"Bakit buhat buhat mo yan?!" Pasigaw na tanong ni Achilles ng makita kaming dalawa ni Arkeen na papasok sa bahay.
"Kakatapos lang namin. Napagod siya." Sabi naman ni Arkeen.
Hinugot ni Achilles ang kanyang baril na nasa baywang niya at kinasa tyaka tinutukok sa sentido ni Arkeen.
Wala na akong lakas para makisali sa kanilang dalawa dahil hanggang ngayon ay nasa isipan ko parin ang dalawang sasakyan na nakasunod samin kanina ni Arkeen.
Hindi ko alam ang mga nangyari at tanging pagputok lang ng baril ang aking narinig.
Ng nilingon ko kanina ang mga sasakyan ay nag aapoy na ang mga ito.
Parang wala lang kay Arkeen ang nangyari.
"Tarantado ka!" Sabi ni Achilles sakanya.
Tumatawa lang si Arkeen sakanya na tila ay nakakatawa ang ginagawa ni Achilles. Parang hindi siya natatakot na kalabitin niya ang gatilyo ng baril.
"Tang ina mo! Biro lang! Na injured siya. Tinutulungan ko lang. Hulaan mo kung sino ang nakilala niya kanikanina lang." Sabi pa neto.
Bumaling si Achilles saakin na tila nag hihintay ng sagot.
"Jaylord Lacuin." Walang buhay kong sabi.
"Wag na wag mo ng ulit lalapitan ang taong yun Tasha." Seryosong sabi niya. Tumango nalang ako dahil wala na akong lakas makipagtalo pa.
"Mahal ko. Luto na yung pansit. Tara?" Maligayang sabi ni ate.
Mahal ko? Ayan din yung itinatawag niya saakin noong kami pa. Tarantado tong lalaking to. Wala bang alam na itawag saakin at iginaya sa tawagan nila ng ate ko?
Bumaling naman saakin si ate.
"Oh Shang. Anjan kana pala. Tara meryenda....Arkeen tara?" Paanyaya niya saamin.
"Sige ate. Gutom nadin ako eh. Tara Tasha?" Pagyaya niya saakin.
Gusto kong tumanggi. Gusto kong iwasan si Achilles at si ate pero napapansin na ni ateng lumamayo ang loob ko sakanya at hindi dapat ganito.
Ngumiti ako sakanya. "Naku ate. Baka tumaba ako niyan..Nagdidiet pa naman ako. May nakilala kasi akong pogi kanina sa school eh. Pero sige. Kakain ako."
"May nakilala kang pogi kanina? Tasha...May amnesia kaba? Matagal na tayong magkakilala." Sabi ng si baliw na Arkeen.
"Tss...Mag aral ka. Wag puro landi!" Baling naman ni Achilles. Wow! Makapagsalita ang isang to..
"Arkeen..Wag feeling. Alalayan mo nalang ako dito...At ikaw Achilles..Nag aaral akong mabuti...President lister ako...Get it? Puro uno ang grades ko.." Inirapan ko siya tyaka nagpabuhat na kay Achilles.
Nagtanong si ate kung ano ang nangyari sa paa ko at sinagot ko naman ito.
Habang kumakain kami ay nakatingin saakin si Achilles habang sumusubo. Naramdaman ko din ang isang paang bigla nalang kumikiskis sa may legs ko.
Ang manyak talaga ng lalaking to. Hindi na nahiya sa ate ko pero Shit na malagkit kasi eh! Ang sarap!
"Ahhhh...." I moaned.
"Tasha, Okay ka lang?" Tanong ng katabi kong si Arkeen.
"Ang sharap." Sagot ko.
"Huh?"
"Ah. Ang sarap ng pansit. Ahh. Hatid mo ko sa kwarto ko. I'm done." Baka mahuli kami nu ate ko. Mas mabuti ng nag iingat. Baka kasi mamaya ay magsex na kami dito.
"Oh sige." "Ako na!" Sabay na sabi ni Achilles at ni Arkeen.
"Ahh..Ehhh.May kukunin kasi ako sa taas. Sakto... Kain ka lang jan..Diba brother?" Hinawakan ni Achilles si Arkeen sa balikat at pinisil ito.
"Ahh..Ahhray! Brutal ba dapat?" Sabi ni Arkeen at hinawi ng malakas ang kamay ni Achilles.
"Mahal ko, hintayin kita sa kwarto...at ikaw naman Gago, uwi kana pagkatapos mo." Sabi ni Achilles tyaka niya ako binuhat ng pang bagong kasal.
Habang paakyat kami sa hagdan ay nagsalita ako.
"Achilles hindi mo ba talaga ititigil to? Anjan si ate!"
"I want to..But I can't stop....I need you Tasha."
"Sabihin mo nga. Mahal mo ba talaga ang ate ko?"
"Y-yes?? Pwede wag ka ng magtanong? Naguguluhan ako."
Inirapan ko nalang siya ng malapit na kami sa aking kwarto.
Ng mailapag na niya ako sa kama ay agad niya nalang akong siniil ng halik. Shit! Kainis talaga ang lalaking to.
"Ang sarap." Bulong niya pa.
Ng matapos niya akong halikan ay muli siyang nag salita.
"Don't lock the door. Pupuntahan kita mamayang gabi dito."
"Achilles! Hindi tama ang ginagawa mo!"
"It's wrong, but why I feel so happy? Tasha...Tasha...Please mag sasawa din naman siguro ako. Just please. Help me..." Tumalikod na siya at nag samulang maglakad papunta sa pintuan.
Ng isasarado na niya ang pintuan ay muli siyang nagsalita.
"Don't lock your door or else I'll destroy it...At papahirapan kita.....Sa kama." Kumindat siya bago tuluyang sinarado ang pintuan.
Pakshit talaga ang lalaking yun. Urghhhh!
Ng makahiga ako sa kama ay bigla namang nag vibrate ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang nagtext at nakitang si Arkeen ito.
Arkeen:
Wag na wag ng lalapit sa baga kung ayaw mong mapaso.
Me:
Pinagsasabi mo?
Arkeen:
Wala. :D
Me:
K
Arkeen:
I love you.
Ng dahil sa huli niyang text ay nagulat ako. Anong I love you ang pinagsasabi ng isang to? Hindi ko alam kung ano ang irereply ko. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagtext ulit siya.
Arkeen:
Gulat ka no? Hahaha! Wrongsend ako sweetypie. Sige na uwi na ako. Just text me kung kailangan mo ang isang gwapong tulad ko. :*
Ang presko talaga ng isang to. Napangiti nalang ako sa sinabi niya at hindi na muling nagreply.
Hindi ko nalamayan na nakatulog na pala ako. Tumingin ako sa bintana at nakita kong gabi na pala. Kaya pala gutom na ako dahil hindi naman ako nakakain ng maayos kanina dahil sa punyetang Achilles na yan.
Naging matapang nga ako sa harap niya. Pero dahil sakanya isa na akong certified babaeng manyak.
Lumabas ako ng kwarto para sana magtungo sa kusina ng madaanan ko ang kwarto ni Achilles at ni ate ay narinig kong para silang nagtatalo.
Hindi ako tsismosa pero feel ko mag eavesdrop ngayon kaya lumapit ako para marinig sila.
"Achilles! Ano ba talagang problema mo? Hindi ka naman ganyan noon ah? Ano ba talaga? Nagbago kana." Umiiyak si ate.
"I'm sorry Tanya. Naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko." Sagot ni Asshole.
"Ano? May iba na ba? Meron na? Sino?" Si ate.
"Tanya. Please nahihirapan din ako. Please." Sagot naman ni Achilles.
Humakbang na ako palayo. Ayaw ko ng marinig ang iba pa nilang sasabihin ng napatigil ako sa sunod kong narinig.
"Si Ta-Tasha ba?" Nanginginig sa tanong ni ate.
"Sagutin mo ako! Ang kapatid ko ba!" Sigaw ni ate.
"Oo. Si Tasha nga." Mahina ngunit sapat na para marinig ko.
Damn! Achilles! Ano bang ginagawa mo!