"Daddy Achi! Daddy Achi!" Sigaw ni Shikaina habang tumatakbo palapit saakin.
"Oh wag kang tumakbo! Baka madapa ka." Pag bawal ko sakanya.
"Sabi ni Tito Rui, pinag awayan niyo daw dati ni Papa ko Arkeen si mama. Tapos daw nagsubunutan kayo. Totoo po yun daddy Achi?" Walang muwang niyang tanong.
Humagalpak ako sa tawa sa kanyang sinabi. Hanggang ngayon ay loko loko parin si Rui.
Limang taon na din ang nakakalipas. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang noong mga panahong punong puno kami ng hirap at sakit.
Itinigil na namin ang organisasyon. Ang mga tauhan ng dati naming organisasyon ay namumuhay na ng tahimik kasama ng kanilang pamiyla. Ngayon ay nagtatrabaho na sila. Yung trabahong legal na at masaya ako ng dahil doon.
Ako na ang CEO ng kompanya ni daddy dahil mahina na din siya. Si Rui ay may ari ng isang highclass na mga hotel dito at sa Japan. Hindi man kami mayaman ng sobra ng dati ay masaya na kami dahil hindi na namin prinoproblema kung ano man ang kinahaharap namin kinabukasan.
Si Rui at Tanya ay may anak na si Kento 3 years old na siya ngayon. Si Kas at si Jaylord naman ay may dalawa na ding supling. Si Jenya naman ay may boyfriend na ding doctor ngayon. Napapangiti nalang ako sa tuwing naiisip ko ang mga kaibigan ko.
Sa hinaba haba ng mga sakit na pinagdaanan namin ay heto parin kami at matatag.
Alam kong nakangiti saamin si Arkeen kung nasaan man siya ngayon. Hanggang ngayon ay araw araw ko parin siyang pinapasalamatan. Araw araw ay nagtatanong padin ako sa aking sarili kung worth it nga ba ang lahat lahat ng ginawa niya para saakin at para saamin.
"Hindi kami nag sabunutan ng papa Arkeen mo no." Natatawa kong sabi.
"Eh ano daddy Achi?" Tanong muli niya.
"Mmm. Nagsuntukan. Syempre boys kaya kami." Pinisil ko ng mahina ang kanyang ilong.
"Sa tingin mo kaya daddy Achi? Pag I'm big girl na, may magsusuntukan din kaya for me?" Tanong niyang muli.
"Oo naman. Ang ganda kaya ng baby namin. Pero bago yun sila muna ang susuntukin ko." Sabi ko at dahio doon ay napasimangot siya
"Edi walang manliligaw saakin kung ganyan ka. Daddy Achi naman eh!" Sabi niya habang pinapadyak padyak ang kanyang paa. Ang cute talaga ng batang to at habang lumalaki siya ay mas lalo niyang nagiging kamukha si Arkeen.
"Baby girl kapa. Tignan mo yang teeth mo bungi kapa. Tyaka na iyan pag malaki kana. Okay?" Sabi ko sakanya.
"Okay daddy Achi." Sagot naman nita tyaka siya yumakap saakin.
Alam ni Shikaina na hindi ako ang tunay niyang ama. Ayaw kong ipagkait sakanya at kay Arkeen ang katotohanan. Palagi naming sinasabi na ang papa niya ay nasa heaven na at binabantayan siya.
Ilang saglit pa ay dumating si Rui kasama si Kento sa sala.
"Hoy! Gago ka! Anong pinagsasabi mong nagsabunutan kami ni Arkeen?!"
"Wala. Joke lang pare." Sagot naman niya habang tumatawa.
"Daddy Achi, Tito Rui play kami ni kento sa playroom." Pag papaalam ni Shiki.
"Okay. Wag mag aaway." Bilin ko naman sakanila.
Tatakbo na sila papasok ng playroom ng biglang bumaling ulit saakin si Shiki.
"Daddy Achi, pwedeng si Kento nalang ang manligaw saakin pag big na ako?" Ng dahil sa sinabi niya ay humagalpak kami ng tawa ni Rui.
"Hindi pwede. Shiki! Ano kaba cousin mo siya eh." Sabi ni Rui habang nakahawak sakanyang tyan dahil sa kanyang matinding pagtawa.
"Sige na. Play na kayo doon." Sabi ulit sakanila at tuluyan na silang nagtungo sa play room.
"Tara inom tayo." Pag yaya ni Rui saakin.
Tumango ako sakanya at nagtungo kami sa mini bar ng bahay nila. Wala kasi ang magkapatid na si Tanya at Tasha kaya napagpasyahan naming mag chill muna.
"Limang taon na pala no?" Sabi niya na para bang sinasariwa ang mga pangyayari limang taon na ang nakalipas.
Nagsalin ako ng alak saaking baso tyaka ito mabilis na ininom.
"Hanggang ngayon ba ay sinisisi mo parin ang sarili mo sa kanyang pagkamatay?" Tanong saakin ni Rui.
Sinisisi ko parin ba ang sarili ko? Minsan ay napapaisip ako. Kung hindi niya sana sinalo ang mga balang yun ay saan ay hanggang ngayon ay andito pa siya.
"Kung nasaan man siya ngayon ay masaya nadin ang mokong na yun. Sana ay kalimutan mo na ang mga nangyaring yun. Hindi mo na dapat sinisisi ang sarili mo. Siya nga ay hindi nag dalawang isip na saluhin ang mga balang yun para sayo e ibig sabihin hindi siya nagsisisi."
"Pero minsan hindi ko parin maiwasang isipin. Nagtatanong ako sa sarili ko bakit niya sinalo ang mga balang yung para saakin." Seryosong sabi ko habang nagsasalin muli ng alak saaking baso.
"Para alagaan mo si Tasha at Shiki." Simpleng sagot niya.
"He can take care of them."
"Hanggang ngayon ba ay hindi mo parin naiintindihan? Mahal niya si Tasha. Matalik ka niyang kaibigan. Mahal niyo ni Tasha ang isa't isa. Sabihin nalang natin na regalo niya yan para sainyo."
"Kalokohan. Regalo niya? Yung pagkamatay niya para lang maging masaya kami ni Tasha?"
"Gusto mong patayin na din kita para magkita kayo ni Arkeen sa langit para matanong mo siya?! Pare he gave both of you to be happy again. Sana ay maging masaya ka nalang kasi alam kong si Arkeen ay masaya nadin ngayon." Sabi niya na tila ba ay nakukulitan na saakin.
Oo. Alam ko naman ang pinupunto ni Rui. Minsan lang talaga ay hindi ko siya maiwasang hindi isipin. Kahit naman ako sa kalagayan niya ay gagawin ko din yon. I even throw my life for him. Iniwan ko ang buhay ko para sakanya. Para sakanilang dalawa. Ang buhay ko ay si Tasha. I feel so dead back then pero nagtiis ako at nag paraya para sakanila para masuklian ko ang kabutihang ibinigay ni Arkeen.
Siguro nga ay ganon namin kamahal ang isa't isa not in a romance way. Ang tatag talaga ng pagkakaibigan namin. Kaya bilib na bilib din ako sa taong yun e.
Magkikita pa tayo Arkeen. Maghintay ka lang. Itutuloy natin yung pagkakaibigan natin.
Napangiti nalang ako saaking pag iisip hanggang sa magising ang diwa ko sa tawanan ng dalawang babae. Si Tanya at si Tasha.
"Labs! Nasaan si Kento?" Tanong ni Tanya habang bitbit ang mga grocery bags. Sinalubong siya ni Rui at kinuha ang mga bags at inilapag sa mesa.
"Naglalaro sa playroom labs." Sagot naman ni Tanya.
Ako naman ay bigla biglang bumagal ang ikot ng aking mundo ng masilayan ko si Tasha habang naglalakad din papalapit saamin.
Sa konting kilos lang niya ay mas lalo akong nahuhulog sakanya. Sa simpleng pag kurap ng kanyang mata, sa paglakad niya, sa pag hawi ng kanyang mahabang buhok. Basta lahat sakanya ay mahal na mahal ko.
Ang sarap talaga niyang titigan at mas lalo akong nahuhulog sakanya.
Mas lalo ko siyang minamahal.
Mas lalo akong nahuhulog sakanya.
Mas lalo siyang gumaganda saaking paningin.
Lalo na sa itsura niya ngayon...
Yung malaki niyang tyan..
Yung malaking tyan ni Tasha...
Ang asawa ko...
At dala dala niya sa kanyang sinapupunan ang magiging anak ko.
----
Sorry, bitin talaga akong gumawa ng story.
Ang book 2 po nito ay si Shiki na ang bida. "Love or Revenge" po ang title(comming soon). Please support niyo din. :) Maraming salamat!!