Achilles 40

934 29 5
                                    

"Kasandra, tama na ang pag inom. Ikaw na munang bahala kay Jaylord. Pupuntahan ko lang muna si Achilles sa hospital." Sabi ko sakanya.

"Okay..Kill the nurse alright?" Napangiwi nalang ako sa sinabi niya.

Nagmadali akong umalis doon at naglakad papunta sa may highway para makasakay na ng taxi. Hindi ko alam pero nanginginig ang mga kamay ko. Hindi porket hindi ka nakakaalala Achilles mambababae kana! Nyeta!

Ng makasakay ako sa taxi ay agad kong sinabi ang ospital kung nasaan man si Achilles.

"Manong pakibilis naman po ng konti please? Yung boyfriend ko kasi" Sabi sa driver dahil medyo mabagal siya sa pagmamaneho.

Hindi naman siya nag salita at sinunod nalang niya ako.

Ng makarating kami sa hospital ay mabilis kong tinungo ang kwarto ni Achilles. Bali pa naman ang binti non. Hindi siya makakabayo pero paano kung yung nurse ang nasa taas at siya ang gumagalaw? Damn! Ayaw ko na mag isip.

Hingal hingal pa ako ng tuluyan na akong tumigil sa tapat ng kwarto ni Achilles. Wala ata sila Rui at Arkeen ngayon.

Binuksan ko ang pinto ngunit wala si Achilles doon. Nasaan kaya siya.

Ng may dumaang nurse ay tinanong ko siya.

"Nurse nasaan po yung pasyente dito?" Tanong ko.

"Iyon po bang matangkad, Matangos ang ilong, May sharp jaw, maputi na basta pogi kamukha ni Sehun ng Exo?" Sabi niya habang nangingisay sa kilig.

Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya kaya napatango nalang ako.

"Kasama niya po ang isang nurse nasa rooftop po sila." Sagot naman niya kaya ngumiti nalang ako at nagpasalamat.

Nagtungo ako sa rooftop kahit na hingal na hingal pa ako.

Nakakainis. Sguro ay malaki boobs non at mukhang puta kaya gusto naman ng Achilles na yun.

Ng makarating ako ng tuluyan sa rooftop ay nakita ko silang dalawang nakatalikod at nakatingin sa view mula sa baba.

Hindi nila ako napansin kaya nagkubli ako.

"Hindi kaba natatakot saakin?" Tanong sakanya ni Achilles.

"Hindi." Mahinahon namang sagot ng nurse sakanya na hindi ko makita ang itsura.

"Pumapatay ako, Isa akong leader ng mafia, Rapist ako dati, At kung anu-ano pa." Narinig kong sabi ni Achilles

"Ewan. Hindi naman ako natatakot." Sagot naman ng nurse.

"Di ka natatakot baka irape kita?" Patawang sabi ni Achilles.

"Tatadyakan ko yang ano mo." Tumawa rin ang nurse na kanyang kasama.

"Alam mo ang gaan gaan ng pakiramdam ko pag kausap ka. Hindi ko din alam kung bakit pero parang masasabi ko lahat sayo ng problema ko." Halata sa boses ni Achilles ang saya.

Parang pinipiga ang puso ko ng dahil doon. Yung kasama niyang nurse na kelan lang niya nakasama napagsasabihan niya ng mga sekreto niya samantalang ako ay hindi. Bakit ganon? Hmmm. Siguro kasi alam niyang hindi ko yun matatanggap.

Aaminin ko naman na mahirap tanggapin ang mga yun pero kung sinabi niya saakin kung pinaliwanag niya saaking mabuti ay baka hindi na humantong sa ganito pero nasaktan ko na siya eh at hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ako.

"Meron ka na bang girlfriend?" Tanong ng nurse.

"Uhh..Sabi ng mga kaibigan ko. Si Tasha daw.. We're so much inlove with each other my friends said pero hindi niya ko matanggap eh.. I can't blame her...But if I truely love her I'll change kung tinanggap niya lang sana ako..Hindi ko man siya maalala I know there is something about her.."

"You're inlove with her that's why. Hindi naman nakakalimot ang puso eh kahit pa hindi mo siya maalala."

"Pero hindi niya ako matanggap."

Hindi ko na matagalan ang mga sinasabi ni Achilles. I'm so sorry Achilles.

Umalis akong nagpipigil ng hikbi para hindi nila ako marinig. Pagkadating ko sa garden ng ospital ay doon ako umiyak ng umiyak.

Kung sana ay pwede kong balikan yung gabing sumama ako kay Jaylord sana ay ginawa ko na. Sana ay pinakinggan ko siya. Sana ay nakita ko ang mga bagay na ginawa niya para saakin siguro ay hindi naging ganito.. Siguro ay masaya kaming pareho. Siguro ay hindi siya naaksindente sa pagtangkang pagliligtas saakin.

Hindi ko namalayang ang tagal ko na palang nakaupo dito at umiiyak. Bukas nalang siguro ulit ako dadalaw sakanya.

Umamba akong aalis ng may naglahad saakin ng panyo. Tiningala ko ito at nakita ang isang napakagandang nurse na nakangiti saakin.

Inabot ko ang panyo at ipinunas sa mga mata ko. "Thank you." I said.

Umupo siya sa tabi ko. "Hindi ko alam kung bakit ka umiiyak pero magiging okay din ang lahat." Sabi niya.

"Sana nga. Sana nga." Sagot ko.

"Alam mo bang may kaibigan akong pasyente dito parehong pareho ang nakikita ko sa inyong mga mata.. Lungkot at panghihinayang."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Pamilyar ang boses niya. Na curious ako kaya nagtanong ako.

"Sino yung pasyenteng yun?"

"Si Achilles." May ngiti sakanyang mga labi ng sinasabi yun.

Siya nga.. Siya ang ang kausap ni Achilles kanina. Ang akala ko ay isang nurse na may malanding postura pero nagkamali ako. Mukha nga siyang anghel eh

"May ikinwento nga siya saakin eh. Halata naman na mahal niya yung babae kahit na nabura sa kanyang isipan. In denial lang siya kasi nga nasaktan siya at pakiramdam niya ay hindi na siya mamahalin nong babae kasi nga gago yun dati. I can see na mabait si Achilles. Dapat mo lang talaga siyang kilalanin." Sabi niya habang ako naman ay titig na titig lang sakanya. Bakit pakiramdam ko ay mas marami pa siyang alam tungkol kay Achilles kesa saakin?

"Hay..Sayang type ko pa naman siya. Kaso may mahal na siyang iba. friend zoned ako." Bahagya pa siyang tumawa sa sinabi niya.

"Ikaw itong umiiyak at may problema pero ako pa tong humuhugot. Hehe..Kalimutan mo nlang yung sinabi ko ha?" Sabi niya at ngumiti saakin.

Kanina lamang ay gusto ko siyang sampalin pero ng makitang ganito pala siya ay parang mas gusto ko pang sampalin ang sarili ko.

Tumayo siya at umambang aalis pero lumingon ulit siya saakin.

"Ako nga pala si Airah. Magiging okay din ang lahat miss." Ngumiti siya saakin ng napakatamis.

---

Lame. Bawi next chap.

AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon