Chapter 55

713 33 8
                                    

"Ayaw mo padin bang kausapin si Arkeen hanggang ngayon? Ano ka ba. Tatlong months na si Shikaina." Sabi ng ate ko. Si Shikaina ang anak ko. Actually anak namin ni Arkeen.

Palaging tinatanong saakin ni ate kung kailan ko daw ba gustong makausap si Arkeen ngunit hindi ko naman alam kung ano mga sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Hindi naman ako galit sakanya. Hindi dapat ako magalit sakanya kasi hindi naman niya ako pinilit na gawin ang mga yun. Basta nalang nangyari. Ang bilis ng mga pangyayari.

Hindi man kami nagkatuluyan ni Achilles iyong lalaking tunay na mahal ko ay masaya na ako. Ng makita ko si Shikaina sa unang pagkakataon ay naging masaya na ako.

"Ate, hindi ko alam kung ano ang mga sasabihin ko sakanya. At tyaka di naman siya nagpapakita diba?"

"Dahil nasaktan siya at pakiramdam niya ay sinira niya ang buhay mo dahil hindi kayo nagkatuluyan ni Achilles. Meron ng asawa si Achilles Tasha. Masaya na siya. Sana ay mahanap mo din diyan sa puso kung papaano ulit ikaw sasaya." Sabi ulit ni ate..

"Masaya naman ako ate. Meron si Shikaina sa buhay ko." Sagot ko naman habang nakatitig sa maliit na mukha ng anak ko.

"Pero isipin mo naman si Shikaina at Arkeen. Masaya ka nga pero magiging masaya ba silang dalawa pag dating ng araw?" Tanong ni ate.

Hindi nalang ako sunagot. Bagkos ay pinagtuunan ko nalang ng pansin ang aking anak na dumedede sa akin. Hindi talaga maipagkakaila na tatay nga niya si Arkeen.

Kung itatanong niyo kung nagsisisi ako? Ang isasagot ko ay hindi. Bagkus ay magpapasalamat pa ako kay Arkeen dahil binigyan niya ako ng napakagandang biyaya.

Ilang saglit pa ay dumating sila Rui, Jaylord at Kasandra.

"Pakarga naman kay Shiki." Sabik na sabi ni Kasandra. Ngumiti naman ako sakanya at ibinigay ang bata.

"Naayos ko na pala ang modules mo para sa huling taon mo sa college. You can study at home at binayaran ko nadin ang lugar kung saan ka mag o-ojt kaya gagraduate ka ng maayos." Sabi ni Jaylord.

"Salamat Jaylord. Salamat sa lahat lahat ng naitulong mo saakin at sa lahat ng naitulong niyo." Naiiyak kong sabi..

"Wala iyon. Ang hiling ko nalang sana ngayon ay makipag ayos na ka na kay Arkeen. Although galit ako sakanya dahil nasaktan ng husto ang kambal ko pero wala naman na akong magagawa kung talagang ikaw na ang mahal ni Arkeen. Sana ay maging maayos na kayo kahit para nalang sa bata."

Noon pa man ay naiisip ko na yun. Gusto ko na siyang kausapin ngunit lahat naman kami ay hindi alam kung nasaan siya. Para nalang siyang naglahong parang bula. Bakit ba kasi ang hilig umalis ng magkakaibigang to pag broken hearted eh.

"Papaano kung dumating siya Tasha? Papano kung gusto niya ay maikasal kayo?" Tanong ni Rui

"Bakit pa kailangang magpakasal ng dahil sa may anak kami? He can always be a father kahit na hindi kami mag asawa." Sagot ko naman.

"No. He wants to marry not just because of Shikaina but because he loves you Tasha." Sabi niyang muli.

Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya kaya nanahimik nalang ako. Hindi ko alam. Hindi ko kasi alam sa sarili ko kung kaya ko nga ba siyang mahalin dahil sa totoo lang ay kahit may iba ng asawa si Achilles ay siya padin ang mahal ko. Sana nga lang at pwedeng ilipat ang pag mamahal na ito kay Arkeen para ayos na at wala ng problema pero hindi. Walang ganon.

"Tasha, ipapaalala ko lang sayo na kasal na si Achilles. Sana ay hindi ka na umasa. It may sound so rude pero iyon ang katotohanan." Seryosong sabi ni Kasandra.

"Alam ko naman." Mahina kong sagot. Untill now ay nasasaktan parin ako pero hindi naman ako kagaya ng mga kontrabida sa isang palabas na aagawin ng kontrabida ang leading man. Kaya kahit ng masakit ay hinayaan ko nalang.

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon