"I'm sorry kung hindi kita nasundo kanina. May mga inayos lang ako." Sabi ni Achilles ng dumating siya napansin kong may mga pasa siya sa mukha. Kumunot ang noo ko ng dahil dito.
"What happened to your cheek?" Tanong niya saakin ng mapansin ang band aid sa aking pisngi.
"What happened to you? Bakit ang dami mong pasa?" Tanong ko pabalik sakanya.
"Wala." Malamig niyang tugon.
"What happened to your cheek?" Tanong pa niya pa ulit.
"Someone threatened me." Simpleng sagot ko sakanya.
"What?! Kailangan mo na talaga ng body guards. Magmula bukas ay hindi kana papasok ng iikaw lang." Sabi niya.
I have this feeling na parang may tinatago siya saakin. Bakit parang hindi ko pa siya tuluyang kilala. Well. Ilang buwan pala kaming magkakilala.
"Bakit mo ko tinititigan ng ganyan?" Tanong niya saakin dahil nakatingin lang ako sa kanyang mukha. Feeling ko saki ay may makukuha akong sagot doon.
Suminghap ako. "Wala...wala...Uwi na tayo?" Ngumiti ako sakanya at hinalikan siya. Siguro naman ay wala siyang itinatago saakin. Siguro ay kailangan lang ng oras para makilala ko pa siya ng lubusan.
"Oh, anjan na pala si Prince charming.." Sabi ni Rui habang umiinom ng alak.
"Nasaan si Arkeen? Isang linggo ko na siyang di nakikita ah." Tanong ni Achilles sakanya.
"Nagpapagaling ng pusong sugatan." Sagot niya. Minsan ay napakalalim niyang magbitaw ng salita na halos hindi ko na maintindiha.
"Uwi na kami. Bukas nalang" sagot nalang ni Achilles dahil halatang nagmamadali siya.
Hinila na niya ako paalis doon.
Ng makasakay na kami sa kanyang kotse ay hindi ma siya muling umimik pa. Basta ay paulit ulit nalang niyang sinasabing mula bukas ay meron ng magbabantay saaking bodyguard. Pumayag nalang ako dahil para din naman saakin to.
"Achilles." Pagtawag ko sakanya.
"Hmm?"
"Kwentuhan mo naman ako tungkol sa buhay mo noong di mo pa ako nabibili."
Tumawa siya sa sinabi ko.
"My is completely a mess before I met you. Alam mo naman nagdadrugs ako. Pero promise hindi na ngayon. Nagbebenta nalang kami. Nagbebenta din kami ng mga baril. I'm a bad man baby." Sabi niya. "Tanggap mo naman ako kahit ganito ako diba?" Pahabol na tanong niya.
"Oo naman. Mahal kita eh." Sagot ko nalang sakanya.
"I'm so lucky to have you. I love you baby." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng aking palad.
"I love you too Achilles." Sagot ko naman sakanya.
"Achilles?"
"Hmmm?"
"Pumapatay ka ba?" Tanong ko.
"If you can't kill, they will kill you." Sagot niya na pamilyar saaking pandinig. Jaylord said those earlier.
"Sinabi ni Jaylord saakin yun kanina."
Bigla ay nagbago ang ekpresyon ng kanyang mukha. Halata dito ang galit.
"Diba sinabi ko ng layuan mo ang lalaking yun?!" Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw.
"Why?! Hindi ko maintindihan! Mabait siya saakin at dumadating siya sa tuwing napapahamak ako! Bakit ba sinasabi niyong masama siya!"