Habang naglalakad ako kanina patungo sa school ay bigla nalang may huminitong itim na Van sa tabi ko. Bumaba ang apat na lalaking sing laki ng katawan ata ni The rock. Nagulat nalang ako ng bigla akong sapilitang isakay sa Van.
Nanlaban ako ngunit sadya silang malalakas.
"Tang ina! Sino kayo! Pakawalan niyo ako! May quiz pa ako!" Pinagsasapak ko anh mga lalaking nasa tabi ko.
Ng bigla nalang tinakpan ang ilong ko ng isang panyong may chemical ata kaya nakatulog ako.
Pagkagising ko ay masyado pading masakit ang ulo ko sanhi siguro ng chemical na nalanghap ko kanina.
Iginala ko ang aking paningin nasa isang kwarto akong napapalibutan ng mga lalaking naka tuxido at may mga malalaking baril at bigla akong nanginig sa takot.
Gusto ko mang tumakbo ay hindi ko magawa dahil nahihilo ako at nakagapos ang paa at mga kamay ko. Tapusan ko na. Oh my God!
"Hello, Achilles? Ano na? Natatakot kana ba?" Nakita ko ang isang lalaking hawak hawak ang cellphone ko at sa tingin ko'y kausap nito si Achilles.
"Achilles!" Sigaw ko. Nagbabakasakaling marinig niya ako.
Lumingon ang lalaki saakin habang nakangiti na parang demonyo.
"Oh gising na pala ang mahal mo Achilles. Gusto mo ba siyang marinig?"
Pinindot niya ang loudspeaker at itinapat sakin ang cellphone ko.
Nag uunahang lumandas ang mga luha ko ng dahil dito.
"A-Achilles! Iligtas moko! A-Achilles! Natatakot ako. Please! Iligtas mo ako." Sigaw ko habang umiiyak.
Biglang tumawa ang nasa kabilang linya.
"Tasha. Oh my Tasha." Pagsisimula niya. Si Achilles nga.
"A-Achilles..P-please. Iligtas mo ako dito." Nanginginig kong sabi.
"Sa tingin mo ba ay pag aaksayahan kita ng panahon?" Nagulat ako sa sinabi niya. Nanlalaki ang mga mata ko sa narinig ko.
"Hoy! Ikaw. Kung sino ka mang may hawak sa babaeng yan pwede niyong gawin kung ano ang gusto niyong gawin sakanya. Ako ba ang tinatakot niyo? Eh mga tanga pala kayo eh. Sino bang nagsabing mahal ko yang babaeng yan eh kagaya ng iba kong mga babae laruan ko lang yan." Tumawa pa siya pagkatapos niyang sabihin ang mga ito.
Hindi ko alam na ganito pala siya kasama. Hindi ko alam na sagad pala sa boto ang ang kasamaan niya.
Tumagos sa puso ko ang mga sinabi niya at pakiramdam ko'y mas masakit pa yun kesa sa tama ng mga baril na galung sa mga taong to kung sakali ng tadtarin nila ako ng bala sa katawan ko. Shit! Ang sakit sakit!
Hindi ko na nagawang magsalita pa dahil baka hindi ko lanh ulit kayanin ang mga susunod niyang sasabihin.
"At ikaw naman Tasha. Masyado mo naman atang pinagkalat na seryoso ako sa kung anong meron saatin noon? Stop being such a clingy girlfriend kasi hindi kita girlfriend. Kaya ka napapahamak eh. Sa tingin mo ay dadating ako jan para iligtas ka?" Tumawa ulit siya.
"Sana naman ay kung mananakot ka..Yung mahalaga yung importante. Hindi yung para lang sa babaeng yan. Sinasayang mo ang oras ko. Tang ina mo!" At ibinaba na niya ang tawag.
Nag gagandalaiti naman sa galit ang lalaking may hawak ng cellphone ko. Puro mura ang narinig ko sakanya.
"Mga gago kayo!" Sigaw niya sa mga kasamahan niya.
"Wala tayong mapapala sa babaeng to! Putang ina niyong mga hinayupak kayo!"
Sinuntok niya ang ilang mga lalaking andoon.
"Itapon ang babaeng yan!"
Agad namang nag takbuhan ang limang lalaki papunta saakin at binuhat ako ng parang sako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila saakin. Parang wala na akong pakialamn kasi pakiramdam ko patay na ako.
Isinakay nila ako sa Van at namalayan ko nalang na ihininto nila ito sa kakahuyan. Ibinaba nila ako sa may damuhan.
"Anong gagawin natin sa babaeng to?" Tanong ng isa.
"Nililibugan ako.. Kita mo yang legs na yan? Yang matatambok na susong yan? Gusto kong tikman." Sabi naman ng lalaking isa.
"W-wag. Parang awa niyo na." Mahina kong sabi. Pero hindi nila ako pinakinggan.
Narinig ko ang pagkalas nila ng kanilang sintron at halata sa ekpresyon nila na tila ay nagugutom sila at handa ng lapain ako ano mang oras.
Ang isang lalaki ay kinalagan ako pagkatapos ay marahas na hinila ang blouse kong uniporme. Nagtanggalan ang mga botones nito kaya litaw na litaw ang dibdib ko.
"Wow! Ang kinis." Sabi nong isa at literal na naglalaway.
Bago niya pa ako hawakan ay napapikit na ako ng bigla nalang akong nakarinig ng magkakasunod sunod na putok ng baril.
Iminulat ko ang aking mga mata ay nakita ang limang lalaking nakabulagta na sa damuhan.
Ligtas na ba ako? Sino ang nagligtas saakin?
Natanaw ko ang isang lalaking tumatakbo papalapit saakin. Si Jaylord.
"Tasha! Ayos ka lang?!" Nag aalala niyang sabi.
Hinubad niya ang kanyang itim na t-shirt at isinuot saakin.
"Tasha?" Niyugyog niya ang balikat ko dahil hanggang ngayon ay hindi padin ako makapaniwala sa lahat ng sakit at nangyari saakin ngayong araw na to.
Natagpuan ko nalang ang sarili kong yakap yakap si Jaylord at ibinuhos ang mga luhang hindi na yata mauubos pa.
"You're safe now Tasha. Hush now." Sabi niya at kahit papano ay gumaan ang loob ko.
Binuhat niya ako dahil hindi ko na ata kayang maglakad dahil nanlalambot ang katawan ko.
Dinala niya ako sa kotse niya.
Habang nasa byahe kami papunta sa hindi ko alam ay napansin kong dumudugo ang kanyang balikat. Kakabaril lang pala niya kahapon at nandito siya tinulungan niya ako, niligtas niya ako.
Kung sino pa ang hindi ko inaasahang ililigtas ako ay siya ang nandito. Tatlong beses na niya akong tinutulungan. Bakit kaya palagi siyang anjan pag kailangan ko ng tulong?
"Yung sugat mo Jaylord." Mahinang sabi ko.
"Malayo sa bituka. Ikaw? Okay ka na ba?" Tanong niya saakin sa tunong nag aalala.
"Okay na." Sagot ko.
"Saan kita ihahatid Tasha?" Tanong niya.
"P-pwede bang saiyo muna ako?"
Ngumiti siya saakin. "Sure."
Ayaw ko pang bumalik doon. Ayaw ko pang umuwi dahil alam kung masasaktan lang ako pag nakita ko si Achilles.
Naramdaman ko namang mahal na niya ako pero magaling lang pala talaga siyang mag panggap. Ano pa bang aasahan ko? Sa una palang naman ay si ate na ang mahal niya at hindi ako.
Oo nga pala at binili niya lang ako. Binili dahil sa katawan ko. Hindi nga talaga pag mamahal yun kundi libog lang at ngayon alam ko na. Malinaw na saakin ang lahat.