Achilles 38

815 35 8
                                    

"Tang ina pre! Umayos kang gago ka! Tanya is mine!" Halata ang irita sa boses ni Rui.

Napaupo ako sa isang tabi para lang hindi nila makita ang aking pag iyak.

"Gago! She's mine! Pano magiging sayo!" Sagot naman pabalik ni Achilles sakanya.

"I courted her! Alam mo yun! Wag kang umarte jan. Kaltukan kita sa ngalangala mo!"

"Tss...Jerks." Umirap sa hangin si Kasandra at lumabas na sa kwarto.

Lumapit saakin si Arkeen at pinunasan ang mga luhang nasa pisngi ko.

"I'll call the doctor. May mali dito." Tango lang ang naisagot ko sakanya.

Lumabas si Arkeen at naiwan ako kasama ng nagtatalong si Rui at si Achilles.

Nagulat nalang ako ng hinila ako ni Rui at ihinarap kay Achilles.

"Eto oh! Eto si Tasha San Jose! Kapatid ni Tanya! Sakanya kana baliw na baliw ngayon na halos ikamatay mo. Tapos aarte kang ganyan!? Gago! Umayos ka!" Sabi ni Rui. Si Achilles naman ay nakatingin saakin na para bang inaalala kung sino ako.

"Hindi ko siya kilala." Sabi lang niya. Para bang pinipiga ang puso ko sa sinabi niyang yun. Galit siya. Gumaganti ba siya?

"Well you're beautiful but I don't like you." Paghabol pa niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi humagulgol. At dahil ayaw kong ipakita sakanila ay mabilis akong lumabas.

Lakad lang ako ng lakad sa loob ng ospital hanggang sa mamataan ko si Jaylord at Kasandrang nag uusap.

Nagtago ako para hindi nila ako makita. Ewan ko ba. Pakiramdam ko kasi ay may malalaman ako sa kanilang dalawa.

"Where's Tasha?" Tanong ni Jaylord.

"Gising na ang tunay na boyfriend. Tigilan mo na siya." Sagot naman ni Kasandra sakanya.

"No. Bakit? Mahal ko siya." Mariin na sabi ni Jaylord.

"Hindi ka mahal ni tasha at alam kong alam mo yun. Si Achilles ang mahal niya!"

Tumawa si Jaylord sa sinabi niya.

"Nag seselos kaba Kasandra?" Tanong ni Jaylord sakanya.

"H-hindi!" Utal na sagot naman ni Kasandra.

"Offcourse hindi mo aaminin. Mahilig ka naman talaga sa ganyan ang maglihim." May paghahamon sa boses ni Jaylord.

"Jaylord....I still love you." Nagulat ako sa sinabi ni Kasandra. May past ba sila? Bakit ganon? Ang dami dami ko padin talagang hindi alam.

"Kasandra it's over. Wag mo ng guluhin yung utak ko. You love but you hook up with Achilles and Arkeen? Oh baka pati si Rui?"

"Those photos were taken noong wala pa tayo. I'm sorry..Please..I'm sorry..."

"You're too late.." Narinig ko ang yabag ng mga paa ni Jaylord kaya taranta akong lumayo.

Shit! Magkakakonekta nga silang lahat.

Bumalik ako sa kwarto ni Achilles. Tulog na tulog siya. Si Rui naman ay may kausap sa kanyang cellphone. Nakatalikod siya saakin kaya siguro ay hindi niya ako napansin

"Ikaw yung hinahanap ni Achilles Bebelabs." May tampo sa boses niya.

"Ewan ko doon bebelabs. Baka mainlove ka ulit sakanya a?............Totoo?.......Ako lang bebelabs ha? I love you......." Binaba na niya ang tawag at gulat na napalingon saakin.

"Kanina kapa jan?" Tanong niya.

"Oo bebelabs." Ginaya ko ang boses niya saka ako malakas na tumawa.

Buti nalang at andito tong mokong na feeling na cool na to. May napagdidiskitahan tuloy ako.

Ng dumating si Arkeen ay sinabi niya saaming nagka amnesia daw si Achilles ng dahil sa aksendente at isa daw ako sa mga nabura sa kanyang alaala. Ang saklap.

"Okay lang yan Tasha. Maalala ka din niya" Ngiti lang naiganti ko kay Arkeen. Sana nga. Oh kaya mas mabuti na sigurong wag na.

Nag hintay pa kami ng ilang oras para makausap na ng dr. Si Achilles. Ng magising siya ay sinabi na ng doctor na kakausapin na niya si Achilles.

"Mr. De Lima. Ano ang huling naalala mo?" Tanong ng doctor.

Nakakunot ang kanyang noo na tila ba inaalala ang pinakahuling naaalala niya.

"Uhhh..Yeah! I remember Arkeen and I were talking. Nag uusap kami tungkol sa isang auction na pupuntahan namin kinabukasan....Naalala mo Arkeen pare?"

"Malamang. May amnesia ba ako? Gago! But that's almost 2years ago Achi."

"Ha? Putang ina! Anong taon na?"

"2016 na!"

"So 24years old na ako? Ang cool." Nakuha pa niyang makipagbiruan.

"Achilles! Magseryoso kanga. Ito si Tasha." Turo saakin ni Arkeen. "She's your girlfriend. Nabili mo siya sa auction noon then suddenly...... You both. Fall. Inlove. With. Each. Other. Nabura siya sa alaala mo."

Tinignan ako ni Achilles na para bang sinusuri ako.

"Bakit pag tinitignan kita galit at lungkot ang nararamdam ko?" Seryosong sabi niya.

"I'm sorry Achilles. I'm sorry...I hurt you. I'm sorry." Hindi ko napigilanh bumuhos na pala ang luha ko.

"Why? Anong rason?" Seryosong tanong niya.

"I saw your videos of diff. Girls. Nalaman kong nirape mo ang kapatid ni Jaylord na si Jenya. Natakot ako...."

"Na gagawin ko sayo yun?" Tanong niya. Tumango ako bilang sagot.

"So hindi ka pwede saakin. I know I'm so so so bad back then. I want a girl who will accept my past kahit na gaano pa kasama yun. Well Tanya accepts it back then. Siya lang kaya natakot akong mawala siya. But sila na ni Rui. Pero kung minamahal talaga kita at sinaktan mo ako ng dahil doon. Mabuti pa ngang hindi nalang kita maalala. Leave! All of you leave!" Sabi niya.

Agad akong lumabas. Hindi ko kinaya lahat ng sinabi niya. Bakit kasi hindi ko siya hinintay magpaliwanag. Bakit ganon? Bakit parang puro nalang ako mali.

Nagulat nalang ako dahil sa paghikbi ko ay may bigla bigla nalang yumakap saakin.

Tumingala ako para makita kung sino siya at nagulat ako ng mapagtanto kong.

"Nanay." Mahina kong pagtawag sakanyang pangalan.

"Andito na ang nanay. Wag ka ng umiyak. Patawarin mo ako anak ko."

Ang higpit ng yakap ni Nanay. At dahil sa yakap niya'y kahit papaano ay gumaan ang loob ko.

------

Lame. So sorry. :(

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon