"Bakit kaba kasi tumatakbo kanina? May humahabol ba sayo?" Tanong ni Jaylord. Hanggang ngayon ay andito padin kami sa clinic. Okay lang firstday palang naman e.
"Wala...wala." Ayaw ko namang sabihin sakanya kung ano ang nakita ko. Hindi ko siya kilala. Kailangan kong magingat gaya ng sabi ni Achilles.
Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Arkeen na tila nag aalala.
"Tasha! Okay ka lang?" Lumapit siya saakin at sinuri ako mula ulo ang hanggang paa.
"Okay lang ako. Ano kaba.." Tumawa ako dahil sa ekspresyon niya.
"Anong ginawa mo sakanya! Lacuin!" Baling niya kay Jaylord. Kinwelyuhan niya ito na anumang oras may susuntukin na niya ito. Magkakilala silang dalawa?
"Whoa..Relax.." Tinanggal niya ang kamay ni Arkeen sakanyang kwelyo at nginitian niya lang ito ng nakakaloko.
"Arkeen. Siya yung nagdala saakin dito." Sabi ko naman.
"Tasha, hindi ka dapat nagtitiwala sa kung sinu-sino! Lalo na dito sa gagong to." Halos umusok ang ilong niya sa galit. Ano bang problema ng taong to?
"Oo Tasha. Dapat hindi ka nagtitiwala sa kung sinu-sino." Makahulugan niyang sabi habang nakangiti padin ng mapang asar. "Diba Arkeen?" Tumitig siya kay Arkeen ng madilim tyaka ngumiti ulit.
Hindi nakapagsalita si Arkeen sa sinabi niya.
"Sige, Tasha..See you around." Kumindat siya saakin tyaka tumalikod at umalis.
"Ikaw ang rude mo talaga!" Inirapan ko si Arkeen.
"Ganyan talaga pag gwapo." Aba nakuha pa niyang magbiro.
"Kilala mo siya?" Tanong ko.
Matagal siya bago nakasagot. Mahirap ba sagutin yung tanong ko?
"Lalaking pokpok siya at repeater sa Statistics kaya kilala ko siya." Sagot niya.
"Lalaking pokpok?"
"Oo..Napasok na niya lahat ng mga puke ng mga babae dito sa Lux. Tatlong beses din kumuha ng Stats yan." Sabi niya.
Natawa ako sa sinabi niya na siyang nagpukunot ng kanyang noo.
"Anong nakakatawa?" Pagalit niyang tanong
"As if namang hindi mo pa napapasukan lahat ng vagigi ng mga babae dito no. Tyaka ano ka! Dapat graduate kana no! Pero tignan mo kabatch padin kita hanggang ngayon." Halos mapahawak ako sa tyan ko habang tumatawa.
Hanggang sa lumapit siya saakin at ikunulong ako sa mg braso niya. Nakahawak siya sa kama at nakatapat ang mga mukha niya saakin. Ang lapit niya.
"H-hoy!" Wala akong masabi dahil ang lapit niya masyado.
"Napasukan ko na lahat? Hindi pa Tasha...Hindi pa...Hindi ko pa napapasukan yang iyo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Halos mamula ang mukha ko at hindi ko alam ang sasabihin ko.
Bigla siya tumayo at tumawa ng sobrang lakas.
"Tignan mo yang ekspresyon mo Tasha...Parang umalis yung kaluluwa mo.." Tawa padin siya ng tawa.
Binato ko siya ng unan. Minura ko pa siya ng minura. Pero tawa padin siya ng tawa.
"Tyaka isa pa..Nagstop ako..Hindi ako bagsaking tao....Halika na nga hatid na kita sa klase mo...Wag mo ng ipalusot yang paa mo...Tss.."
Hindi na ako nakaangal dahil agad niyang kinuha ang mga gamit ko at binuhat ako. Hindi gaya ni Jaylord ay piggy backride ang ginawa ni Arkeen.
Speakinh of Jaylord. May kakaiba akong nararamdaman sakanya at hindi ko alam kung ano yun. Sa bawat pag titig niya saakin, sa bawat pag ngiti niya ay parang ibang iba ang nararamdaman ko.
Ng maihatid niya ako sa aking klase ay agad na din siyang nagtungo sakanyang klase. Minsan talaga parang sira yung Arkeen na yun. Baliw na manyak si Achilles naman Asshole na manyak. Mag kaibigan nga sila.
Pagkatapos ng maghapon kong klase ay hindi ko alam kung paano ako makakalabas ng university dahil masakit padin ang paa ko pag itatapak ko.
Pinilit kong makalabas ng classroom at natagpuan ko si Jaylord na nakasandal sa pader at nakalagay ang kanyang isang kamay sakanyang bulsa at ang isa naman ay nakahawak sakanyang Iphone na nakalagay sa kanyang tenga. Mukha siyang may kausap.
"Jenya? Yes..Ako na ang bahala. Don't worry..Yes...Yes..Okay..Bye..I love you."
Seryoso ang kanyang awra pero ng igawi niya ang kanyang paningin saakin ay ngumiti siya. Lumapit siya saakin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"I'm here to help you. Mukhang di pa kaya ng paa mo. Bukod sa may gasgas yang hita mo mukhanh namamaga din yang paa mo." Sabi niya.
Nakatitig lang ako sakanya.
"Wag kang naniniwala sa Arkeen na yun..Baliw yun..Kung may sinabi man siyang hindi maganda tungkol saakin." Sabi niya at tumawa ng mahina.
Napangiti nadin ako sakanya dahil sa tingin ko ay mabait naman siyang tao.
"Sabi lang naman niya na repeater ka daw ng stats at napasukan mo na daw lahat ng vagigi ng babae dito sa lux."
Tumawa siya sa sinabi ko.
"That asshole..Kahit naman siya ay ganon..Tss.. Halika na."
Binuhat niya ulit ako na parang pang bagong kasal. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante at ang ibang mga babae ay nag bubulungan pero para siyang walang pakialam samantalang ako ay hiyang hiya na.
Nagtungo kami sa kanyang itim na sasakyan. Isasakay na dapat niya ako ng biglang
"Hoy hoy hoy! Saan mo siya dadalhin!" Sigaw ng papalapit na si Arkeen.
"Ihahatid ko siya."
"Ako na! Ako na!" Sabi naman ni Arkeen at binuhat na ako papunta sa sasakyan niyang katabi lang pala ng sasakyan ni Jaylord.
"Girlfriend mo ba siya?" Tanong ni Jaylord na tila na aamused sa mga ginagawa ni Arkeen.
"Hindi." Mabilis na sagot naman sakanya ni Arkeen.
"Eh bakit ganyan ka sakanya pare? Daig mo pa asawa eh." Tumawa si Jaylord sakanya.
"Wag mo kong mapare pare jan Lacuin! Jan ka na ngang gago ka." Bago sumakay si Arkeen sakanyang sasakyan ay pinalipad niya ang kanyang gitnang daliri at ginatihan din naman ito ni Jaylord.
Parang mga bata. Tss.
Ng nasa byahe kami ay tinanong ko siya.
"Bakit parang magkakilala talaga kayong talaga? Parang ang lalim."
"Wala. Wala yun..Wag ka ng magtanong. Wala ako sa mood." Sabi niya. Inirapan ko nalang siya at tumingin nalang sa labas ng bintana.
Napansin ko ang dalawang sasakyan na parang sinusundan kami. Kanina pa tong mga to ah.
"Arkeen, parang sinusundan tayo" kinakabahan kong sabi sakanya.
"Tang ina! Yuko Tasha!" Kinuha niya ang isang baril sakanyang dashboard at pinaputukan ang mga sasakyan sa likod.
Ako naman ay nakayuko lang. Shit! Dito na ata nagtatapos ang buhay ko.