you deserved it!

----

I need maraming comments para naman alam ko kung itutuloy ko pa ba to o hindi na. :)

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon