Chapter 45

819 35 9
                                    

Arkeen

Sabi na nga ba at nananaginip lang ako eh. Hindi ko na nga alam kung nagpunta nga ba si Rui dito. Wala talaga akong maalala. Buti nga at nakaya ko pang umuwi dito sa condo ko.

Nagising akong walang damit. Tinanggal ko ba to? Bahala na nga basta medyo maayos na ang pakiramdam ko. Tinignan ko ang orasan at alas nuebe na pala ng gabi. Magdamag pala akong tulog.

Ilang saglit pa ay bumangon na ako at nag suot ng Tshirt para magtungo sa kusina at magluto. Gutom na gutom na pala ako. Kahapon pa ako walang kain. Tang ina talaga nadadamay yung mga abs at muscles ko sa pagiging broken hearted ko. Di ako nakakakain ng tama baka mamaya ay maging payatot ako.

Habang nagluluto ako ng chicken soup ay naramdaman kong nag vibrate ang aking cellphone na nasa aking bulsa. Hindi na ako na excite na tignan kung sino ang caller dahil alam ko namang hindi naman siya iyung tumatawag.

Nakita kong isa itong unknown caller. Sino naman kaya ito?

"Hello? Sino to?" Paninimula ko.

"Arkeen! Arkeen! Tulungan mo ako! Please Arkeen!" Umiiyak na babae ang narinig ko sa kabilang linya. Pamilyar na pamilyar saakin ang kanyang boses kaya alam na al ko na kung sino ito.

"Jenya! Anong nangyari sayo?! Nasaan ka?!"

"I'm here somewhere. I..I don't know. Mukhang abandonadong building. Please Arkeen! Please help me!" Iyak siya ng iyak. Halata sakanyang kinakabahan siya.

Ibinaba ko ang tawag at sinimulang ilocate ang GPS sa kanyang cellphone. Nagmadali akong nagsuot ng leather jacket at agad na nagtungo sa basement para hanapin ang aking nakapark na motor.

Damn! Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Tumitibok ng malakas ang puso ko sa kaba at ito ang unang beses na nangyari ito.

Jenya, hintayin mo ako. Ililigtas kita.

Mabuti nalang at mabilis kong nahanap ang sinasabi niyang lugar. Isa nga tong abandonadong building.

Pinark ko sa gilid ang aking motor at maingat na umakyat sa mga bakod. Damn! Ang akala ko ay hindi ko na magagamit ang mga baril ko.

Nakita kong madaming mga lalaking nakahawak din ng kanya kanyang armas habang nag uusap. Dahan dahan akong lumapit sakanila para makita ang kanilang mga mukha.

Sino tong mga to? Hindi ko kilala lang mga to. Halos lahat ng tao sa mundo ko, sa mundo namin nila Achilles ay kilalang kilala ko. May kaaway ba kaya si Jaylord? Nasaan nga pala ang gagong yun at hindi siya ang magligtas sa kapatid niya? Ays! Kainis! Putang ina pag ako nabinat at nilagnat ulit papasabugin ko ang bungo ng Lacuin na yun.

At dahil baka kung ano na ang nangyayari kau Jenya sa loob ay kumilos na ako. Agad kong hinarap ang anim na lalaking may malalaking tyan.

"Hoy mga gago!" Sigaw ko.

"Sino ka!" Sabi nong isa. Agad agad silang sumugod saakin. Yung isa ay mabilis kong pinilipit ang leeg kaya hayun patay. Yung lima naman ay nakahanda ng barilin ako ngunit mas mabilis akong gumalaw kesa sa mga bala nila. Tang ina! Easy lang pala to eh.

Mabilis kong inagawa sakanila ang mga baril nila at itinapon sa may kung saan. Halata sa mga mukha nila ang gulat kung papaano ko iyon nagawa. Putcha eh! Tinatanong pa ba yan! Ako kaya si Arkeen! Wala pa ito sa kalingkingan ko eh.

"Oh ano? Lapit! Dali!" Pang aasar ko sakanila.

Sabay sabay silang sumugod ngunit dahil nakakaantok sila ay mabilis ko silang pinag babaril sa ulo. Okay 6 down!

Dahan dahan ulit akong pumasok sa loob ng building. Marami pa akong mga armadong nakasalubong ngunit pinapatumba ko sila ng mabilisan. Nasaan ka na ba Jenya!

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon